Entry #7

176 7 2
                                    

Kita ko ang gulat sa mukha ni Sharlene pati na rin sa mukha noong maangas na gagong 'yon dahil sa sinabi ko. Kahit naman ako ay nagulat kasi sobrang natural lumabas nung mga salitang 'yon sa bibig ko. Para bang totoo talaga 'yon, Diary.

Kahit gulat si gago at halatang takot, nagawa pa 'kong samaan ng tingin bago tuluyang bitawan si Sharlene.

"Bakit ba kasi nandito ka pa?"

Medyo irita kong sabi pagka alis nung lalaki. Nakatungo siya ngayon. May sinabi ba akong masama, Diary?

"Dadaanan na sana kita since uwian niyo na rin naman, sabay na lang tayo."

...

...

...

...

Nabingi ata ako Diary? Ewan ko ba pero parang bumaliktad yung sikmura ko sa narinig ko? Muntik pa siyang mapahamak dahil sa 'kin!

"'Di mo nalang sana ako hinintay, muntik ka pa tuloy mapahamak. Tss."

Nakayuko lang siya, Diary. Ay teka, wala ba kaming balak umuwi? Ako kase, wala dapat. Kaso e andito na rin naman 'to kaya makauwi na nga lang din.

"Halika na nga."

Sabi ko bago nag-simula nang maglakad. Teka, bakit parang hindi siya sumusunod?

Ayon, andon pa rin siya, bakit hindi siya gumagalaw?!

"Halika na nga, sabay na tayo. Mamaya balikan ka pa nun kapag nakitang wala kang kasama."

Hinatak ko yung braso niya at nagulat na naman siya. Nakakagulat ba ang mga ginagawa ko?

Nakahawak pa rin ako sa braso niya hanggang makalabas kami sa gate ng school, mamaya e nandiyan lang sa paligid yung gagong manyak na 'yon.

Binitawan ko nalang yung braso niya noong nakalayo na kami sa school.

"Bakit mo 'yun ginawa?"

Tanong niya bigla habang naglalakad kami. Bakit kasi nakalimutan kong dalhin yung kotse ko?!

"Ang alin naman?"

Syempre kunwari hindi ko alam HAHAHAHA.

"Yung kanina. Bakit kailangan mong sabihing boyfriend kita?"

"Sa tingin mo ba, titigilan ka nung gagong 'yon kapag hindi ko sinabing boyfriend mo 'ko? Syempre hindi, 'di ba?"

Paliwanag ko. Kahit naman ako, hindi ko alam kung bakit 'yon ang sinabi kong dahilan.

Hindi nalang siya nag-salita at nag-patuloy nalang kami sa pag-lalakad. Malapit na rin naman kami sa subdivision.

/////////////////////////////////////////////////////////////

Pagdating namin sa bahay, andon na rin si mama. Actually, naghahanda na siya ng dinner pag-dating namin. Pano ba naman kasi medyo late na kami nakarating. Mag-aalas sais na nung nakapunta kami sa bahay. Nakalimutan ko nga kasing dalhin yung kotse ko kanina kasi lutang ako kanina pang umaga kasi wala nga akong tulog.

"Oh Trace, bakit ngayon lang kayo? Hindi mo ba nadala yung sasakyan mo?"

Hinalikan ko muna sa pisngi si mama bago binaba ang gamit ko at mag-salita.

"Nakalimutan ko pong dalhin yung kotse ko kanina hehe."

Sabi ko habang kinakamot ang likod ng ulo ko.

"Ay ganon? Oh siya. Maupo na kayo jan at mag-simula na para maaga ring maka-uwi 'tong si Sharlene."

Naupo na nga kami sa may living room tska niya nilabas yung nga libro, mga reviewers, at mga work sheets na gagamitin namin sa tutorial session namin. Pota ang dami!

"Ang dami naman niyan!"

Reklamo ko naman nung nailabas niya na ata lahat ng laman ng bag niya. Pano niya nakakayang buhatin yung ganun karami?! Ang liit pa naman ng katawan niya. 

Natawa siya nang slight sa reaction ko. Wala kayang nakakatawa! Ang dami naman kasi talaga non!

"Sharlene, dito ka na rin pala mag-hapunan. I-text mo na lang yung parents mo ha."

Sabi bigla ni mama, mukhang tapos na siya mag-luto kaya dito na rin papa-kainin 'tong si Sharlene.

"Naku, 'wag na po. Nakakahiya naman po."

Syempre as expected, mahihiya siya. Mukha naman kasi talaga siyang mahiyain. Sorry siya pero hindi talaga papayag 'yang si mama na hindi siya dito kumain.

"Ay wag ka nang mahiya, dinamihan ko pa naman yung luto ko. Dito ka na kumain."

Nginitian siya ni mama at feeling ko napa-suko na rin si Sharlene at dito na rin kakain.


Kalagitnaan ng tutorial session, wala akong masyadong maintindihan. Mag-didiscuss siya pero ako, naka-tingin lang sa kaniya.

Ang ganda niya pal--

"Uh Trace? Na-gets mo ba?"

Taeng yan. Nabalik lang ako sa sarili ko nang bigla siya magsalita.

"Ha? Ah oo. Ay teka paki-explain ng uli 'tong part na 'to."

Nakita ko namang umirap siya at bahagyang natawa. Kanina pa siya tumatawa, Diary.
May nakakatawa ba sa 'kin?

Inexplain niya uli yung tinuro kong topic at medyo naintindihan ko na. Naging maayos naman (siguro?) yung tutorial session namin hanggang sa matapos. Minsan nga lang napapatingin ako sa kaniya tapos matutulala.

Ang ganda niya kasi.

Teka, Trace. Ano na bang nangyayari sa 'kin?!

/////////////////////////////////////////////////////////////

Dinner na. Dito kumain si Sharlene at andito na kami sa table. Katabi ko si Sharlene tapos kaharap namin si mama. Sinigang na baboy ang ulam namin. Ang sarap ng luto ni mama. #DaBest

Tahimik kaming kumakain lahat nang biglang mag-salita ang nanay ko.

"Sharlene, pano mo nakilala ang anak ko?"

Ah shit, here we go again.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

2/2 

Feel free to comment your thoughts about the story and please vote!

-Yana 💖




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng Isang PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon