Chapter 3: Ang pagtulog ng maaga

12 1 0
                                    

Umuwi ako agad galing eskwela para magpahinga at sinubukan kong iguhit ang kanyang mukha. Kung ako ang tatanungin medyo kahawig naman niya ang drawing ko. Architecture student kasi ako kaya puro buildings ang dinadrawing ko; marunong din naman ako magsketch kahit kaunti kaya kahit papaano ay nakuha ko naman ang itsura niya. Pinangalanan ko siyang Halo dahil para siyang anghel at pakiramdam ko naghahallucinate ako kasi ilang beses ko din siyang nakita kanina sa mukha ng iba. 8:00PM pa lang, may plates pa akong gagawin pero napagpasyahan kong matulog agad at nagbabakasakaling Makita ko siya ulit.

Katulad ng una kong panaginip, naulit nanaman ang araw ko at dahil nahalata kong nananaginip ako, lumipad ako at galing sa eskwela ay pumunta sa isang park kung saan naglakad-lakad ako nang marinig ko na may tumatawag sa pangalan ko; at paglingon ko ay siya nga! Kinamusta niya ang araw ko at tinanong niya kung kamusta ako. "Ako nga Pala si Menri." Pakilala niya. "Oy! Ako si Tom" ang sagot ko.

Menri: Oo, kilala na kita, ikaw yung pinsan ni Glency.

Ako: Paano mo ako nakilala?

Menri: Huwag na nang masyadong matanong! Halika samahan mo ako.

Ako: Saan tayo pupunta?

Menri: Sa puso mo. –Joke! Sa isang lugar kung saan masaya.

 –Joke! Sa isang lugar kung saan masaya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Medyo nalalabuan ako sa trip nya pero sumama ako. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pumasok kami sa isang pinto na nakatayo sa lupa na animo'y pinto lamang na walang likod dahil nakatayo lang ito sa gitna ng daan. Ngunit pag-bukas niya ng pinto ay bumungad sa amin ang mga bula sa ere at may mga taong nagsasaya at mga batang nagtatakbuhan. Pumasok kami doon at uulitin ko lang dahil sabrang nakakakilig, -hawak nya ako sa kamay. Ayyiiieeeeee

Maingay ang lugar at maraming taong nag-uusap pero ang naririnig ko lang ay ang tawa niya na sobrang cute. At ramdam ko na malakas ang tibok ng puso ko. pag lakad pa naming ng kaunti, napansin ko na Carnival pala ang lugar kung saan nagsaya kami. Hindi ko sya masyadong tinatanong tungkol sa buhay niya kasi binara niya ako kanina nung tinanong ko nung saan kami pupunta at sumakay kami sa rides at naalala ko na may class pa pala ako pero napagtanto ko na panaginip lang yon kaya kahit walang announcement si Governor ako na ang nagsuspend ng class ko. o diba, ang saya! Yhahaha!

Pagkatapos ng ilang rides ay niyaya niya ako sa isang ride kung saan pwede kaming mabasa at dahil kasama ko siya, sumama ako. Nakasakay kami noon ng biglang bumuhos sa akin ang malamig na tubig na parang malulunod na ako sa sobrang dami. Bigla akong nagising at binuhusan na pala ako ng nanay ko ng tubig dahil tanghali na daw ay tulog pa ako. Medyo nainis ako dahil minsan na nga lang may makasamang maganda at sa panaginip na nga lang, naudlot pa!

Nanay: Gumising ka na! may klase ka pa! tanghali na!

Ako: Opo nay! Grabe naman, udlot is real!

Nanay: Anong mga pinagsasasabi mo d'yan?! Sobrang sarap ng tulog mo ah! Natawa ka pa habang tulog! Adik ka na ba? Ipapa-tukhang kita!

At ayun. Naligo na ako at naghanda para sa pagpasok ko. sana Makita ko din siya sa personal at hindi lang sa panaginip.

The Girl Of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon