DAHIL sa walang humpay na pangungulit sa kanya ng mga anak na panuorin nila ang laban sa pagitan ng Azkals at LA Galaxy, wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang mga ito. Simula kasi nang mapanuod ng mga ito sa telebisyon ang isa sa mga laro ng Azkals naging masugid ng tagahanga ng nasabing football team ang mga anak niya. Kaya naman nang malaman ng mga ito na magkakaroon ng isang exhibition match sa pagitan ng Azkals at ng isang sikat na koponan mula sa ibang bansa, hindi na siya tinigilan ng mga anak hangga't hindi siya pumapayag na manuod sila ng live.
Kaya heto sila ngayon, nakapila sa labas ng football stadium at naghihintay na makabili ng ticket at makapasok sa loob. Hawak-hawak niya sa magkabilang kamay ang mga anak. Tiningnan niya ang mga ito at napangiti nang makita ang hindi maitagong excitement sa mukha ng mga ito.
"Sobrang excited na ba kayo?" Tanong niya sa mga ito.
"Opo Mommy!" Halos magkasabay na wika ng dalawa.
"Gusto ko nang mapanuod na maglaro ang Azkals. Sana manalo sila." Wika ni Raji.
"Pwede kaya kaming humingi ng autograph Mommy?" Tanong naman ni Riku.
"Hindi ako sigurado anak e." Pero tiyak niyang mahirap makakuha no'n. Pagpila pa nga lang sa pagbili ng ticket pahirapan na. Paghingi pa kaya ng autograph?
"Anise? Is that you?" wika ng isang pamilyar na tinig.
Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Nagulat talaga siya nang makita si Cain na papalapit sa kanila. Nakatali ang mahaba nitong buhok pero ang ilan sa mga hibla no'n ay kumakawala mula sa pagkakatali nito. Nagmukha lang tuloy itong wild na mas lalo lang nakadagdag sa appeal nito.
"Hindi ko akalaing makikita kita dito. Of all places." Wika nito nang makalapit sa kanila.
"Oo nga e."
"Maybe fate's trying to tell us something." Nakangiting wika nito na parang may ibang pinapakahulugan.
"Or maybe this is fate's idea of a joke... if you believe in that king of thing." Wika na lang niya. Sa ilang lingo nilang pagsasama ni Cain sa mga meeting, nasasanay na siya sa mga hirit nito sa kanya.
"Siguro nga." Lumipat ang tingin nito sa dalawang bata na kanina pa nakatingin dito. "Hindi mo sinabi sa 'kin na meron ka palang dalawang boyfriends."
"Hindi niya kami boyfriends." Wika ni Raji. "She's our Mom."
"Talaga?" wika ni Cain na umakto pa na parang nagulat. "Hindi pa kasi siya mukhang nanay e. You must be..."
"Rajiel Guvarra." May pagmamalaking wika ng anak. "But you can just call me Raji."
"Nice to meet you Raji." Nang ilahad nito ang kamay ay tuwang-tuwang tinanggap 'yon ni Raji. "I'm Cain Ledesma, katrabaho ako ng Mommy niyo."
"Architect ka rin?"
"Nope. I'm an engineer."
"'Di ba sila yung gumagawa ng buildings na dine-design ng mga architect?" wika naman ni Riku.
"Parang gano'n na nga. You're very smart little man. Ikaw naman si..."
"Rikuel Guevarra. My nickname is Riku." Pinunasan pa nito ang kamay bago nakipagkamay kay Cain. "And we're twins!"
"Hindi nga? I would've never known."
Pareho namang napangiti ang kambal niya.
Hindi naman niya mapigilang humanga dito dahil mabilis lang nitong nakuha ang loob nga mga anak niya. "I didn't know you had kids." Pagbibiro niya dito.
"I don't."
"Then napakadami mo sigurong pamangkin. You're a natural."
"Actually, my parents were each married a number of times. Kaya sandamakmak ang stepbrothers at stepsisiters ko. At sandamakmak rin ang mga anak nila na kapag nakikita ako ay wala nang ibang ginawa kundi kulitin ako. Kaya sanay na rin ako sa mga bata."
BINABASA MO ANG
What Love Is
Short StoryMahalaga kay Anise ang Liberty Hotel account na malaki ang maitutulong sa career niya bilang architect. What she did not expect was that once she got the account, her world would turn upside-down and she would meet Cain Ledesma who would sweep her o...