Eight

10.3K 277 32
                                    

"Is that all you've got?" Asar sakin ni Ash. Magkatapat kami sa net ngayon habang hinihintay namin na mag serve yung ka-team niya. First set palang pero grabe na yung trashtalk niya saken. And yes, magkalaban kami ngayon. Jampacked nga 'tong arena, e. Our team are rivals you know.

"Nah, I'm just sleepy. Ang boring mo kalaban." Humikab pa 'ko na ikinasama ng tingin niya sakin. Ngumisi ako atsaka mabilis na umayos para mag receive.

Tin spiked pero nakuha ng kalaban. Sinet nila kay Ash kaya mabilis akong pumunta sa net at blinock ang palo niya.

"SINGLE BLOCKED BY KEYLEIGH RAZON!!" Sabi nung announcer. Score, bitch.

"See? Single ka na, na block ka pa!" Niyabangan ko si Ash na masama na talaga ang tingin sakin ngayon hahahaha.

"F you! Make sure that you'll handle my spikes and blocks now!" I just shrugged. Natatawa lang si Camy na nasa gitna.

Its our last game for this year 'cause holidays na! Finally! Autumn is currently in abroad right now 'cause she's busy promoting her movie there. After naman nito, susunod ako sa kanya to have our holiday trip.

I want to end this game na nga e kaya lang malabong matapos agad 'to dahil nachallenge ko talaga yata ng malala si Ash dahil sunod sunod na yung points niya. Ayaw talaga patalo huh? Sabagay, we're rivals and you can't expect an easy game dahil parehas kaming di sanay matalo.

"ANOTHER POINT FOR ASH CASTRO!!"

Nag time out si Coach dahil three straight points ang ginawa ni Ash. Makapag seryoso na nga. After ng ilang paalala ni Coach, nagsibalikan na kami sa court.

"Be serious. Ash is freaking serious, both teams has the same standing. Don't tell me gusto mong second lang tayo kila Ash?" Sabi ni Vanne. Umiling ako. "Game time, bitch!" She smirked.

Nakita kong nakangisi sakin si Ash. Nag shrug lang ako atsaka nagseryoso na. The game ended in five setter game and of course...

"Tangina ka, lumamang ka lang ng isa ha!" Ginulo ni Ash yung buhok ko. I laughed. Parehas kasi kami ng game tally. Lamang lang ako ng isang point. Winning point to be specific. "Great game, bitch! Congrats for being 7-0! Tara later?" Sabi niya habang nasa court pa din kami. Tinapik ko naman yung balikat niya.

"Pinahirapan mo nga 'ko. Namumula yung braso ko!" Sakin kasi niya binibigay yung spikes niya!

"Wow so ako hinde? Hayup yung spikes mo akala mo laging may kasamang hallow blocks!"

"Ulul!" Natawa kaming dalawa. "Pero sige tara mamaya. San ba?" Kumaway na kami sa fans atsaka pumasok sa dugout.

"Birthday ni Sanya diba? Invited ka dun!" Ah. Sanya Espiritu yung ka-teammate niya na rookie. She invited the team nga pala and yeah gaganapin yon sa isang exclusive bar.

"Sige, sige. Later,"

We seperated ways. Naligo muna ko sa shower room. Walang pupunta sa teammates ko dahil may mga sarili daw silang lakad. Ayoko na rin sanang pumunta pero umo-o na 'ko kay Ash, e.

Pagdating ko sa venue halos mga kilala ko naman yung nandon dahil shempre teammates ni Ash yung mga yon. Yung iba familiar lang pero di ko matandaan yung mga pangalan. I managed to bought a gift for Sanya on my way here. Also, I messaged my girlfriend na I'm out for a party. Di pa siya nagr-reply, e.

"Happy Birthday, Sanya!" Bati ko tas inabot ko yung gift ko sa kanya. Namula naman ang mukha niya. Aware naman ako na nakatingin yung mga kaibigan niya saken.

"Thanks, Keyl! Nandoon na sila Ash, tell me if you need something ha?" I nodded. Pumunta na 'ko sa pwesto ni Ash.

"Tagal mo! May surprise ako sayo!" Sigaw niya dahil ang ingay ingay dito.

HypnotizedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon