Panimula

31.7K 547 20
                                    

Keyleigh Brielle Marquez Razon
Gianna Autumn Diaz Clermont

--

"Argh, Vanne! Ayoko nga eh! Kainis ka talagang babae ka!" Inis kong reklamo.

Pano ba naman ang sarap sarap ng tulog ko tapos bigla niya nalang akong guguluhin dito! Minsan na nga lang gumising ng late tas nanggulo pa ang gaga! Kainis talaga!

"Keyleigh naman samahan mo na 'ko sige na please? Minsan na nga lang magka free time ang beshy 'kong feymus tas hindi mo pa sasamahan ang kagandahan ko?" Nag-iinarte niya pang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayun na nga eh! Bakit ba isasama mo pa 'ko? Ni hindi nga kami close non!" Sarap batuhin ng unan ang lintek!

"Of course I want her to meet my another bestfriend, which is you!" Masaya niya namang sagot.

Napailing nalang ako atsaka inis na pumasok sa CR. Wala na rin, nagulo niya na yung tulog ko at panigurado hindi na ko aantukin agad.

11 AM na kami nakaalis sa bahay ko dahil sinadya ko talagang inisin siya. Tinagalan ko kilos ko para makabawi naman ako sa pagsira niya sa tulog ko. Ha! Matukan yata 'to.

Hindi ko alam kung saan kami puounta pero hindi na rin ako nagtanong. Tinatamad akong magtanong eh. Hinayaan ko lang siyang magmaneho. Shempre, hindi ako pumayag na sasakyan ko yung gamitin. Siya may kailangan, so siya ang mag-ubos ng gas.

Tumigil kami sa tapat ng isang mamahaling restaurant. I've been here so many times na rin. Favorite restaurant kasi 'to nung nakababata 'kong kapatid.

Mukhang nakita naman agad ni Vanne yung kaibigan niya dahil kumaway siya kaagad. Sumunod lang naman ako, putting my bored face.

"Gianna, I missed you!" Bati ni Vanne doon sa kaibigan niya. Ako naman nakatingin lang sa paligid ng restaurant, nakatayo sa likod niya.

"I missed you too, Vanne."

Agad akong napatingin sa kaibigan ni Vanne. Sino ba namang hindi mabibighani sa ganong kalambing na boses?

At hindi lang yon... Sobrang ganda niya rin. Medjo na stunned pa 'ko nang bumaling siya sa'kin.

"Diba I told you na I want you to meet my other besfriend?" Nakangiting tumango yung kaibigan niya. "She's Keyleigh Brielle Razon," Bumaling naman sa'kin si Vanne. "Keyleigh, She's Gianna Autumn Clermont." Umupo siya sa tabi nung Autumn.

Tumango lang ako don sa kaibigan niya. Ngumiti lang naman yung kaibigan niya sa'kin.

Its awkward! Kanina pa sila nagk-kwentuhan at sobrang OP na talaga 'ko. Magpapaalam na sana 'kong mauna na ko pero bigla naman may tumawag sa'kin kaya napalingon ako para makita kung sino yon. It was Ash Castro. She's my rival in court but we're friends.

"What's up, Kay?" Tanong niya after ng signature handshake naminz. Napatingin siya sa mga kasama ko na busy parin sa usapan nila.

"Fine. I bet may ka date ka nanaman dito?" I smirked. Tumawa lang siya.

"Wala. I'm with my friends. Tignan mo, nakatingin nga agad sayo si Jaz," She chuckles then tinuro sa'kin yung table nila. Napailing nalang ako. Kasama niya nga si Jaz.

Si Jazmine Torres na sinasabing may gusto daw sakin matagal na. Well, I'm into girls at alam naman nila lahat yon. Pero di ko talaga siya trip eh. I can be her friend, but not her lover.

"Tigilan mo nga, Ash. Tinutulak niyo pa kasi sa'kin eh." Napailing ulit ako. She tapped my shoulder.

"Tinamaan sayo, wala tayong magagawa. Anyway, kailan niyo pa naging close ni Vanne yang super goddess na si Gianna Clermont? Tangina Kay, picturan mo kami!" Bulong niya sa'kin.

Sakto napatingin samin si Vanne kaya pinakilala ni Vanne si Ash kay Gianna Clermont. Tuwang-tuwa naman si Ash. Fan daw siya amputa! Hahaha! Umalis din naman siya agad pagkatapos non tsaka nagyabang sa table nila. Leche yon, nakalimutan ako bigla. Balik boring time nanaman ako.

"Vanne," Tawag ko kay Vanne. Napatingin silang dalawa sa'kin. "Alis na 'ko." Sabi ko. Napangiwi naman si Vanne. Tss!

"What? No! Just stay there!" Nakakainis naman eh! Sobrang boring na nga ako dito eh!

"Matutulog nalang ako." Nagtitimping sabi ko. Mainipin talaga 'ko at wala akong pakialam sa sasabihin ng kaibigan niya.

"Keyleigh naman! Niyaya nga kitang lumabas para hindi ka matulog nalang sa bahay mo! Diyan ka lang." Sinamaan pa niya 'ko ng tingin. Feeling niya naman matatakot ako.

"Tss." Tumayo ako at hindi na pinansin ang sama ng tingin niya. "Una na ko." Bored kong sabi sa kanila. Nagsimula na 'kong maglakad nang narinig kong sabi niya

"Ingat."

I gulped. Shit! Boses palang mahuhulog ka na sa charm niya!

Pero hindi ako. Ha! Asa!

HypnotizedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon