Hindi na ako nagpahatid pauwi. Naglakad lang ako ng mga ilang hakbang tapos tumakbo na ako pauwi. Sobrang nayayamot kasi ako. Parang gusto kong maghamon ng suntukan. Umuwi ako noon sa bahay ng tumatakbo habang naiyak at hindi ko masabi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko; parang lahat ng bagay na nakikita ko at naaalala ko ay nagiging malungkot at nagiging kasinungalingan. Lahat ng kilig na naramdaman ko sa kanya at sa kanya lamang ay naging poot na hindi ko alam kung paano ko mailalabas. Hindi na ako nagpalit ng damit. Dumiretso na ako hindi sa kwarto kundi sa sofa at dun nalang ako humiga. May unan naman ako don at kumot.
Sorry kung ngayon lang ako nakapag-sulat ulit matapos ang limang buwan. Hindi ako masyadong nalabas ng bahay. Kung gusto mong malaman kung anong pinag-gagawa ko tatlong bagay lang; gising, iyak, tulog. Puro ganon lang. matapos ang ilang buwan ay sinubukan kong lumabas muli. Gumising ako sa isang malungkot na umaga at naglakad papunta sa pinto; as usual, habang naglalakad iniisip ko kung ano pa bang pwedeng trip dito sa San Tierra. Nayayamot na kasi ako. Kumbaga bored af na ako.
Pag- bukas ko ng pinto ay naglakad-lakad muna ako sa labas para naman magalaw-galaw ko yung mga buto-buto ko. Biglang may nakita akong bulaklak na kulay puti at may ginto sa gitna; ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng bulaklak at kasabay nood ay biglang nagliwanag ang paligid. Di ko maintindihan kung bakit biglang nagkaganon. Noong tumingin ako sa nilalakaran ko ay bigla ko siyang nakita. –si Menri, naiyak habang nakatingin sakin at hindi makapagsalita. Bigla siyang nanakbo papunta sa akin. Nagkaroon ako bigla ng adrenaline rush dahil unang-una hindi ko alam kung anong trip nya, pangalawa, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko dahil siyempre matapos ang maraming buwan na hindi ko siya nakita, hindi ko maipagkakaila nan amiss ko siya. At pangatlo hindi ko alam ang sasabihin ko.
Isang metro nalang ang layo niya sa akin ng biglang nanlabo ang paningin ko hanggang sa nagging kulay itim na. hindi ko magets kung bakit ganon. Tsk. Damn.
BINABASA MO ANG
The Girl Of My Dreams
RomansHindi ka makatulog? magbasa-basa ka muna! Story ito ni Tom at ang dream girl niya na si Menri ngunit sa panaginip lang sila nagkikita. Sana maka-relate kayo. hindi ako manunulat kaya pagpasensyahan nyo na. pero promise ko sa inyo na every time na...