Chapter 6

19.5K 412 17
                                    

Natapos ang isang linggong volunteer niya sa charity at ang masasabi niya sobrang memorable talaga ito. Matapos ng nangyari sa kanila ni Hutch ay napagpasyahan nito na magextend muna sila sa Bicol ng dalawa pang araw.

Sa dalawang araw na magkasama sila ilang beses nilang sinulit ang isa't isa. Sobrang saya niya na si Hutch ang una niyang kasintahan pero napupuno din siya ng kaba lalo na sa mga magulang niya kung ano ang sasabihin ng mga ito.

"You're thinking so deep, Sugar. Is it me?" Nagulat siya ng niyapos siya ni Hutch sa beywang kaya naman ay napaharap siya dito.

"Loko! Hindi no. Tara na nga at baka gabihin tayo sa daan." Kinurot niya pa ang tungki ng ilong ni Hutch at kinuha na ang maleta niya pero kinuha ito ni Hutch.

"Don't stress yourself, Sugar. Let me treat you like a queen." Sabi nga nito sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang noo.

Sumunod na siya kay Hutch at habang pababa sila sa hotel na inookopahan nila ay naririnig niya ang bawat bulungan ng mga makakasalubong nilang dalawa.

"Ang swerte naman ni Ate. Ang hottie ng jowa." Rinig niya na bulong ng isang babae sa kaibigan niya. Natatawa tuloy siya naalala niya kung paano sila magkuwentuhan ni Kara.

Speaking of Kara, marami siyang ikwekwento dito pero handa na ba siyang masabunutan nito? Ito na lang din kasi ang taong close sa kaniya na napagsasabihan niya talaga ng problema.

Narating na nila ang lobby at dahil marami na din ang aalis ay puno ang pila sa may reception.

"Just going to check out. I'll be back." Pamamaalam sa kaniya ni Hutch kaya ay naupo muna siya sa pangisahang sofa.

"Love is really beautiful." Napatingin siya sa isang lola na nakaupo katabi niya. Nginitian naman niya ito.

"Good day, hija." Bati sa kaniya nito kaya binati niya naman ito pabalik.

"Honeymoon trip niyo ba ng nobyo mo Hija?" Malumanay na tanong sa akin ni lola. Natigilan naman ako bigla at nagsink in sa akin na girlfriend na nga pala ako ni Hutch. Hindi niya alam ang tamang isasagot dito nahihiya siya.

Hinawakan ng lola ang kamay niya.

"Hija, ang swerte mo sa kaniya." Sabi nga nito sa akin.

"Emily." May lumapit naman ditong matanda at hinawakan ang kamay nito.

"Emily, tara na." Sabi nga ng matanda dito asawa siguro nito ito. Nagpaalam na ang dalawang matanda sa akin at tamang tama naman na tapos na din magcheck out si Hutch.

"C'mon, Sugar." Sabi nga nito sa akin at hinawakan na ang aking kamay patungo sa sasakyan nito.

Habang nasa biyahe patuloy ko pa rin iniisip kung paano sasabihin sa mga taong malalapit sa akin na mah boyfriend na ako. Sobrang bilis kasi ng pangyayari.

"Hutch, sigurado ka ba sakin?" Out of no where kong tanong dito.

Tumingin naman ito sa akin at bumalik ang tingin sa daan.

"Ano ba naman tanong yan, Hetty. I'm pretty serious about you. I know it's not in my looks to serious a lady but believe me I meant what I said." Sabi nito sa akin. Seryoso din naman ako dito pero natatakot pa rin ako.

"Bakit ako, Hutch? Kung tutuusin average girl lang naman ako." Pagpapaliwanag ko dito pero bigla itong nagsalita.

"Sugar, I choose you because I love you. For me, you're not an average. You're beautiful and a woman with a good heart. It's not all about the looks what I'm looking for it's about your pure heart. The moment when I saw you teaching those kids in the charity, I realized that you're not just any other woman you're one of a kind." Sabi nito sa akin at hinawakan ang kamay ko at pinisil pa nito.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito. I feel overwhelmed to have Hutch in my life.
Nagising ako ng kurutin ni Hutch ang pisngi ko.

"Aww." Napahawak ako sa kinurot nitong pisngi ko at tinignan ko ang nasa paligid ko. Hindi ko alam kung nasaan kami.

"Nasaan tayo?" Tanong ko dito at nginitian ako nito at nahihiyang napakamot sa batok nito.

"Uhm—Higlands Village Estates." Sagot nito sa akin.

