KASALUKUYANG nagmimiryenda si Anise kasama ang kapitbahay na si Jenny. Nasa garden sila ng bahay ng mga ito. Ang kambal naman niya at ang anak nitong si Carlo ay nasa di-kalayuan lang at naglalaro.
Isang linggo na rin siyang nasa bahay lang at inaasikaso ang mga anak. Nang malaman kasi ni Sheila na nagkasakit siya ay binigyan siya nito ng dalawang linggong bakasyon. Tutal naman daw ay maayos naman niyang natapos yung Liberty Hotel account.
"Anise, may problema ka ba?" Biglang tanong sa kanya ni Jenny.
Nagtaka naman siya sa tanong nito. "Ba't mo naman naitanong?"
"Mukha ka kasing problemado e."
Gano'n na ba talaga siya ka-obvious? Inaamin niya na ilang araw na rin siyang hindi makatulog ng maayos dahil sa kaiisip sa naging pagtatalo nila ni Cain. O mas tamang sabihing ilang araw na siyang hindi makatulog kaiisip kay Cain. Pero syempre hindi naman niya 'yon pwedeng sabihin sa kaibigan. Kilala niya ito at alam niyang walang humpay na pagtatanong ang aabutin niya dito kapag nalaman nito ang problema niya.
"Let me guess, this problem of yours, does it involve a certain engineer?"
Nasamid naman siya sa iniinom na juice dahil sa sinabi nito.
"At mukhang tama nga ako." Wika pa nito.
"Saan mo naman nakuha 'yan?"
"Kay Raji at Riku. And don't try to deny it dahil hindi marunong magsinungaling ang mga bata."
Bakit pa nga ba siya magtataka? E alam naman niya kung gaano kadaldal ang mga anak.
"Alam mo bang todo kwento sa 'kin 'yang kambal mo tungkol do'n sa engineer na nag-alaga sa 'yo nung may sakit ka. Kesyo pinagluto daw sila ng dinner, tapos binasahan pa sila ng picture book bago sila matulog." Anito. "Kung sino man ang engineer na 'yon, I think gustong-gusto siya ng mga anak mo."
Wala naman siyang duda do'n. Nung umaga nga na nagising ang kambal niya at nakaalis na si Cain, sobrang na-dissapoint ang mga ito dahil hindi man lang daw sila nakapagpaalam. Simula nga no'n, wala nang tigil sa pagtatanong ang mga anak kung kailan daw ulit dadalaw sa bahay nila si Cain.
"And your point is?" aniya.
"My point is, base na rin sa kwento ng mga anak mo, it's so obvious that this guy likes you. At sa tingin ko naman gusto mo rin siya. Kaya hindi ko maintindihan kung ano ang pinuproblema mo."
"Jen, it's not a question of me liking him or him liking me. Hindi 'yon gano'n kasimple."
"So ano ngang problema?"
"Alam mo kasi, this guy, he doesn't believe in love. Hindi siya yung tipo na magseseryoso sa isang relasyon. Maybe he likes me now. Pero paano bukas, makalawa? Paano kung magising siya isang umaga na hindi na pala niya ako gusto at magdesisyon siya iwan ako? Hindi lang ako ang masasaktan, pati ang mga anak ko masasaktan rin. And that's a gamble I'm not willing to make." Paliwanag niya dito.
"Kaya naman nagdesiyon ka na mas mabuti kung hindi na lang kayo magkikitang dalawa, gano'n ba?"
Napatingin naman siya dito. Napakagaling talaga nitong magbasa ng iniisip ng ibang tao. "Yes, that's what I did."
"E paano kung mahal ka pala talaga nung tao tapos hindi mo man lang siya binigyan ng pagkakataon na ipakita 'yon sa 'yo?"
"How I wished na gano'n nga 'yon. But I really doubt it. Dalawang beses na kaming nagkaro'n ng pag-uusap kung saan pwede niyang sabihin sa 'kin ang nararamdaman niya. Pero wala e, sinabi lang niya na attracted siya sa 'kin at gusto niya ako. But apparently he doesn't like me enough to love me."
BINABASA MO ANG
What Love Is
Short StoryMahalaga kay Anise ang Liberty Hotel account na malaki ang maitutulong sa career niya bilang architect. What she did not expect was that once she got the account, her world would turn upside-down and she would meet Cain Ledesma who would sweep her o...