Kinabukasan, maaga akong nagising sa San Tierra. Eto na siguro ang pinakamagandang lugar dahil hindi ko na kaylangan na magluto; dahil sa lugar na ito, kaylangan mo lang kumuha ng isang dakot na lupa at sabihin ang gusto mong pagkain. Magkatapos kong kumain ng agahan ay pumunta ako sa gubat para galugarin ang paligid at hanapin syempre... sino pa ba?... si Menri. Nakakainis dahil sa mga pagkakataong kasama ko siya hindi ko manlang natanong kung saan siya nakatira dito at kung anong trabaho niya sa totoong buhay. Hmmmm.... Naiisip niya rin kaya ako ngayon? Siguro hindi pa siya tulog kaya wala pa siya dito.
May mga hayop dito sa San Tierra na nakakapagsalita ngunit may iba rin na hindi; ito daw ay dahil pinarusahan sila ng diyos dahil masama sila sa totoong buhay. Sila siguro yung mga corupt na politiko at mga masasamang tao.
Makalipas ang dalwang oras nakita ko si Menri na nakikipaglaro sa isang koneho sa may sapa. Lumapit ako ng hindi nila nalalaman at narinig ko ang kanilang pinag-uusapan.
Koneho: Kailan mob a aaminin sa kanya?
Menri: Hindi pa siguro tamang oras. Marami pa siyang hindi nalalaman sa mundong ito at ayokong magsabay-sabay iyon.
Koneho: Paano mo nasabi na gusto mo siya?
Menri: Kahit hindi pa kami nagkikita sa totoong buhay at dito lang kami nagkakasama, ramdam ko sa kanya na mabuti siyang tao. Kaya ko napiling magpakita sa kanya noong kaarawan niya.
Koneho: May tao yata sa likod ng puno.
Menri: Baka nandito na siya. Pero sa pagkakaalam ko tanghali siya lagi magising.
*Lumabas ako sa pinag-tataguan ko*
Ako: Pasensya na. hindi ko naman alam na sobrang importante ng pinag-uusapan nyo.
Menri: Buti pa yung pinag-uusapan naming importante. E ikaw? –Joke!!
Ako: Agang-aga, pang-aasar agad ang bungad sakin nito!
Menri: Nakita mob a si Yuri?
Ako: Hindi pa e. gising pa siguro siya sa totoong buhay.
Menri: Osiya. Sige, sumama ka sakin.
Ako: Anghilig mo gumala no?
Kinuha ni Menri ang kamay ko at syempre...kilig nanaman ang lolo mo..whahahaha. tumawag siya ng isang malaking lawin mula sa himpapawid at sinakyan naming iyon. Habang nasa ere kami ay nakita ko ang natatanging ganda ng San Tierra. Napakaraming puno at mga halaman. May mga ilog na may sobrang linaw na tubig at iba pang mga anyong tubig katulad ng talon at mga ilog. Sa pagtingin ko sa kalangitan ay nabighani ako sa pag-ikot ng mga buwan at planeta.
Pagdating naming sa lugar na sinadya naming, maysumalubong sa amin na isang malaking kweba kung saan maraming Kristal na maymga pangalan; pinaliwanag sakin ni Menri na ito ay ang mga pumanaw nating mgamahal sa buhay na minsan ay nakikita din natin sa ating panaginip; nabasa ko saisa sa mga Kristal ang mga pangalan ng mga yumao kong mga kamag-anak at nangito ay hawakan ko, nagsalita ang isa sa mga Kristal at binati ako "Tom,maligayang pagdating. Akala ko ay hindi mo ka na makakapunta sa lugar na ito athindi ka kita makikita." Alam ko na iyon ang boses ng lolo ko. Hindi na ako nakapagsalita at ako ay napaluha nalang sa sobrang saya. Nung naka-move on na ako sa kadramahan ko, kinausap ko din ang mga iba kong kamag-anak at nagkakwentuhan kami tungkol sa kakulitan ko noong bata pa ako at sa mganangyari masaya sa aming pamilya. Pinakilala ko sa kanila si Menri at umani akong pang-aasar tulad ng "Tom, girlfriend mob a yan? Ikaw ha!". Sobrang hiya konoon kay Menri dahil sobrang lakas mang-asar ng mga yumao kong kamag-anak.Inabot na kami ng gabi kaya nagpaalam na ako sa kanila kaya napagpasyahan konang magpaalam sa kanila at oras na para umuwi kami ni Menri dahil kaylangan paniyang gumising sa totoong buhay. Ang mga susunod na mangyayari sap ag-uwinaming ni Menri ay sobrang nakakakilig at ikukwento ko nalang sa susunod nakabanata.
BINABASA MO ANG
The Girl Of My Dreams
RomanceHindi ka makatulog? magbasa-basa ka muna! Story ito ni Tom at ang dream girl niya na si Menri ngunit sa panaginip lang sila nagkikita. Sana maka-relate kayo. hindi ako manunulat kaya pagpasensyahan nyo na. pero promise ko sa inyo na every time na...