Chapter 4: Ang pagkikita

10 1 0
                                    

"In this world you can't find love; love finds you."

Limang araw na siyang wala sa mga panaginip ko. hindi na tuloy ako masaya sa paggising ko sa umaga. Nagmamadali akong umuwi galing Cavite dahil birthday ni mommy; 8PM na noon at naka-motorcycle lang ako. Nasa Sta. Rosa Laguna na ako noon ng biglang may bumangga sakin na kotse at tumilapon ako sa daan. Sobrang bilis ng pangyayari ngunit bigla itong bumagal ng makita ko siya na tumatakbo papunta sa akin habang tinawatag ang aking pangalan. Totoo pala yung ganong scenario pag naaaksidente! Akala ko sa movies lang!

 Totoo pala yung ganong scenario pag naaaksidente! Akala ko sa movies lang!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Balik tayo sa katangahan ko. nagising ako sa isang ospital at walang tao sa silid, ako lang. puro sugat ako sa katawan at hindi ako makagalaw sa sobrang sakit. Napapamura nalang ako sa katangahan ko. nagulat ako nang may magsalita sa banyo at sinabing "Gising ka na Tom? Wag kang gagalaw, palabras na ako." Babae ang nagsalita ngunit hindi iyon boses ng mommy ko. Paglabas niya, nagulat ako dahil si Menri yon. "Hindi ka pa daw pwedeng umuwi dahil hindi pa naghihilom ang mga sugat mo" sabi niya. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. hindi ko alam kung magtatampo ba ako dahil wala siya sa panaginip ko o sasabihin sa kanyang namiss ko siya o mabibigla dahil nakita ko na siya sa personal!

Menri: Tatawagan ko na si Glency para malaman ng pamilya mo kung nasaan ka.

Ako: Huwag muna. Ayokong mag-alala si mommy, birthday niya pa naman ngayon. Sabihin mo nalang kay Glency na hindi muna ako makakapunta kasi may ginagawa pa ako ngayon.

Menri: Sigurado ka?

Ako: Sigurado na ako sa'yo. –joke! Oo, sabihin mo nalang na busy ako at hindi muna ako makakauwi.

Menri: Patay ka sa nanay mo. Papaluin ka non sa pwet!

Ako: Whahahahaha!!

Medyo corny yung joke n'ya pero...... NAKITA KO NA SIYAAAAAA!!!!! Marami akong tanong sa utak ko. pero hindi ko alam kung saan at kung paano magsisimula.

Ako: Paano mo ako nakita?

Menri: Ginamit ko ang mata ko. duh!

Ako: Seryoso.

Menri: Papasok na ako sa trabaho tapos bigla kong nakita yung motor mo.

Ako: Ahh, ano bang trabaho mo?

Menri: Ahh, ilan pa tanong mo?

Hindi ko alam kung ganon sya kapetmalu mangtrashtalk o stalker lang talaga siya, o both. Bigla siyang nagpaalam dahil papasok na daw siya at babalik daw siya sa umaga at syempre um-oo nalang ako. Paglabas niya ng pinyo ay may narinig akong malakas na pagsabog at nagising ako ulit; Panaginip lang pala ang pagkikita naminn ni Menri. Nasa tabi ng kama at mga magulang at kapatid ko. Kinumusta ako ng pamilya ako pero hindi ako nakakasagot dahil ang nasa isip ko lang noon ay ang magandang mukha ni Menri habang kausap ko siya sa panaginip ko.

Pumasok ang doctor sa silid ko at pinaliwanag sa akin na sobrang lakas daw ng pagkakabangga sa akin at kinailangan nilang operahan ako dahilmay nabali daw na buto sa dibdib ko. Pag minamalas nga naman!

The Girl Of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon