Entry #6

171 2 1
                                    

"Ahm kasi po..."

Isip Trace! Isip! Diary ang hirap maghanap ng dahilan!

Tinignan lang ako ni mama nang mataman na parang naghihintay ng isasagot ko. Sasagot na sana ako nang biglang nanlaki ang mata ni mama na parang may napagtanto siya at gustong gusto niya kung anuman iyong napagtanto niya.

"Anak ikaw ha..."

Panimula ni mama habang tinitignan ako ng parang nang-aasar. Ano naman kayang iniisip ni mama? Diary don't tell me...

"Nililigawan mo siya no? Ikaw anak ha. Binata na nga ang anak ko."

Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Ma hindi ah! Schoolmate ko po kasi siya at nagkikita kami sa school premises kaya parang pamilyar siya sa 'kin. At tska ma, mukha bang nililigawan ko siya?"

Depensa ko agad sa sarili ko. Aba mahirap na Diary. Mamaya e ipilit pa ni mama na nililigawan ko yun e wala nga akong balak mag-seryoso.

Hindi pa ngayon, Diary.

Kapag kasi ikaw yung seryoso, ikaw yung talo. Ikaw yung papaasahin. Ikaw yung sasaktan.

At hindi ako papayag na ako ang saktan nila, kaya uunahan ko na sila.

"Bakit naman hindi, 'nak? Maganda naman si Sharlene ah. Tapos ikaw na rin yung nagsabi na maganda ang boses niya. Bagay na bagay kayo!"

Aish, Diary. Partida sinasabi pa ni mama yung mga 'yon habang parang kinikilig siya. Tska, wala naman akong nabanggit na maganda ang boses niya ah!

O baka naman meron? Ay basta!

"Wala kaya akong sinabi ma. Pero in fairness, maganda nga boses niya."

Halos pabulong na yung huling parte ng sinabi ko kasi baka lalo lang akong ipush ni mama kay Sharlene. Pero totoo naman kasi, Diary! Ang ganda nga ng boses niya.

Parang nakaka inlove.

Ano ba naman yan, Trace! Kakasabi lang na hindi ka pa handang magseryoso tapos biglang ganyan naman ang sinasabi mo.

Ngumiti nalang si mama na parang sumusuko na at naniniwalang wala akong gusto kay Sharlene. Hays buti naman. Kastress kaya Diary!

/////////////////////////////////////////////////////////////

Hindi ko alam kung anong gagawin ko Diary. Hanggang sa pag-higa ko sa kama, hindi ako makatulog! Kabwisit! Pabalik balik sa utak ko yung mukha ni Sharlene pati yung pagkanta niya.

Ay ewan ko ba, Diary. Gusto ko na makatulog, makakabawas sa kagwapuhan ko ang pag-oover think!

Tska nga pala, Diary. Bukas na mag-sisimula ang tutorial session namin ni Sharlene. Hindi ko alam kung paano ako mag-aact, sa totoo lang.

Nababakla ka na ba Trace? Bakit biglang hindi mo alam ang gagawin? Sanay naman ako sa ganito pero bakit ganon?!

Act normal, Trace. Act normal lang, diba Diary?

Ting!

Sino naman kaya ang mag mmessage sa 'kin ganitong dis oras ng gabi? Isa nanaman siguro sa mga admirers or stalkers ko. Hay

~Chat Message~

Sharlene De Castro: Kalimutan mo nalang yung nakita mo sa likod ng school canteen, thank you.

Huh? Bakit naman kailangan kong kalimutan 'yun? Weird.

Me: Bakit naman?

Bastos, Diary. Nag offline na bigla! Napaka weird niya ha. Dagdag na naman sa iisipin ko 'yon, Diary! 'Di na nga siya mawala sa utak ko tapos biglang ganun pa.

Teka. Bakit ko nga ba siya iniisip?

Erase, erase. Makatulog na nga lang!

/////////////////////////////////////////////////////////////

Nandito na ako ngayon sa huling klase ko at ilang minuto nalang, uwian na rin. And for the first time in the history, ayoko pang umuwi! Bakit? Kasi nga, mamaya na yung tutorial session namin ni Sharlene at hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.

