Chapter 7: Tala

12 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

So ayun na nga, pauwi na kami ni Menri. Pinapanood ko ang paglitaw ng mga tala sa kalangitan as ang mga insekto sa sapa na tila walang kapagurang naglalaro nang bigla kong maramdaman na nakatulog si Menri sa balikat ko. At syempre, kilig nanaman ang bida! Whahahahahaha. Dahil tulog na si Menri, ang ibig sabihin nito ay nagising na siya sa totoong mundo; hindi ko naman siya pwedeng gisingin dito dahil imposibleng bigla siyang makatulog sa totoong mundo; Kakaibabe na yon! Whahahahaha!

Dahil nakasakay kami sa lawin at walang hahawak sa kanya, minabuti kong ihatid na siya sa kanyang bahay. Mga ilang minute pa ay nakarating na kami sa kanyang tahanan dito sa San Tierra. Nauna akong bumaba sa tapat ng kanyang bahay at binuhat ko siya na parang bagong kasal. Ayyiiiieee!!!! Noong malapit na kami sa bahay ay may narinig akong boses na galing sa loob ng bahay niya. 

Sumigaw ako ng "Tao po!!!" at biglang may lalaking nagbukas ng pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumigaw ako ng "Tao po!!!" at biglang may lalaking nagbukas ng pinto. Naisip ko bigla nab aka iyon yung nagbabantay ng bahay niya pag wala siya. Binate ko agad siya ng "Hello! Ako nga pala si Tom!" at sinagot niya ako ng "Hi! Ako si Rick! Buti kasama ka pa niya nung nakatulog na siya!". "Halika muna sa loob at magkape ka muna!" pahabol niya. At nagulat ako sa mga susunid na nangyari.

Rick: Ikaw pala yung sinasabi ni Menri na kaibigan niya.

Ako: Oo, ako nga. Dito lang kami nagkakilala sa San Tierra.

Rick: Ah, oo; nasabi nga niya.

Ako: Oo nga pala, kaanu-ano ka ni Menri?

Rich: Hindi niya ba ako nakukwento sayo? –ako ang asawa niya. Limang taon na kaming kasal at may isang anak na kami; si Sujin.

*Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay hindi ko na narinig yung mga sumunod niyang sinabi. Natulala lang ako at nasaktan ng sobrang sobrang sobrang sobra. Ang naiisip ko lang ay ang tanong na: Bakit kaya hindi siya kinuwento sakin ni Menri? Napaka-dami niyang chance na sabihin sakin.*

Nakita ko din yung mga litrato nilang pamilya na nagalaw. *Nakakainis na magical place to, bakit pa kaylangang mauso yung mga litrato na nagalaw-galaw. Angsweet pa nila dun sa isang litrato sa may aquarium. Ang sarap batuhin!*

Pagkaubos ko ng kape ko ay nagpaalam na ako at tumakbo papauwi habang naiyak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkaubos ko ng kape ko ay nagpaalam na ako at tumakbo papauwi habang naiyak. Hays. Akala ko magiging masaya na ang buhay ko kasama si Menri dito sa San Tierra, hindi na nga ako nagtatanong kung bakit hindi parin ako nagigising sa totoong mundo e. Kasama ko siya at masayang masaya ako.... Tapos biglang ganito malalaman ko.

The Girl Of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon