Three

13.5K 376 48
                                    

So happy, ang dami ng nauuto ni Lj&Athena😝 Love my baby Keyl&Autumn as well guyz!😊 Thanks for reading and voting!

--

Keyleigh Brielle's POV

Minsan kasi ang tanga ko talaga. Alam ko namang may sabit, sinubukan ko parin! Mabilis man yung pangyayari pero gusto ko siya. Gusto ko na siya kaagad.

Siya kasi yung type na ang sarap alagaan. Yung ang sarap ipagdamot kasi sikat siya. Yung gusto ko ako lang nakakapag-pabusog sa kanya.

"Hoy tara na! Kanina ka pa nag e-emo diyan!" Pansin sa'kin ni Camy. Katatapos lang kasi namin mag training kaya nakaupo lang ako dito sa bleacher.

Hindi ko nalang siya pinansin tas nauna na 'ko palabas. Sumabay naman siya kaagad ng lakad sa'kin. Si Vanne nagmamadali kanina, dumating daw si Tito and Tita kaya dapat present silang magkakapatid. Sinasama niya nga ako pero tinatamad ako kaya next time nalang.

"Brad, bar tayo?" Hindi ko alam kung anong trip niya pero sige.

"Tara." Nagulat siya sa sagot ko pero tumawa nalang siya.

"Actually, joke lang yon pero sige tara. Mukhang may problema ka eh."

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya. Pagdating namin sa bar, panay lingon naming dalawa paligid. Medjo nagkakasundo talaga kami ni Camy when it comes to girl hunt haha. Nakahanap agad kami ng pwesto. Hindi naman kasi friday or weekends ngayon kaya hindi ganong ka sikip.

"Damn, girl..." Sabi ni Camy habang nakatingin sa girl na nasa kabilang table lang.

The girl's wearing a showy kind of dress kaya naman ganyan nalang kung maka react yan. May mga nakakakilala sa'ming dalawa kaya binabati din namin ni Camy. Kapag maganda at sexy, pinapaupo ni Camy sa pwesto namin. Landi talaga.

"Up for a bet?" Nanghahamon nanaman si Camy at ayoko talaga ng idea niya pero on the other hand, why not? I'm so up for fun tonight.

"Sure. Basta ako unang mag d-dare sayo?" Nginisian ko siya.

"Game! What's your dare?" She smirked. Buti nalang hindi nagtatagal sa table yung mga babaeng niyaya niya.

Nilingon ko yung babaeng naka red dress na kanina pa niya minamanyak sa isip niya hahaha. Inakbayan ko si Camy.

"Ganto. Isang word lang ang dapat mong sabihin then dapat makuha mo yung number niya." Napakunot noo siya.

"Gago! Ang hirap naman!"

"Ay weak ka pala," Asar ko. Mat-trigger yan hahahaha.

"Ha! Game on!"

Tumayo siya agad tas lumapit don sa girl. Nakatingin lang naman ako sa kanya. Nasa tapat na siya nung girl. Nakatingin na rin yung mga kaibigan nung girl sa kanya. Natatawa na talaga ko sa kanya haha!

Lumapit siya para bumulong don sa girl. Nakatingin ako sa labi niya para masiguradong isang word lang yung sasabihin niya. May sinabi siya at alam kong isang word lang yon pero hindi ko mabasa sa bibig niya tas pinakita niya yung phone niya sa girl. Hindi ko makita yung reaction nung girl kasi nakatagilid siya sa'kin.

Napailing nalang ako ng mukhang nag type na yung girl sa phone niya. Masaya namang bumalik si Camy sa tabi ko atsaka mayabang na pinakita yung number nung girl.

"Hayup talaga. Anong sinabi mo?"

"Sex."

Halos mapaluha na 'ko kakatawa sa sinabi niya. Gago talaga 'to kahit kailan hahahaha! Kakaiba talaga 'tong lecheng 'to!

HypnotizedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon