Chapter 05
Blaire's POV
"I told you! Isa lang siya sa mga baliw at patay na patay na fangirl na gustong mapansin ni Cayden!" histerical na sabi ng babaeng model at inirapan ako.
Inirapan ko rin siya sa inasta niyang iyon. I didn't expect na ang mukha niya ay kabaliktaran ng ugali niya.
Nagpapatawa ba siya?
Fangirl? Eh hindi ko nga yon kilala, at mas lalong hindi ko siya gusto.
Nandito ako ngayon sa opisina ng condo. Dinali nila ako dito matapos ang nangyari sa amin nung Cayden. Naiwan naman si Cayden sa kwarto niya dahil ginagamot ang kanyang mga sugat.
"Will you just please shut up your mouth for a while Natalia?" iritang sabi ng lalaking may pulang buhok.
"I can't August! Matapos niyang saktan si Cayden, tingin mo kaya kong magtimpi sa fangirl na 'yan!?" napahawak pa ito sa sentido niya matapos niyang sabihin iyon.
Sasagutin ko na sana siya at sabihing hindi ako fangirl ng lalaking 'yon ng magsalita ang babaeng nasa mid 30's, nakaupo ito sa swivel chair at nakatingin sa akin ng diretso habang pinaglalaruan ang ballpen sa kanyang kaliwang kamay.
"Please leave us alone for a while August, we need to talk." malumanay ngunit may authoridad na sabi ng matandang babae.
Tumango si August sa sinabi ng babae at hinila si Natalia papalabas ng kwarto. Nagpumiglas pa siya ngunit sadyang malakas si August at nabitbit siya nito.
Nakakabinging katahimikan ang namayani ng umalis ang dalawa sa buong kwarto. Awkward akong napatingin sa babae na ngayo'y may isinisulat ng kung ano sa papel.
Nabasag ang katahimikan ng magsalita ito.
"Anong ginagawa mo sa room ni Mr. Cayden Flores?" malumanay na tanong ng babae. Inangat niya ang ulo niya at nagkatamaan kami ng mata.
Hindi ko alam kung bakit pero it sends chills in my spine ng tignan niya ako diretso sa mata.
"Kinidnap niya ako," diretsong sagot ko sa kanya.
Ineexpect kong magugulat siya sa sinabi ko at pagtatawanan ako katulad ng reaksyon ni Natalia pero hindi. Kalmado lang siyang nakaupo.
"Nagising na lang ako na nasa unit niya na ako. Iba na ang damit ko," paliwanag ko.
Hindi ko magets kung bakit hindi sila naniniwala sa akin. Totoo ang sinasabi ko dahil imposibleng mapunta ako dun. Natatandaan ko ay natulog ako sa kwarto ko at pagkagising ko ay nandito na ako.
Biglang may nabuo sa isipan ko at napahawak ako sa bibig.
Hindi kaya --
"You're right,"
Nanlaki ang mata ko ng magsalita ang babaeng matanda na nasa harapan ko ngayon. Seryoso siyang nakatingin sa akin at nakangisi.
Nahulog ako bigla sa kinauupuan ko ng marinig ko 'yon. Dali dali akong tumayo at umupo muli.
"This is your dream,"
Napanganga ako.
Sino ba siya?! At bakit nabasa niya ang nasa isip ko!?
Kinurot ko at sinampal ang sarili ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero nasaktan lang ako.
Teka? Kung nasa panaginip ako kapag sinaktan ko ang sarili ko magigising na ako? Pero bakit hindi pa rin ako magising?!
"Huwag mo ng ituloy, masasaktan ka lang," Tumayo ang matandang babae at inayos nito ang mga nahulog na papeles. Ibinalik niya ito sa isang envelope at inilagay sa kabinet.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit sa kanya. "Slap me,"
Siguro kung hindi magpapagising sa akin ang sarili ko, kailangan ng ibang tao para mapagising ako.
Kailangan kong magising kung panaginip lang 'to.
"Stop wasting your time. Kahit sampalin kita kaliwa't kanan hindi ka magigising," paliwanag niya.
Napahawak ako sa ulo ko. Hindi maprocess ng utak ko ang mga nangyayari. Ang daming tanong ang pumapasok sa isipan ko.
"W-who are you?"
Napatingin siya sa gawi ko at napangisi.
She is crazy. This woman in front of me is crazy.
"I'm destiny. But you can call me Ysha," ngiting aniya.
Nagsitaasan ang balahibo ko ng makita kong nagbago siya ng katauhan. Hindi na siya yung matandang babae na kausap ko kanina. Humaba ang kanyang buhok at naging itim ito. Lumiit naman ang kanyang mga braso at binti. Hinawi pa niya ang kanyang itim na itim na buhok bago niya ako dapuan ng tingin.
Napaurong ako bigla. This girl is a freak. Ayoko na dito!!
Tumakbo ako papalayo at aakmang bubuksan ang pinto ngunit ng pihitin ko ito ay hindi ko na 'to mabuksan.
Sht. Nakalock.
Napatingin ako sa gawi niya na ngayo'y prenteng nakaupo sa upuan at nakapatong ang dalawang paa sa desk. "Wag ka ng magtangkang umalis pa at ipagsabi ang tungkol sa akin dahil hindi sila maniniwala sa'yo. Iisipin lang nila na baliw ka at ipapatapon ka sa mental at hindi ka na makakaalis sa panaginip na 'to."
Nagpintig ang dalawang tenga ko ng marinig ang huling mga salitang sinabi niya. Ibig sabihin may chance pa akong makaalis sa panaginip ko na 'to? Paano?
"Tama nga ang sabi niya sakin, matalino ka nga talaga," at tumawa siya.
Napapikit ako upang pakalmahin ang sarili ko. Hindi parin magsink in sa utak ko ang mga nangyayari.
"A-ano bang kailangan mo sa akin?" nauutal na tanong ko sa kanya.
Hindi pa rin maalis ang kilabot ko everytime na titingin siya sa akin. Naninibago ako dahil sa pagbabago niya ng katauhan. Sobrang creepy niya. Idagdag mo pa na hindi nagbago ang boses niya.
"Hindi ako ang may kailangan sayo," she paused.
"Someone from the future need your help,"
Kumunot ang noo ko ng sabihin niya 'yon.
"Someone from the future? Sa akin? Eh bakit ako pa? Sa dinami dami ng tao sa mundo bakit ako pa?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ako pa ang kailangan na magligtas sa kanya. Sino ba siya? Hindi naman ako si catwoman o superman para maligtas siya sa kapahamakan.
"Dahil ikaw ang babaeng 'yon,"
Nanlaki ang mata ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko. "What? Anong ako?"
"Your future self," tipid na sagot niya at tumayo. "She's in trouble,"
"At kailangan ka na niya ngayon."
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
Space Between Us
FantasiaTwo different worlds, Two different time, Two lonely souls, One forbidden love. Is it true love really conquers all? How far will you take for the one you love? Meet Blaire Del Rosario, the girl who can travel to the future through her dreams. Hi...