"Teka, bakit tayo nandito?" Naguguluhan kong tanong dito.

"I'm going to introduce you to my friends as my girlfriend." Agad-agad naman siyang kinabahan.

Ipapakilala nito sa akin ang mga kaibigan nito. Paano na lang kapag di nila ako nagustuhan para kay Hutch?

"Don't worry, Sugar. They will like you for me." Sabi nga nito sa akin at kinuha ang kamay ko at nagdoorbell sa isang malaking bahay.

Naka-dalawang doorbell si Hutch at may nagbukas ng gate. Ito yung lalaking nakakita sa amin ni Hutch sa parking.

"You're here. Are you with her?" Bati nito sa amin at sinilip pa nga kung sino ang kasama ni Hutch. Nang makita ako nito ay inilihad nito ang kamay.

"Hi, I'm Yvo. The hottest painter alive." Kumindat pa ito sa kaniya at kinuha pa nga nito ang aking kamay na akmang hahalikan pero hinarang ni Hutch ang kamay nito kaya kamay ni Hutch ang nahalikan ni Yvo.

"Pwe! Ang alat!" Nandidiri itong pinahiran ang mga labi.

"Don't you dare, Yvo." Sabi nga ni Hutch dito at natatawa naman si Yvo na pumasok sa loob ng bahay at inaya kaming pumasok.

"They're here!" Sigaw ni Yvo sa ilan pang mga naggwagwapuhan kalalakihan na nasa loob ng living area. Halos nakita na naman niya ang mga ito ng nagpunta sila ni Kara sa show ni Z. Mga nagsiayos ang mga ito ng upo at napatingin naman ito sa kanila.

Unang lumapit sa kanila ang lalaking may asul na mata sa left at green naman sa right. Namangha siya sa mata nito.

"Hi, I'm Steel. Can I call you gorgeous?" Tanong nito sa akin at kumindat pa.

"Hey, Sugar. Don't listen to that man." Sabi nga sa akin ni Hutch at inilayo ako kay Steel. Natatawa naman na napapailing ang kaibigan nito.

"Oh, Sugar." Mga inasar pa ng mga ito si Hutch.

"A Sugar for our Doctor amigo." Sabi naman ng lalaking may dimple.

"Zeno, at your service." Pagpapakilala ng lalaking may dimple. Nakipaghandshake pa ito sa akin.

"Frost here." Sabi naman ng lalaking nakasalamin at nagbabasa ng libro matapos nito magpakilala ay nagbasa na muli ito ng hawak na libro.

"Food is ready!" Sigaw ng lalaking naka-apron ng floral at nakatopless pa nga ito kaya naman ay agad na tinakluban ni Hutch ang mata ko.

"Oh! Sorry!" Narinig ko pa na sabi nito tinanggal na ni Hutch ang takip sa mata ko at pagmulat ko ay nasa harap ko na ang kaninang lalaking naka-topless nakangiti ito sa harapan ko.

"Hi, sorry a while ago I'm David. David Rush." Kumindat pa nga ito sa akin at nabatukan agad ito ni Hutch.

"We gotta go now." Sabi nga ni Hutch sa mga ito.

"That fast? Hindi niyo man lan titikman ang masterpiece ko?" Nagtatampong sabi ni David kay Hutch.

"Fine! We're going to eat here." Sabi ni Hutch dito at nagpunta na nga itong kusina kung nasaan nauna na ang iba png mga kaibigan.

Napuno ng saya ang tanghalian namin ng pagkaisahan si Hutch ng mga kaibigan niya. Masasabi ko na maganda ang samahan ng mga ito. Natutuwa din siya sa magandang pakikitungo ng mga ito sa kaniya.

"thank you." Sabi niya kay Hutch ng maihatid siya nito sa apartment.

"I gotta go now. Bye." Sabi niya dito pero kinuha nito ang kamay niya at hinalikan siya sa mga labi.

"There's my goodnight kiss as sweet as sugar. Take care." Sabi nga nito sa kaniya at pinapasok na siya sa loob. Bumalik naman si Hutch sa sasakyan nito at nagdrive na paalis.

Pumasok na siya sa pinto at nagulat siya na nabungaran niya ang naghihintay na si Kara.

"Tahira Hetty! Bakla! Ano iyong goodnight kiss?" Sabi nga nito sa kaniya at hinila siya sa sala.

It will be a long story to tell.

——
A/n: Happy New Year dears! I hope we have a good one this 2018.

Love you all 💕

Libidinous Series 10: Hutch Leif WechslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon