CHAPTER ONE

22.2K 278 5
                                    

WALA sanang balak na pumunta sa high school reunion nila si Anise pero dahil sa pangungulit sa kanya nina Libbey at Rachel, ang dalawa sa pinakamalapit niyang kaibigan nung high school, wala na siyang nagawa kundi pumunta. Hindi naman siya nagsisisi na pumunta siya. Nakakatuwa rin kasing makita yung mga taong naging bahagi rin naman ng buhay niya.

Kasama niya sa table ang mga kaibigan niya na sina Libbey at Rachel. Masaya silang nagkukwentuhan.

"Ang taba ko na no?" wika niya sa mga ito. Matagal na rin kasi nung huli niyang makita ang mga ito.

"Anong mataba? Hindi kaya. Ang sexy mo nga e." wika ni Rachel na hindi sumasang-ayon sa kanya. "To think that you're already a mother of twin boys."

"Sexy ka d'yan. Hello? Ni hindi pa nga nawawala 'tong baby fat ko."

"So what? It looks good on you." Wika naman ni Libbey. "Kaya nga kanina ka pa pinagtitinginan ng mga boys e."

Pinaikot naman niya ang mga mata dahil sa sinabi nito. "Please, spare me. Hindi ako naghahanap ng lalaki. All I want-"

"Is to get the Liberty Hotel account," magkasabay na wika ng mga kaibigan niya.

Hindi naman niya mapigilang matawa. "I guess I already mentioned that huh?"

"Mga pitong beses lang naman." Wika ni Libbey. "I'm sure makukuha mo 'yon. Magaling ka namang architect e."

"The problem is, hindi pa gano'ng kakilala yung architectural firm na pinagtatrabahuhan ko. Tiyak na mababa lang ang chance na mapili yung proposal namin."

"Ano bang meron at parang importante talaga na makuha mo ang account na 'yan?" tanong ni Rachel.

"Malaki kasing pera ang involve. Alam niyo naman na Liberty Hotel is one of the biggest hotel here in the Philippines. Kapag nakuha ko yung account tiyak na malaking percent ang mapupunta sa 'kin. Mababayaran ko na rin yung lease ng bahay namin. Para naman legal na talagang sa 'kin yung bahay." Napabuntong-hininga siya at hindi na niya napigilang idagdag, "Kung sana kasi nagpapadala ng sustento 'yang si Gino, e di sana hindi ako masyadong namumroblema sa pera. Yung sweldo ko sapat lang para sa gastusin namin araw-araw at para sa pagbabayad ng bills. Yung natitira do'n sini-save ko pa sa bangko para sa future ng mga bata. Ni hindi ko nga maipa-ayos yung kotse ko e."

"Gago talaga 'yang si Gino." Inis na wika ni Libbey. "Sorry Anise, alam ko you loved him once at siya pa rin ang tatay ng mga anak mo, pero ikaw ang nagtrabaho para makapasok siya sa Med School. Pero ano ang ginawa niya? Pagkatapos niyang maging doctor, tinalikuran ka niya at pinabayaan kayo ng mga anak mo."

"He's the one who's missing out. Kahit kailan hindi siya magkakaro'n ng relasyon sa mga anak niya." Aniya.

"One of these days, he'll live to regret that." Pagsang-ayon naman ni Rachel. "I mean, your sons are just too adorable."

Napangiti na lang siya sa sinabi nito. "Tama ka. Kahit pa nga ang tatay na ata nila pinakamalaking gago na nabuhay sa mundo."

"That aside, bakit hindi ka na lang humingi ng pera sa Mama mo? 'Di ba last time sabi mo, she will move in with you and the kids?"

"Balak nga niya. Kaya lang she married Ralph and they decided to travel together." At isa pa hindi rin naman niya kayang humiling ng gano'n kalaki sa kanyang ina. Not after all the heartaches she brought her. Sila na lang ang magkasama sa buhay pero iniwan niya ito para lang sumama kay Gino na sa bandang huli ay iiwan rin pala siya.

"Well my friend, I just wished you goodluck. At sana talaga makuha mo ang account na 'yan."

Sana nga.

What Love IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon