Entry #5

342 5 0
                                    

"Ikaw!?"

Diary! Siya yung! Siya yung! Siya yung nakita kong naka side view na kumakanta doon sa likod ng canteen! Doon sa may secret hide out ko!

Teka, akala  Joy ang pangalan niya? E bakit Sharlene naman ngayon?

Saglit nga lang diary. Parang may napag tanto(waw lalim) ako dun diary ah.

"H-Huh? A-Ako?"

Nagulat niyang tanong. With matching pag turo pa sa sarili niya.

"Oo ikaw. Diba ikaw yung kumakanta dun sa likod ng canteen? Yung Got To Believe In Magic pa nga yung kinakanta mo nun e!"

Sabi ko naman sa kaniya. Yumuko na lang siya. So ibig sabihin siya nga yun?

"Trace, hindi ganiyan kuma usap sa bisita ha. Lalo pa at babae itong bisita natin."

Saway naman sa akin ni mama. Hayst sabi na nga ba. -,-

Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Makapag basa na lang ng comics, Diary.

*after 1hr. of paghahanap ng magandang comic na babasahin*

Diaryyyy! Wala namang magandang comic na magandang basahin e. Halos lahat ay tapos ko na!

Tska isa pa, iniisip ko rin kung saan nga uli naging identical yung pangalang Joy at Sharlene. Ganito ba talaga kapag gwapo? Mabilis maka limot?

Haaayyy.

Ting!

Kasabay nung tone nung messenger ay yung pag pasok ng idea sa utak ko.

Agad kong chineck yung mga messages ko at nakita ko nga dun yung conversation ko with a girl named Sharlene.

Viniew ko yung profile niya to see what she looks like.

Diary! Confirmed nga! Siya nga yun! Yung tutor ko na nasa baba, yung kumakanta sa likod ng canteen, at yung babaeng pinapaasa ko sa chat. Ay IISA!?  Patay tayo nito Diary. Baka lalong umasa to.

Pero diba Trace, ang role mo sa story na ito ay magpaasa? Bakit naduduwag ka ata ngayon?

Manahimik ka nga jan self!

Haaaay. Ano nang gagawin ko?

/////////////////////////////////////////////////////////////

Bumaba na lang ako, nung malapit na yung dinner. Alam mo ba Diary kung ano lang yung ginawa ko?

Humiga lang ako sa kama ko at nag isip nang nag isip ng kung anong dapat kong gawin. Kinakabahan na nga ako para sa sarili ko, Diary e. Never have I ever thought of something or someone this much my whole life! (Uy straight English. Haha!)

Nakaka gutom din pala talagang mag isip. Buti na lang talaga at masarap yung ulam. Galung talaga mag luto ni mama. Kaya hindi na namin kailangan ng cook e. Si mama pa lang e.

"Anak?"

Tawag sa akin bigla ni mama.

"Yes ma?"

"Bakit parang magka kilala na kayo ni Sharlene?"

Wth. What to say? What to say!? Na ano? Na kilala ko siya dahil isa siya sa mga pina paasa. Wow. What a great answer.

"Oh anak? Natahimik ka ata? Magka kilala na ba kayo ni Sharlene?"

Pang uusisa pa ni mama.

"Ahm kasi po..."

Diary ng Isang PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon