CHAPTER NINE

5.8K 121 3
                                    

NANG imulat ni Anise ang mga mata, ang una niyang nakita ay ang gwapong mukha ni Cain. mahimbing itong natutulog habang nakapulupot ang isang braso sa kanyang beywang. Akala niya ay isang magandang panaginip lang ang nangyari nung nagdaang gabi. Pero totoo ang lahat. Nandito ito ngayon sa kanyang tabi. Higit sa lahat, he said he loves her and he'ss willing to spend the rest of his life with her.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari at nagbago ang paniniwala nito tungkol sa pag-ibig. Pero hindi na importante 'yon. Ang mahalaga ay kasama niya ito at mahal nila ang isa't-isa.

Inilapit niya ang mukha dito at masuyo itong hinalikan sa labi, nagulat pa siya nang bigla na lang itong tumugon. At natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa ilalim nito habang kinikintalan nito ng mumunting halik ang kanyang leeg.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong niya dito.

"Medyo." Sagot nito while still nibbling her neck. "Hinintay ko lang talaga na halikan mo 'ko."

"Ikaw talaga."

Muling naglapat ang kanilang mga labi. Then she felt him harden, his erection evident on her naked belly.

"Let's make love, sweetheart."

"Again?" Hindi na kasi niya matandaan kung ilang beses siya nitong inangkin nung nagdaang gabi. Walang hanggan yata ang taglay nitong stamina. "Baka dumating na mamaya si Jenny kasama yung mga bata."

"Maaga pa naman e." wika nito while trailing soft kisses on her face. "Please sweetheart, I'm dying here."

Napaungol siya nang ikulong nito sa bibig ang isa sa malulusog niyang dibdib. "Cain... you're driving me crazy."

Muli na namang nagniig ang kanilang mga katawan hanggang sa maabot nila ang kasukdulan.

NAKAPALIGO na si Anise at nagpapalit ng bedsheet ng kanyang kama. Samantalang si Cain naman ay nasa kusina at naghahanda ng almusal. Hindi niya mapigilang mapangiti. Hindi pa man ay parang tunay na silang mag-asawa. Palabas na siya ng kwarto nang tumunog ang doorbell. Dali-dali siyang lumabas at napagbuksan niya ng gate ang mga anak kasama si Jenny.

"Mom!" wika ng kambal na agad siyang niyapos.

"Hey. Did you have a good time?"

"Opo Mommy!"

"Nag-thank you ba naman kayo kay Tita Jenny?"

"Yes Mom."

"Then go inside. Pumunta kayo sa kusina, may surprise ako sa inyo." Tiyak na magugulat ang mga ito at matutuwa kapag nakita si Cain.

Nag-uunahan na pumasok sa loob ng bahay ang kambal.

Binalingan niya ang kaibigan. "Salamat sa pag-aalaga sa mga anak ko for the night."

"Wala 'yon. Pero curious lang ako, ano ba yung surprise na tinutukoy mo?"

Nagdalawang-isip siya kung sasabihin ba niya dito na nando'n si Cain, pero sa bandang huli ay nagdesisyon na rin siya na sabihin dito ang totoo. "Si Cain. the engineer, he's here."

Nanlaki naman ang mga mata nito sa sinabi niya. "Oh my God! Kailangan mong ikwento sa 'kin ang lahat ng nangyari. At kailangan ko ring makilala ang Cain na 'to." Papasok na sana ito sa loob nang bigla itong napahinto na parang may naalala. "Shit. May niluluto nga pala ako." Tiningnan siya nito. "Babalikan kita mamaya, you need to tell me everything okay? Don't leave any details."

Napangiti na lang siya, dumali na naman kasi ang pagiging tsismosa ng kaibigan. "Oo naman."

At bumalik na ito sa sariling bahay.

What Love IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon