Chapter 8

18.3K 398 28
                                    

Alas sais na ng gabi ng masundo ako ni Hutch sa bahay. Nakakatawa lang dahil pinaghandaan talaga ng mokong na ito ang isusuot. May dala pa nga itong bulaklak para daw kay mama na siyang nakapagpatawa lalo sa akin.

"Mukhang hindi ka talaga ready sa lagay na yan." Pagbibiro ko dito at natawa ito. Sumakay na kami sa sasakyan at itinuro ko ang direksyon papunta sa may bahay namin.

Habang tinititigan ko si Hutch habang nagdadrive ay hindi ko maiwasan ang kakaibang init na nararamdaman. Habang tinitignan ko ang muscles niya habang nagmamaneho ay nagdadag lang ito ng init.

Hetty umayos ka. Magdidinner pa kayo kasama ang ate at ang ina mo.

"Sugar, I know I'm gorgeous but if you continue to stare at me like that hindi ko masisigurado sayo na makakapagdinner tayo sa inyo." Sabi nga nito sa akin habang nagmamaneho nakita ko pa ang pagtaas ng sulok ng labi nito. Namula naman ako ng husto dahil sa sinabi nito.

"Hindi kaya kita tinitignan." Pagtanggi ko dito at tinuon ko na lang ang pansin sa aking phone. Nagmessage na pala si Kuya Hugo.

Makalipas ng ilang sandali ay nakarating na kami sa subdivision kung nasaan sila mama.

"We're here." Sabi ni Hutch sa akin. Nginitian ko ito at tinanggal na ang aking seatbelt. Nagulat naman ako dahil hindi ko napansin ang pagbaba ni Hutch sa sasakyan at pinagbuksan ako nito ng pinto.

Pinagsalikop ni Hutch ang aming mga palad at naglakad patungo sa loob ng bahay.

"Anak!" Bati nga samin ni Mama ng makapasok kami. Humalik ako sa pisngi nito bilang pagbati. Ipapakilala ko na sana si Hutch ng yayain kami ni Mama sa may sala.

"Uhmm— Ma, Si Hutch nga po pala boyfriend ko." Sabi ko kay Mama. Nakita ko naman ang pagngiti ni mama.

"Good evening po Mrs. Masipag." Bati ni Hutch dito.

"Good evening din hijo. Cut the Mrs. Masipag. You can call me Tita or Ma—" bago pa nga masabi ni Mama ang gusto nitong sabihin ay pinigilan ko na ito. Nakakahiya kasi kay Hutch.

"Mama!" Pinandilatan ko pa ito na siya naman ikinatawa nito.

"Anak, Hutch can call me mama if he wants." Nakita pa nga niya ang pagkindat ng ina sa kaniyang nobyo at napailing na lang siya. Bakit ba naman kasi naging kaugali ito ni Ate.

Nagumpisa na nga daldalin ni mama si Hutch at para ngang nasa talk show ito kung maginterview kay Hutch. So far, nakikita naman niya na maayos ang pakikitungo ni mama kay Hutch. Nakahinga tuloy siya ng maluwag.

"Hutch, How about your parents? Nasaan sila?" Tanong ni Mama kay Hutch. Nakita ko na parang natigilan si Hutch sa sinabi ni mama. Naalala ko naman ang sinabi ni Hutch tungkol sa pamilya niya. Gusto ko sana kurutin si mama pero hindi ko rin siya masisisi dahil hindi naman niya alam ang tungkol dito.

"Uhm— Nasa London po si mommy and uhm— my dad, he's here in the Philippines but wala na po kaming connection." Matipid na sagot ni Hutch pero nginitian pa rin nito si Mama.

"Oh, I'm sorry to ask you about that hijo." Sbai ni Mama kay Hutch.

"No worries po Tita." Sabi naman ni Hutch sa ina. Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil. Sign of comfort ko na rin dito.

"Matanong lang din kita Hutch. Ano ang nagustuhan mo sa anak ko?" Natatawang tanong ni Mama. Gusto ko na magpalamon sa lupa dahil sa mga katanungan ni Mama. Konti na lang talaga at makukurot ko na ito sa singit.

Tumingin naman sa akin si Hutch at napangiti.

"I love everything about her po but most of all I love her for having a pure heart. A heart that is willing to help others." Sabi ni Hutch kay Mama napangiti na naman ang ina ko. Mistula naman namula ang tenga ko sa sinabi ni Hutch. Kinilig tuloy ako ng sobra sobra.

Libidinous Series 10: Hutch Leif WechslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon