"Spaghettyyyyy!" Napatingin ang karamihan na nasa library dahil sa tili ng bestfriend kong si Karlo na mas kilala sa tawag na Kara.
"Shhhhh!" Iminuwestra ko pa ang daliri sa aking mga labi para makita nito. Nahiya naman ito sa ginawa kaya naman ay nag peace sign ito sa mga naroon.
"Beshie! Ohmygee!" Sabi nito sa kaniya pero nangingibabaw pa rin ang boses nito kaya napatingin na naman dito ang mga estudyante.
"Klein, alis lang ako ikaw muna magbantay ha." Sabi niya sa assistant niyang si Klein na busy sa kababasa ng encyclopedia. Tumayo na nga siya sa kaniyang inuupuan at iniwan muna ang binabasa niya. Hinila niya agad si Kara papunta sa mini park sa may likod ng library.
"Hetty! Hindi ka makakapaniwala pero! Waaaa!" Tili nito sabay pakita nito sa akin ng dalawang VIP pass ng isang sikat na bar.
"Akala ko naman kung ano na. Ano naman plano mo sa pass na yan?" Tanong niya sa kaibigan.
"Ang killjoy mo talaga friend. Librarian ka nga." Sabi nito sa kaniya.
"Tse! Aside from that bakit ka nga pala napadaan sa library? Miss mo ko no?" Pangaasar niya sa kaibigan.
"Like eeww! Hindi tayo talo beshie." Nandidiring sabi nito sa kaniya.
"Arte naman. Iwan na nga kita diyan." Akmang aalis na siya ng hilahin nito ang kaniyang damit.
"Wait lang naman my lovely friend. Alam mo naman na ikaw lang ang friend kong napakabait at napaka-Masipag—" hindi na niya ito pinatapos dahil alam niyang aasarin lang siya nito sa apelyido niyang bagay na bagay talaga sa kaniya.
"Oo na Kara! Alam kong may kailangan ka." Sabi niya dito nakita niya ang paglawak ng ngiti nito.
"Yes! So sasamahan mo ako dito sa bar na to mamaya?" Nasisiyahang tanong nito sa kaniya.
"May magagawa pa ba ako?" Sabi niya dito. Alam niyang wala din naman siyang choice kundi ang samahan ito dahil naiwan niya ang susi ng apartment at tanging si Kara lang ang may isa pang susi. Alam niya din na ito ang alas nito para pasamahin siya.
"But first— kailangan mo ng magandang damit." Sabi nito sa kaniya pero umalma agad siya mas kumportable siya sa suot suot niya na mahabang palda na nabili niya sa isang ukay-ukay at ang lumang blouse na iniregalo sa kaniya ng yumao niyang lola nang siya ay makagraduate sa college.
"Kara! Ayos na ako dito." Nakita niya ang pagkadisgusto sa mukha nito.
"Beshie! Bar yung bar! B-A-R." Inispelling pa nito ang bar sa akin alam ko naman kung ano ang bar. Para sa mga pangsosyalang tao at hindi ako belong na makipagsapalaran sa mga pakindat kindat na neon lights.
"Alam ko naman ang bar Kara. Ayoko lang talaga pumunta pero wala naman akong magagawa hindi ba." Pagpapaliwanag niya sa kaibigan.
"E—paano yan beshie kaya nga kita inaya dahil nasagap ng radar ko na pupunta rin si Renge sa bar." Nanlaki ang kaniyang mata sa sinabi ng kaibigan.
"Weh? Seryoso ka ba? Legit ba yan?" Sunod-sunod na tanong niya dito. Kung totoo nga na nandun si Renge sasama siya kahit makasulyap lang sa binata. Naging crush niya ito magmula ng isama siya ni Kara sa anime cafe na kung saan nagbabantay ito dati pero makalipas din ng ilang linggo ay wala na ito sa anime cafe pero kahit ganon crush niya pa rin ito. Lagi pa ngang nauubos ang pera niya kakaorder ng cake at kape para makita lang ito.Hindi niya din alam kung magpapasalamat siya dito na umalis ito sa cafe para mabawasan ang gastos niya.
"Oo nga! what are friends are for! Oh siya beshie magoff ka na diyan sa library. Intayin kita sa car ko." Nagpaalam na nga ang kaibigan niyang si Kara at pupunta daw ito sa parking lot.
BINABASA MO ANG
Libidinous Series 10: Hutch Leif Wechsler
General FictionWarning: Rated SPG| Strictly prohibited under 13 years of age| pero kung malilit ka go ng go parang globe konsensya mo na rin yan| Enjoy Reading "An apple a day keeps the doctor away" but what if the doctor is no other than Dr. Hutch Leif Wechsler...