Ang aga kong nagising diary. Hindi ko rin alam kung bakit.
Bumaba na muna ako para mag-ayos kahit na gwapo naman na'ko. Mag iikot-ikot muna ako sa subdivision namin.
Ang daming na ja-jogging. Syempre als singko palang kaya. Wala pang araw kaya 'di pa sila mangingitim.
Naupo muna ako sa isang bench sa may tabi ng isang puno sa park. May nakita akong mga batang naglalaro. Meron ding mga mag-jowang nadaan. Psh! Magbe break di naman kayo!
Kaso diary halos maguilty ako sa sinabi ko nang biglang may dalawang matandang naglakad sa harapan ko.
Ang sweet pa rin ni Lolo dun sa asawa niya. Inaalalayan niya baka kasi matumba. Tapos, pinagsabihan niya si Lola nung biglang bumitaw siya saglit. Wala lang, ang sarap lang nilang tignan mag kasama diary.
Hays makaalis na nga! Nagi guilty ako dito diary e.
Nagsimula na'kong mag lakad pauwi.
Pagka uwi ko, nakita kong naka ready na yung pagkain sa lamesa. Buti naman. Gutom na rin ako e.
"Wow. Mukhang masarap to ah."
Pag bungad ko kay mama na nagluluto na ng scrambled egg.
"Andito ka na pala anak. Maupo ka na, ako na bahala dito."
Sabi niya sa'kin habang naka ngiti.
Pagka kain ko nag ayos na rin ako para maka punta sa school.
Habang nag sisintas ako ng sapatos, biglang tumunog yung cell phone ko.
Naka bukas nga pala data nito. Bakit ba hindi ko pinatay?
Tinignan ko yung screen. Yung Sharlene lang pala diary. Ang tibay nito diary ah. Wala pabang nakaka pagsabi sa kaniya kung sino yung chinat niya? Aasa na naman to hays.
Siya: Good Morning 😊
Aga aga ah. -,-
Ako: Good Morning din 😊
S: Nag breakfast ka na?
A: Yup. Katunayan nga Otw na'ko sa school e.
S: Ah okay. Ako rin. Sige bye na.😊
A: Sige bye.😊
Tapos sineen na niya. Phew. Buti na nag paalam kaagad yun. Wala pa'ko sa mood na gumamit ng ganung emoji. -,-
"Mah! Punta na'po ako sa school. Bye po!"
Sigaw ko. Nasa kusina kasi si mama e.
"Sige anak! Ingat! I love you."
Nag ILoveYouToo nalang ako kay mama bago umalis.
Close talaga ako kay mama kaya hindi ako nahihiyang mag ILoveYou sa kaniya. Parang kuya slash mama ko na siya e.
Actually, maaga pa naman e. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ang aga ko ngayong araw.
Pag dating ko sa school, nag punta muna 'ko sa puno sa garden sa likod ng cafeteria. Kapag madaming humahabol sa'king babae, dito ako nagtatago diary.
Grabe talaga pag gwapo diary, kailangan meron ka talagang secret hide out.
Nung malapit na'ko dun sa hide out, nagulat ako nang bigla akong maka rinig ng kumakanta.
Aba! May nakakaalam na ng pinag tataguan ko diary! What to do?
Pero diary, in fairness. Ang ganda ng bosea niya. Tska teka, babae yung kumakanta.
".... Got to believe in magic. Tell me how to people find each other. In this world that's full of strangers..."
Wala na diary. Ang ganda talaga ng boses nito. Kasing ganda niya. Haays! Trace ano bang pinagsasabi mo!?
Pinag sasampal ko yung sarili ko diary. Narinig ata niya yung pag sampal ko kasi napa tigil siya.
Nagtago ako sa likod nung puno na katabi ng cafeteria. Ano ba tong ginagawa mo Trace!?
Tinignan niya muna yung paligid niya tska siya nag madaling tumakbo.
Sa pagmamadali niya, nahulog niya yung tag nung bag niya. Name tag niya ata.
Syempre pinulot ko diary. Naka lagay nga dun yung pangalan niya.
Joy

BINABASA MO ANG
Diary ng Isang PAASA
Teen FictionNananakit ng puso't damdamin. Matapos ka niyang paaminin, na sakanya'y mayroon kang pag tingin, hindi ka na niya papansinin. Perfect description para sa isang paasa. Sino naman kaya ang gustong masabihan niyan diba? WALA. Maliban nalang kung isa k...