CHAPTER THREE

7.1K 146 0
                                    

PAPUNTA ngayon si Anise sa Ledesma Construction Firm na pagmamay-ari ng pamilya ni Cain. Ipapakita kasi niya dito ang idinagdag niya sa design ng hotel. Medyo huli na nga siya sa kanyang appointment dito.

Bago kasi pumunta do'n ay inihatid niya muna ang mga anak sa eskwelahan ng mga ito. Hindi pa siya nakaalis kaagad dahil kinailangan pa siyang kausapin ng guro ng mga anak. Isang linggo pa lang kasi ang nakakaraan nang magsimula ang pasukan ay gumawa na agad ng kalokohan ang mga anak niya.

Nilagyan ng mga ito ng gagamba ang upuang inuupuan ng guro. Mabuti na lamang at mabait ang teacher ng mga ito at pinaglinis na lang nito ng classroom ang mga anak. Nangako na lang siya dito na pagsasabihan ang mga ito para hindi na maulit pang muli ang insidenteng 'yon.

Pero alam niyang kahit na pagsabihan pa niya ang mga anak ay hindi pa rin titigil ang kakulitan ng mga ito. Kahit pa mag-galit-galitan pa siya, alam niyang wala rin yung epekto. She knew she's spoiling her sons too much pero kahit na ano yatang gawin ng mga ito ay hindi niya talaga kayang magawang magalit sa mga anak.

Paano ba naman, konting lambing lang sa kanya ay bumibigay na siya kaagad. And her sons were two of the best charmers she had ever met. Wala na atang tatalo sa mga ito pagdating sa pag-swe-sweet talk. Well, except probably the man she's going to meet today.

And just like that, mabilis na pumasok sa kanyang balintataw ang imahe ni Cain Ledesma. Pero mabilis din niyang pinalis ang imaheng 'yon. Dahil nangako na siya sa kanyang sarili that she will not be swayed ny him.

Pagdating sa building ng Ledesma Construction Firm ay agad siyang pumasok sa loob. Sumakay siya sa elevator at pinindot ang top floor button. Ayon kasi sa receptionist sa ibaba ay nasa top floor ang opisina ni Cain. Pagdating niya do'n ay agad siyang lumapit sa isang babae na mukhang secretary ni Cain. Nasa labas kasi ang cubicle nito ng tanging opisina na nado'n sa floor na 'yon.

"Hi. I have an appointment with-" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa biglang pagbukas ng pintuan na nasa tapat lang niya. Iniluwal no'n si Cain, looking devastatingly handsome as ever. Pero mas natuon ang pansin niya sa babaeng kasama nito. Na kahit ata isang simpleng jeans at hanging blouse lang ang suot ay magmumukha pa ring isang supermodel.

"Anise, you're already here." Wika ni Cain na hindi man lang nagulat nang makita siya.

"Yeah. Hindi pa naman ako late sa appointment natin right?"

"No, you're just right in time. By the way, this is Andrea." Pagpapakilala nito sa babaeng kasama. "Andy, this is Anise Guevarra. Siya yung architect na in charge sa Liberty Hotel account."

"Hi." Nakangiting wika sa kanya ni Andrea. "I hope hindi ka bigyan ng sakit ng ulo nitong si Cain. Masyado kasing metikuluso 'to sa trabaho e."

"Hey. Sinisiraan mo na 'ko agad kay Anise e." Natatawa na lang na bumaling si Cain sa kanya. "Pumasok ka na sa loob. Ihahatid ko lang sa labas 'tong si Andy. And if you need something, just ask Rina there." Wika nito na ang tinutukoy marahil ay ang secretary nito.

Isang simpleng tango na lang ang isinagot niya dito.

They must be close. Para kasing napakadali lang para kay Cain na ngumiti at tumawa kasama ang babae. And as she watched them went inside the elevator with eyes only for each other, hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaibang lungkot. Na hindi naman niya maintindihan kung bakit niya naramdaman.

HABANG pababa sa elevator, hindi nakalampas sa kanya ang kakaibang tingin na ibinibigay sa kanya ni Andrea.

Si Andrea ay anak ng isa sa mga naging asawa ng tatay niya. Isa ito sa talagang maituturing niyang parang nakababata na niyang kapatid. Nakabase na ito at ang nanay nito sa Amerika. Dumalaw lang ito ngayon sa Pilipinas dahil sa isang trabaho.

What Love IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon