Entry #3

333 5 0
                                    

Joy...

Sinong Joy kaya to diary? Yung pang hugas ng plato? Joke lang diary. Tawa ka naman oh.

Buong araw halos nag hahanap lang ako ng babaeng may Joy sa pangalan.

Tska diary yung si Xion may chix na naman. Pano ba naman may kasama kanina sa canteen.

Mahirap din pala mag manhunt no diary? Nakaka pagod e.

Buti nalang malapit na'ko sa bahay.

Nung magpa parking na'ko naka salubong ko yung chix ni Xion. Yung Thalia ba yun?

"Hey! Ikaw si Thalia diba?"

Medyo nagulat siya pero ngumiti naman din siya.

"Ah oo."

Sabi niya sa'kin habang naka ngiti.

In all fairness ha, maganda to. Kaso kay Xion na'to e. Hehe.

"Ikaw ba si Trace?"

Tanong niya sa'kin. Syempre kanino pa ba siya magtatanong e kami lang namang dalawa dito.

"Yup! Bakit mo naman na itanong?"

"Wala lang. Wala ka kasi kanina."

Sorry pero may pina paasa na'ko e. Kay Xion ka nalang. Haha.

"Sige una na'ko."

Pag papaalam ko sa kaniya bago umalis.

Nakita ko naman siyang tumango kaya tumuloy na rin ako.

Pag dating ko sa bahay wala si mama. Baka nag grocery.

Umakyat na agad ako sa kwarto ko para mag palit ng damit bago umupo sa computer.

Assignments? Mamaya na 'yun. Haha.

Pag bukas ko sa Facebook, as usual, ang daming notif. Ganyan talaga pag gwapo hys.

Aba teka. Bakit parang walang message galing dun sa Sharlene?

Teka? Ano ba'to? Dapat wala 'kong pake e. Hayaan ko na nga lang. Mag me message naman yun.

Maka pag laro na nga lang. Ano bang magandang laruin? 2k17 na naman? Nakaka sawa na yung larong yun e.

Aish! Ang boring naman e. Icha chat ko na nga lang yun. Swerte niya ha.

Well, active naman siya.

~Chat Message~

Ako: Hi.👋

--delivered--

2 minutes later...

--delivered pa rin--

Aba! Nung nag 'hi' ako e nag off na! Masyado ba siyang kinikilig sa'kin? Teka, tska wala pang gumagawa sa'kin nun! Lagi ako nire replyan no! Bihirang bihira ako madelivered zone!

Nag off na rin ako. Nakaka inis! Gagawin ko na tuloy yung Assignments ko. Hys.

Kukunin ko na sana yung note book ko nang biglang...

Ting!

Diary ng Isang PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon