Twenty

11.2K 258 21
                                    

"Brielle..." Lumingon ako sa kanya. Her hair dances because of the wind. "Kain na muna tayo." Tumango ako.

"Halika muna dito," I tapped my lap. Nakaupo ako sa sun lounger.

Umupo siya sa hita ko. I kissed her bare shoulder. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. She kissed my forehead.

"Akin ka lang." Seryoso niyang sinabe.

"Alam ko. Unang ngiti mo palang sakin alam ko nang nakuha mo na 'ko, e." Hinaplos ko yung braso niya. "Pafall kasi yung mga ngitian mo." Kunyari pang napailing ako. She giggled.

"Sa'yo lang kaya ako ngumiti ng ganon! Obvious naman kasi na napilitan kalang samahan si Vanne na puntahan ako." Umirap siya. Natatawang humalik ako sa pisngi niya. Damn girl, you're so hot!

"Sorry na, antok pa 'ko that time."

"Tapos nung naghiwalay tayo biglang nagsulputan yung mga babae mo! I didn't know back then kung kanino ako kakabahan, kay Selena ba o kay Fabienne! Madalas kayong mag out of town ni Sel then si Fabienne naman nasa bahay mo. Like? The ef?" Nag rant na hahaha. Tumatawa lang naman ako sa balikat niya.

"Baby, naappreciate ko lang nam—"

"Grabe naman na appreaciation yan masyadong maharot!" Hindi ko na napigilan, kinagat ko na yung balikat niya. Sobrang cute, e!

"Pero sinong nasa kandungan ko ngayon? Sinong matapang na humalik sakin para makita ng buong mundo kung ano ba talagang meron? Sino ba yung kahit anong galit ko siya parin yung pipiliin ko?" She's blushing now. Damn, I have my lovable girl again. "Mahal na mahal kita, Autumn. Hindi nawala 'yon kasi hindi ko namang ginawa na kalimutan ka. Hindi kaya ng puso ko. Ayaw sa iba. Ikaw lang talaga yung gusto." She kissed me lovingly.

"Mahal na mahal din kita, baby. Even though, I'm smiling on television, I'm still broken inside 'cause I don't have you. Wasak na wasak ako pero sinasabi ko sa sarili ko na kasalanan ko naman kung bakit ganon. Sobrang sakit lang talaga na isipin na may iba ka ng magugustuhan..." Umiwas siya ng tingin. Marahan ko siyang iniharap sakin.

"Malabong may magustuhan pa 'kong iba. You set my standards so damn high, paano pa 'ko makakahanap ng hihigit sa'yo e malabong may pumantay manlang sa'yo?" I winked. Mahigpit siyang yumakap sakin.

"Kainis ka! Kain na nga tayo!" I laughed. Binuhat ko siya papunta sa loob ng bahay.

--

"Ash!" Tawag ni Camy kay Ash.

"Ano?! Putanginang mga 'to bombahan ko kaya 'to ng tubig?!" I laughed hard. Kinurot lang ako ni Autumn kaya ako natigil. "Gago ka, Keyl! Tawang-tawa ka pa diyan, e kung hayaan nalang namin 'tong mga 'to dito?!" Tatawa na sana ko ulit pero masama na yung tingin ni Autumn.

Nasa kotse kami ni Autumn ngayon malapit sa bahay ko. We're on a phone call right now. Hindi kami makapasok dahil sa sobrang daming reporters na nasa tapat ng bahay ko. Si Ash and Camy nasa bahay ko habang sinusubukan nilang ipaliwanag sa mga reporters na wala kami don pero ayaw talaga nilang umalis.

May mga guards na rin doon pero dahil kulang pa, nagpatawag na kami ng mas maraming security. Gusto ko man na pumunta sa iba, ayoko naman madamay yung privacy nila kaya pipilitin namin na paalisin sila dito.

"Yung mga flowers ko diyan sa labas, kapag may natanggal kahit isang petals diyan, kaltok kayo sakin," Biro ko pa. Minura nila king dalawa hahaha.

"Namo! Iwanan na natin 'to, Ash! Marami namang pamalit na bahay 'yan!" Inis na sabi ni Camy.

"Kung di lang para kay Gianna, baka iniwan ko na talaga 'to. Care ko naman diyan kay Keyl?" I laughed. Kunyari pa, love naman talaga nila ko hahaha.

HypnotizedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon