CHAPTER TEN

10.1K 236 26
                                    

PARANG lalabas na sa kanyang dibdib ang puso nang makita niya ang kotse ni Gino na tumigil sa tapat ng bahay nila. "Nandito na siya." Wika niya sa kambal. "It's going to be okay guys. Hindi kayo dapat matakot."

Nakatayo sa magkabilang tabi ni Cain ang mga anak. Parehong mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa pantalon ng lalaki and both looked at her with identical expression of uneasiness. Wala ding pinag-iba si Cain. Oo, mukha nga itong kalmado pero isang tingin pa lang dito ay agad nang mapapansin na handa itong makipagpanuntukan sa oras na may gawin si Gino na hindi nito magugustuhan.

"This is going to be nice and easy and non-threatening, remember?" wika niya kay Cain.

"Of course." Sagot naman nito. "Walang dapat ipag-alala ang mga bata. Alam naman nila na nandito lang tayo para sa kanila. Right kids?"

"Oo nga Mom." Wika ni Raji. "Sabi ni Tito Cain magiging one big happy family na daw tayo. And family looks after family. Is our daddy part of our family?"

"Yes, he is, sweetie. Pero hindi ko alam kung gaano kadalas niyo siyang makikita since hindi naman sila dito nakatira."

Tumunog ang doorbell, nag-aalalang tiningnan niya ang mga anak. Agad na nagtago ang mga ito sa likudan ni Cain. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. "It's okay guys. Walang mangyayari na hindi niyo gusto."

"Kailangan ba namin siyang yakapin, Mommy?"

Para namang nadurog ang puso niya sa inosenteng tanong ni Riku. "Hindi kayo pipilitin ng Daddy niyo na gawin ang isang bagay na hindi niyo gusto." Pangako niya dito. I'll make sure of it.

Pumunta na siya sa may gate at binuksan 'yon. Nagulat siya nang makitang mag-isa lang na nakatayo do'n si Gino. "Akala ko ba isasama mo si Charlene at yung baby?"

"May lagnat kasi si Mikaela. Hindi siya pwedeng ibiyahe, mahirap na. Is that a problem?"

"Hindi naman. Ini-expect lang kasi siyang makita nung mga bata. Pasok ka."

Sumunod ito papasok sa loob ng bahay. Kung saan nando'n at naghihintay ang tatlong lalaki sa buhay niya. Halatang nagulat si Gino nang makita si Cain. Hindi niya kasi nasabi dito ang tungkol sa lalaki. Mabilis niyang ipinakilala ang mga ito sa isa't-isa. Lumapit siya sa mga bata at iginiya ang mga ito paharap kay Gino.

"This is Raji, and this is Riku." Tiningnan niya ang mga anak. "Boys, siya ang Daddy niyo."

To his credit, hindi naman nito sinubukang madaliin ang mga bata. "Hi guys. Wow. Magkamukhang-magkamukha kayo. Pareho pa kayo ng suot na damit. Do you like being twins?"

He couldn't have said anything that would please them more. Her sons loved being twins. Pero kahit na gano'n, nananatili pa rin ang pag-aalinlangan sa mga bata.

"We're mirror twins." Mahinang wika ni Riku.

"Riku is left-handed while Raji is right-handed." Paliwanag niya nang mapansing hindi nito naintindihan ang sinabi ng bata.

"Hindi nga?" wika nito kay Riku. "Alam niyo yung lolo ko saka yung kapatid niya, kambal din sila. And I think one of them is left-handed. Baka sa kanya mo namana 'yon?"

"Tito Cain is also left-handed." Wika naman ni Raji. "Just like Riku."

Nginitian naman ito ni Gino. "Then that means you're just like me, right-handed."

Kung mga simula lang ang pag-uusapan, masasabi niyang hindi naging maganda ang naging pagsisimula nila. Pero at least ngayon, nabawasan na kahit paano ang tensyon.

Si Raji ang unang nagtanong ng tungkol sa baby. "Meron ba talaga kaming baby sister?"

Mukha namang natuwa si Gino sa tanong ng anak. "Yes, you do. Mikaela ang pangalan niya. She's just a month old pero kapag malaki na siya, pwede na kayong maglarong tatlo."

What Love IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon