PARANG umiikot ang mundo ni Anise. Nahihilo siya at nasusuka. Kagabi pa masama ang pakiramdam niya. Bago matulog ay uminom siya ng gamot pero mukhang hindi naman tumalab. Sobrang sakit pa rin ng ulo niya. Nakaapekto ata talaga sa kanya na naulanan siya kahapon tapos hindi pa siya agad nakapagpalit ng damit. Lalagnatin ata ako.
Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kanyang kwarto, pinilit niyang iminulat ang mga mata at nakita niya ang mga anak na papalapit sa kanya. Halata sa mga mata ng mga ito ang pag-aalala.
"Hey kids."
"Mom, ayos ka lang ba?" Tanong ni Riku.
"Yes, medyo masakit lang ang ulo ni Mommy."
"Gusto mo bang ipagtimpla ka namin ng juice?"
"No, Raji it's okay. Kailangan lang matulog ni Mommy tapos magiging ayos na ulit ako. Kaya habang natutulog ako, do'n lang kayo sa living room o kaya sa kwarto niyo. Don't go outside at 'wag din kayong magpapasok ng tao sa bahay. Okay?"
"Yes Mommy." Magkasabay na wika ng dalawa.
"Kung gusto niyong kumain, may food sa ref. Painitin niyo na lang sa oven. Pasensya na kung hindi ko kayo masyadong maaasikaso ngayon."
"Okay lang 'yon Mom. Big boys na naman kami e." wika ni Raji. "Basta pagaling ka na lang."
Agad niyang nginitian ang mga ito. Nang makalabas ang mga anak sa kwarto ay muli niyang ibinalik ang atensyon sa pagtulog. Dahil sa kondisyon niya ngayon, balak sana niyang ihabiln muna ang mga anak kay Jenny dahil baka mahawa pa ang mga ito kung sakali man na meron nga siyang lagnat. Pero nagkataon naman na umalis ang buong pamilya ngayon ni Jenny para mag-outing.
Isang bagay lang ata ang maipapagpasalamat niya sa sitwasyon niya ngayon. Dahil parang sasabog ang ulo niya sa sobrang sakit, hindi na niya magawang isipin pa ang mga nangyari sa pagitan nila ni Cain kahapon.
At napakalaki talagang tulong no'n.
HINDI malaman ni Cain kung pipindutin ba niya ang doorbell o hindi. Nakatayo siya ngayon sa harapan ng bahay nina Anise. Kanina pa siya parang sirang nakatayo do'n. Nag-aalala na nga siya na baka mapagkamalan pa siyang masamang loob ng mga taong nadaan dahil kanina pa siya aaligid-aligid do'n.
Pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makita si Anise. Halos magmakaawa siya kay Sheila para lang ibigay nito sa kanya ang address ng babae. Hindi niya alam ang sasabihin niya sa oras na makita niya si Anise. Pero isa lang ang sigurado niya, hinding-hindi siya hihingi ng tawad dahil sa ginawa niyang paghalik dito. Kung mabibigyan nga ulit siya ng pagkakataon, gagawin at gagawin niya ulit ang ginawa niya.
He could still feel the softness of his lips against his. Napakatamis. Parang pulot na hindi mo pagsasawaang kainin. And then he remembered the things that she asked him. Tandang-tanda pa niya ang eksaktong sinabi nito. 'Then tell me, anong gagawin mo sa oras na pumayag ako sa gusto mong mangyari? Or better yet, anong gagawin mo kapag nahulog ang loob ko sa 'yo? Will you take responsibility?'. At dahil isa siyang napakagaling na lalaki, wala man lang siyang naisagot sa tanong nito.
Yes, he liked her. Pero sapat na ba 'yon para baliin niya ang sariling paniniwala tungkol sa pag-ibig? Ang alam lang niya ngayon ay gusto niya itong makita, gusto niyang marinig ang tinig nito, gusto niya itong makasama.
With that in mind, huminga siya ng malalim at pinindot na niya ang doorbell.
Naghintay siya ng ilang sandali para may lumabas ng bahay at magbukas ng gate. Pero mamumuti na ata ang mata niya sa kahihintay ay wala pa ring lumalabas ng bahay. Ilang beses pa niyang pinindot ang doorbell pero wala talagang nalabas para pagbukasan siya. Wala atang tao. Aalis na sana siya nang maisipan niyang itulak ang gate. Nagulat siya nang bigla yung bumukas at naisip niya na kung umalis sina Anise hindi naman siguro iiwan ng mga ito na bukas ang gate.
BINABASA MO ANG
What Love Is
Short StoryMahalaga kay Anise ang Liberty Hotel account na malaki ang maitutulong sa career niya bilang architect. What she did not expect was that once she got the account, her world would turn upside-down and she would meet Cain Ledesma who would sweep her o...