"Oy kanina ka pa nakatunganga jan, baka mapansin ka ni sir oh."

Nabalik ako sa ulirat nang biglang magsalita si Xion na nasa tabi ko. Masipag nga pala mag-aral ang gagong 'to.

"Tss."

'Yan nalang ang nasagot ko. Wala talaga ako sa mood. Paano ba naman e wala akong tulog! Ang sakit ng ulo ko tapos idagdag mo pa yung tutorial session na 'yon kasama si Sharlene.

Binatukan naman ako ni Xion nang mahina para syempre, hindi mapansin ni sir. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na siya pinansin.

Tumunog na ang bell at lumabas na ang huling professor namin para sa araw na 'to. Ayaw ko pa talaga umuwi. Inayos ko ang mga gamit ko sabay kindat sa ilang mga ka-block ko. Nakita ko namang kinilig. #GwapoProbs

Pero wala pa rin talaga ako sa mood.

Naupo muna ako sa upuan ko pagkatapos ko mag-ayos ng gamit ko. Hindi pa rin umaalis ang kumag kong kaibigan na si Xion.

"Oh? Bakit hindi ka pa umaalis? Wala ba kayong lakad nung si Thalia ba 'yon?"

Mas naging close na yung dalawa. Bahala sila sa buhay nila.

"Kami ni Jessie ang may lakad, ikaw bakit hindi ka pa tumatayo jan? Balita ko may nag-tututor na raw sa 'yo."

Natatawa niyang sabi.

Aba gago nga rin 'tong kaibigan ko, pagsabayin ba naman si Thalia at Jessie HAHAHAHA.

"Ikaw ba Xion, pinapaasa mo si Thalia?"

"Hindi ah. Wala naman akong sinabing gusto ko siya. Besides, si Jessie talaga ang gusto ko. 'Wag mo 'ko igaya sa 'yo. Makaalis na nga."

Natawa ako. Halata namang asang asa sa kaniya si Thalia. Hay nako, bala na si Xion jan. Sarili ko muna pproblemahin ko.

Nagsimula na 'kong maglakad palabas ng classroom nang biglang may mapansin ako sa may dulo ng hallway hindi kalayuan sa akin.

Si Sharlene. May kasamang lalaki at parang hindi maganda ang nangyayari.

"Ano ba! Bitawan mo 'ko!"

Pagpupumilit ni Sharlene dahil nakahawak ang lalaki sa wrist niya. Wala nang masyadong tao kaya ako lang din ang nakapansin.

"Bakit kasi hindi ka nalang sumama sa 'ki---"

"Bitawan mo siya."

Malamig kong sabi habang nakatingin nang seryoso sa lalaki.

Napatingin naman silang dalawa sa 'kin. Nagulat si Sharlene pero mukhang nagapapasalamat siya na nakita niya ako.

"Sino ka ba ha? Ano ka ba niya?"

Sabi ng lalaki habang naka-ngisi. Napangisi rin ako. Diary, hindi ko naisip na sa buong buhay ko, gagawin ko 'to. Aish bahala na!

"Ako? Ako ang boyfriend niya kaya bitawan mo siya kung ayaw mong mang-hiram ng mukha sa aso."

Seryoso kong sabi habang naka ngising tinitignan ang lalaki at ang nagulat na si Sharlene.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

Hey wazzup yo! HAHAHAHAHAHA namiss niyo ba 'ko? Buhay pa po ako. Tamad lang hehehehehehe. Sorry po kung isang taon mahigit bago ako nag update uli. Bale next year na uli next update. Joke hehehe (half meant). Pero promise po, susubukan kong makabawi at mag-update kahit hindi ganoon kadalas.

Pambawi, dalawang updates 'to! ;)

1/2

Okaaay, so sa tingin niyo anong mangyayari ngayong yun ang dinahilan ni Trace? #TraLene na ba 'to?

Feel free to comment your thoughts and please vote!

-Yana 💖








Diary ng Isang PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon