Chapter 3

21.1K 451 10
                                    

"Sigurado ka ba talaga Hetty diyan sa pakana mo?" Sabi nito sa akin habang inaayos nito ang palda na suot.

"Kara, last na talaga to swear atsaka hindi naman niya ako kilala kung mahihiya man ako mukha niya lang yung maalala sakin." Pagpapaliwanag ko dito.

"Ewan ko ba sayo beshie. Updated na ngayon ang mundo like hello may social media and everything." Napaisip muli ako sa gagawin ko at tinignan ang damit na suot. Matagal ko na itong ipinaimprinta at ngayon ko lang ito isusuot and probably the last na rin siguro.

Sinuot ko muna ang baon kong sweater at naglagay na rin ng gloss sa labi. Kinulot ni Kara ang dulo ng buhok ko kaya umabot na lamang ito sa ibabaw ng aking mga balikat. Napatingin naman ako sa contact lens ko na matagal ko ng hindi nagagamit.

"Isuot mo na. Para kapag napahiya kang gaga ka di ka makikilala." Sabi ni Kara sa akin at iniabot ang contact lens ko. Nang maisuot na niya ang contact lens nanibago na naman siya sa itsura niya. Nagbalik muli ang hetty na pumarty last time sa bar.

—-
Mahaba ang pila sa bilihan ng ticket ng Z night pero dahil may pass na agad sila mula sa kaibigan nilang si Zenith na host ng naturang show ay hindi na sila nahirapang pumila.Bukod din kasi kay Kara alam din ni Zenith na nahuhumaling siya kay Renge.

"Ohmygeee! Hetty! I miss you girl and you Kara amiga!" Eksaheradang pagbati ni Zenith sa amin na may curlers pa sa buhok.

"Bruha ka Zenitha! Ansabe ng silk mong robe daig na daig ang vs angels." Sabi ni Kara kay Zenith na siya naman ikinatawa nito.

"Little things amiga! Oh Hetty mukhang kabado ka diyan." Puna nito sa akin pero nginitian ko lang ito.

"Hindi naman masyado." Sabi ko dito at hinila na nga kami ni Zenith sa dressing room nito.

"So—last ba ba talaga yan hetty?" Tanong sa akin ni Zenith.

"Promise. Last na to." Sabi ko dito. Ginulo naman nito ang buhok ko.

"Good girl. Hindi lang naman si Renge ang lalaki sa mundo madami pang Adan diyan. Also madami pang kaibigan si Renge na single malay mo di ba. Mga eligible bachelors girl." Kwento pa nito. Nagtagal pa kami ng ilang minuto ni Kara sa dressing room nito at ilang sandali lang din ay lumabas na kami para umupo sa studio. Napila namin ni Kara ang pwesto sa gitna.

Punong puno ang stage ng mga banner ng mga pangalan ng kaibigan ni Renge and at the same time may picture pa ang mga ito. Nakahinga naman ako ng maluwahg ng hindi lang pala ako ang may i love Shirt marami pala kami kaya naman ay naging komportable na akong tanggalin ang sweater na suot.

Nagsimula na patugtugin ang theme sog ng show at lumabas na si Zenith. Nagsipalakpakan naman kami.

"Let's all welcome the eligible billionaires in our country." Lumabas na nga isa-isa ang mga kalalakihan mula sa malaking LED screen na naghiwalay. Kaniya kaniyang sigawan ang mga kababaihan at mga beki.

"Shet! Ang gwapo nung nakacurly!" Sabi ni Kara sa akin at inalog alog pa ako. Hinanap naman ng aking paningin si Renge. Nakatux ito at ayos na ayos ang tindig na nagpagwapo dito pero napansin ko lang hindi na tumitibok na parang kabayo ang puso ko nang makita ko ito. Normal na paghanga na lang pero kahit ganon support ko pa rin ito. Nakisabay na rin ako sa pagsigaw ng mga audience.

Nagtatalo pa kami ni Kara kung sino ang gwapo sa mga kalalakihan na nandoon. Pero tatlo lang naman talaga ang pansin namin dahil natatakluban ng mga nakataas na banner ang iba.

Patuloy pa rin ang pagiingay sa loob at ilang sandali ay humupa na nga ito. Magkakaroon daw kasi ng palaro bunutan daw.

Gumagala ang paningin ko sa mga bachelors na nasa stage at napatigil ako sa isang adan sa may left side.

Libidinous Series 10: Hutch Leif WechslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon