Chapter 2: Unang pagkikita

21 1 0
                                    

Minsan pag nananaginip ako, nalalaman ko na panaginip yon; kaya nakakalipad ako at nagkakasuper powers pag gusto ko. itry mo din yon minsan! Whahaha. Pero sa panaginip kong ito, nalaman kong panaginip ito dahil nangyayari ulit yung mga nangyari kanina sa celebration ko. Pero sa pagkakataong ito, may isang detalye ang nag-iba. Wala si Angela sa celebration ko at napalitan ito ng isang babae na kasama ng pinsan ko. bagamat mahiyain siya, ako at nabighani sa kagandahan nya. Sa kung paanong nawawala ang nga mata nga sa sobrang singkit tuwing nangiti. Tumigil ang oras at animo'y mabagal ang galaw ng lahat ng bagay sa paligid; nagniningning siya at nakatingin sa akin; binate niya ako at nagpasalamat at ngunit hindi ko natanong ang kanyang pangalan. Pinakilala siya sa akin ng aking pinsan ngunit Malabo at hindi ko naintindihan ang pagkakasabi niya ng pangalan ng binibining kasama niya. 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Katulad ng nangyari kanina sa celebration ko, hinatid namin siya ng pinsan ko sa bahay nila ngunit hindi ko alam kung saan lugar iyon dahil sa sobrang gulo at spontaneous ng kalye sa panaginip ko. ang naaalala go lang ay isang street sign na may nakasulat na "C**** V******"; tanging iyan lang ang mga letrang natandaan ko na nakasulat sa lugar kung saan namin siya inihatid.

Kinabukasan paggising ko, ikinuwento ko adag sa mga kaibigan ko ang mga pangyayari sa aking panaginip. Sinasabi nila na dahil daw yon sa sobrang pag-iisip ko sa lovelife at sap ag-aasam na magkaroon ako non. Maaari ngang iyon ang dahilan ngunit hinding hindi ko makakalimutan ang panaginip na iyon at ang mga mata niya na nagpasaya sa akin lalo. Sana sa susunong kong panaginip ay Makita ko siya ulit.

The Girl Of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon