Eighteen

9.2K 292 47
                                    

Three months passed. Ang bilis bilis ng panahon. Nakakalaro na ulit ako and thank god naibalik ko naman yung game ko before kaya hindi ako nahirapang mag adjust.

Katatapos lang ng ulit ng conference kaya relax relax muna kami ngayon. Actually, we lost last conference to Ash's team. Dikit naman yung laban pero wala e, kinapos kami kaya natalo kami.

"Should I accept this?" Seryosong tanong ko sa tatlo. Nandito sila Ash, Camy and Vanne sa bahay ko, wala daw silang matambayan.

"Naman! Unless, bitter ka?" Tumawa si Camy. Siniko ko nga. Tss.

"Gagi, hindi. Iniisip ko kasi baka maspike ko ng malupit yung bola, may matamaan pa. Alam mo naman puro artista yon."

"Bat di ko naman naisip yan?" Tumawa si Ash. "Pumayag ka na, ako nga pumayag na." Humalik pa siya sa pisnge ni Vanne.

Kailangan humalik pa? Tss.

Okay, sila na. Nung una di ko talaga kaya yung sweetness nila pero dahil sanay na 'ko, natural nalang sakin yon. As for Camy, may girlfriend na din siya. Yung angel niya na si Cath Lagra. Nadali ni Camy! Hahaha.

At ako?

Ha.

Single.

I see her face everywhere, how can I move on agad? I mean, okay, natanggap ko na naman kaya lang minsan ang awkward kasi may mga place na nagkakasalubong kami pero shempre hindi ko siya pinapansin. Tapos yung mga pinsan niya pa, akala mo hindi kami naghiwalay. Niyayaya parin ako sa mga night out nila pero never akong nagpunta kasi iniisip ko palang na aw-awkward na 'ko.

"Atsaka, kay Selena ka naman na team, hindi sa kanya!" Sabi pa ni Camy na busy sa cellphone ngayon.

"Edi oo na!"

I replied to the organizer na I'm in since kay Selena nga naman akong team. After I sent my confirmation via email, nakita kong nakangisi sila sakin. Pinaghahampas ko nga ng unan.

Nagkayayaan kaming mag mall 'cause Ash wants to buy a new shoes that she'll wear on the game tomorrow.

It's a game prefered by the artist's agency. May basketball din sila which is sila Drei and Paulo naman ang kinuha nilang players. They invited athletes for a better game daw.

"I like the gray one," Sabi ni Vanne. Tinatanong kasi ni Ash kung anong mas magandang style. Hinayaan ko sila don atsaka naglibot-libot din sa store.

Paglingon ko sa pinto, saktong pumasok si Camy kasama si Cath. Napailing nalang ako nang narealized kong fifth wheel nanaman ako.

Bumili na rin ako ng new shoes dahil lahat sila bumili. Nauna na 'kong lumabas sa store habang nakasunod sila sakin.

"San tayo kakain?" Lumingon ako sa kanila. I rolled my eyes. Damn it, walang nakinig sakin! "Hoy! Saan—oh shit, I'm sorry—" Kasi naman sa likod ako nakatingin habang naglalakad paabante! May nabangga tuloy ako!

Sa lahat naman talaga ng makakabangga!

"Keyl," Si Astrid.

"Uh, hey." Nginitian ko siya. She did the same.

"Tamang-tama, manunuod kami ng sine mamaya, kawawa naman 'to si Keyl walang kapartner kaya pwede ka ba ngayon?" Tanong agad ni Camy. Hindi niya pinansin yung masama kong tingin!

Tumingin sakin si Astrid. "Sure," She smiled.

Palihim ko siyang pinagmasdan nang naglalakad na kami papunta sa sinehan. Mas pumuti siya ngayon at parang ang ganda-l ganda ng glow niya. The way she smiles, damn. Ang ganda ganda niya lalo! Kumakaway siya sa mga nakakakilala samin pero ako nakatingin lang sa kanya.

HypnotizedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon