Five

12.3K 365 36
                                    

The moment I knocked on her door, bumukas na kaagad 'yon. Niyakap niya agad ako pagkakita ko sa kanya. I giggled atsaka dinala ko na siya papasok. Mahirap na baka may paparazzi na nakatago. Hindi siya humiwalay kaya nakayakap siya sa'kin habang nila-lock yung pinto.

"Sorry if I'm so selfish that I stole your time with your friends..." Sabi niya nang nasa couch na kami. Nakayakap parin siya sa'kin.

"Its fine. They understand," Hinaplos ko yung pisnge niya.

"What did you tell them?" Kumunot ang noo niya.

"Sinabi ko na my girlfriend needs me kaya ayun pumayag naman sila. Ganun kasi kami. Kapag gusto namin yung partner ng isa for our friend, kahit umalis siya kaagad, okay lang." Sabi ko naman. I kissed her hair.

"They already know me?" Nag-angat siya ng tingin sa'kin, nakangiti.

"Hmm hindi pa. But, Vanne told them na she likes you kaya ayun pinayagan nila 'ko. You want me to tell them?" Marahan 'kong sabi. Ayoko namang ma-misinterpret niya.

"They are your friends, of course, its fine. I want us to be a normal couple. I don't want you to feel na I'm hiding you. Let the public guess what are we." Tumango ako sa kanya.

"They told me to send a photo of us para makita daw nila kung sino yung kinahuhumalingan ko ngayon," I giggled after saying that.

"Give me your phone," Sabi niya pero siya naman kumuha sa bulsa ko.

Binasa niya yung text ni Coach na may morning training daw kami bukas. Akala ko pa naman makakaligtas na😑

She was about to take a selfie pero binaba niya yung phone ko. Lumingon siya sa'kin.

"I want our parents to know about us first..." Ngumuso siya pagkasabi non. Nakangiti 'kong hinalikan ang ilong niya.

"I already told my parents about you. They want to meet you. You want them to meet on Saturday?" Nanlaki yung mga mata niya pero nakangiti siyang tumango.

"My parents wants to meet you, too!"

"Let's set a date for that. Is that fine with you?"

"Yup!"

She took photos of us atsaka nag send ng isang picture sa viber group namin. Hindi ko na inintay yung reactions. Pinatay ko na agad yung phone ko atsaka hinila na siya para matulog.

"You want me to drop you at your shoot tomorrow?" Marahan kong tanong sa kanya. Nakahiga na kaming dalawa sa bed niya, nakayakap siya sa'kin habang hinahaplos ko naman yung likuran niya.

"I want, of course. But, you have your morning training so I'm fine," Inaantok na sagot niya.

"No, you know that the team will understand—" Natigil ang pagsasalita ko dahil nag-angat siya ng tingin sa'kin.

"Ayoko ng porket nasa buhay mo na 'ko ngayon, hindi mo na naaasikaso yung mga bagay na palagi mo namang ginagawa. Hindi kita pinagbabawalan, Keyl. Ayoko lang dumating sa point na nas-suffocate ka na sa'kin. Don't think negatively, okay? I'm just saying this kasi gusto ko nagagawa natin yung mga gusto natin..." She caressed my face. I genuinely smiled.

"Thank you...let's sleep." She nodded atsaka binalik ang mukha sa chest ko.

——

"Oh shit! Kelan pa yan si Shan Astrid De leon dito?!" Sabi ni Camy pagdating niya for our morning training.

Nagkibit balikat lang ako. Sila Vanne kausap si Astrid don sa left side, helping them sa stretching habang ako nandito sa kabila nagi-stretching na din.

HypnotizedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon