CHAPTER SEVEN

6.9K 138 2
                                    

KINABUKASAN. Maaga pa lang ay gumising na agad si Anise para makapaghanda ng almusal. Napakagaan ng pakiramdam niya, para ngang hindi siya nagkaroon ng lagnat ng nagdaang araw. Medyo nagulat siya pagpasok niya sa kusina. Napakalinis kasi. Mukhang pati kusina nila ay nilinis rin ni Cain. Hindi niya akalain na marunong din pala itong maglinis ng bahay. Lalo lang tuloy siya nitong pinapahanga.

Hindi niya tuloy alam kung paano niya sasabihin dito ang mga bagay na dapat niyang sabihin. Tiyak na hindi magiging maganda ang magaganap na pag-uusap sa pagitan nila.

Katatapos lang niyang lutuin ang fried rice nang pumasok sa kusina si Cain. Parang dinaanan ng bagyo ang mahaba nitong buhok, but still, napakagwapo pa rin nitong tingnan.

Halatang nagulat ito nang makita siya. Agad itong lumapit sa kanya. "Why are you up? Ayos ka na ba? I mean, wala na bang kahit na anong masakit sa 'yo?"

"Relax. Magaling na ako. Tingnan mo nga o, nakakapagluto na ako." Aniya. "Ang mga bata?"

"Still asleep."

"Maraming salamat para sa lahat ng ginawa mo kahapon. I really appreciate it."

"Don't mention it. Ginawa ko lang kung ano ang gagawin ng kahit na sinong kakilala mo na napadaan dito kahapon at nakita ang kondisyon mo."

"I'm thanking you because not everyone will do what you did." Ilan nga lang ba ang magtyatyagang magbantay sa kanyang mga anak hanggang sa makatulog ang mga ito? "Alam kong sobrang kulit ng kambal ko pero pinagtyagaan mo pa rin sila."

"Hindi naman sila mahirap alagaan. I really like them. They're good kids and you've done one heck of a job raising them."

Napangiti naman siya sa sinabi nito. "Swinerte lang siguro ako."

"It's more than that. Kids are not well mannered and respectful by chance. Ibig-sabihin lang napalaki mo ng maayos ang mga anak mo."

"Thank you for saying that." Sa totoo niyan, malaki talaga ang pasasalamat niya na napalaki niya ng maayos ang mga anak. Nung umpisa kasi ay malaki talaga ang pagdududa niya sa sarili. Hindi kasi siya sigurado kung makakaya ba niyang palakihin ng mag-isa ang mga anak. But as it turned out, kaya naman pala niya kahit mag-isa lang siya.

Tumingin siya kay Cain. Mas mabuti siguro kung kausapin na niya ito ngayon at sabihin dito ang mga kailangan niyang sabihin. Bago pa man magising ang mga anak niya at magambala pa ang pag-uusap nila.

"Cain, I know this may sound out of the blue and considering all the things that you've done for me and my kids, baka isipin mo na napakawalang-utang na loob ko. Pero kailangan ko lang talagang sabihin 'to sa 'yo." Paunang wika niya.

"Ano 'yon?"

Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy, "Since tapos na naman yung Liberty Hotel account, sa tingin ko wala nang dahilan para magkita pa tayo."

Nakita niya kung paano nagdilim ang ekspresyon ng mukha nito dahil sa sinabi niya. "Nagbibiro ka ba?"

"Hindi."

"Are you saying that I should stay away from you?"

"Yes." Walang kagatol-gatol niyang wika.

"Shit. Ano na naman bang ginawa kong mali?" Helpless na tanong nito sa kanya. "Is this still because of what happened the other day?"

"That and a lot of other things." Aniya. Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin dito na mahal na niya ito at kapag patuloy pa silang magkita ay baka tuluyan na siyang mabaliw dahil sa kaiisip kung paano niya maitatago ang nararamdaman para dito.

"Ayoko. Hindi ko gagawin ang gusto mo."

"Look-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa bigla na lang nitong hinapit ang beywang niya. And before she could even react, his mouth already crushed hers. Ang pinakatamang gawin sa mga oras na 'yon ay itulak ito. But being the idiot that she was, hinigit pa niya ito papalapit sa kanya at tinugon ang halik nito. His mouth sank deeper into her own, kissing her with equal need and hunger.

What Love IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon