Entry #4

319 5 2
                                    

Ting!

'Kala niya ba ganun ganun lang yun? Matapos niya 'kong i delivered zone, chachatin niya 'ko? How dare she, diary!?

Syempre hindi ko muna sineen, bawi lang. Para fair. Hehe.

Edi ayun, nag sipag sipagan na naman ako at gumawa ng assignments.

Aba himala, natapos ko ka'gad yung assignments ko!

Dapat siguro, araw arawin ko yung pag chachat ko sa kaniya.

Ay kaso, baka lalong umasa. Well, I'm not Trace Anderson Medina for that.

Hindi na rin ako naka tiis kasi bored na rin naman ako e. Wala naman akong pwedeng gawin.

Tinignan ko na kung sino yung nag message sa phone.

Pag bukas na pag bukas ko sa phone ko, pangalan agad ni Xion ang nakita ko. -,-

Xion Jake Vasquez sent you a message

Oy Pre! Kita tayo bukas sa may school grounds sa umaga. Pumasok kang kumag ka!

Si Xion lang pala.  -,-

Haaaayyy.

Friday naman na bukas e. Nakaka tamad kayang pumasok tuwing Friday.

Sineen ko na lang yung message ng lalaking yun. Tawagin ba naman akong kumag diary. Sa gwapo kong to, kumag? No way.

Narinig ko na yung pag bukas ng pinto namin. Baka si Mama na 'yun.

Inayos ko na yung gamit ko at nag madaling bumaba. May pasalubong kaya si Mama? Hehe.

"Hi Ma! Sa'n ka gali-"

Naputol yung sasabihin ko nung makita kong may kasama si Mamang babae. Siguro mga ka edad ko ganun.

"Oh anak, andito ka na pala."

Bati sa'kin ni Mama habang naka ngiti.

"Ah opo Mama. Medyo kanina pa po e."

Pagpapa liwanag ko kay Mama. Teka, sino ba muna 'tong kasama ni Mama?

"Ay ganun ba? Sorry anak at ngayon lang ako ah. Sinundo ko pa kasi 'tong tutor mo."

Sinundo ko pa kasi 'tong tutor mo.

Tutor mo.

Tutor.

TUTOR?! FOR REAL? E KAGAGAWA KO LANG NG MGA ASSIGNMENTS KO E!

"Napansin ko kasi anak na medyo mababa yung grades mo kaya na isip ko na hanapan ka ng tutor."

Sabi ni Mama sa'kin. Ayaw kong may tutor!

"But Ma-"

"No buts. Titigil lang ang tutorial niya sa'yo once na tumaas na ying grades mo."

Hindi ko pa natatapo yung sasabihin ko, pinutol na ka agad ako ni Mama.

Hindi naman ako pwedeng sumuway pa kay Mama. Mahirap na.

Nanahimik na lang ako. Wala naman na 'kong pwedeng sabihin e. Kaya ko naman pataasin yung grades ko ng walang tutor e. Medyo matatagalan nga lang. Baka graduation na, hindi ko pa napapa taas yung grades ko. Kaya naiintindihan ko rin naman si Mama.

"So okay naman na ata. Ipapakilala ko na sa'yo 'tong tutor mo. Trace, Meet Sharlene, your tutor."

Teka, familiar yung pangalan a. Diary, sino nga bang may pangalang Sharlene? Inangat ko yung mukha kong kanina pa naka tungo para tignan kung sino siya.

Teka---






"Ikaw!?"

Diary ng Isang PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon