"Check. Check. Check" chineck ko ang list ng mga dadalhin ko para sa volunteer event na mangyayari ngayong pasko. Busy pa ako sa mga kailangan kong dalhin ng bigla kong narinig message tone ng phone ko kaya agad ko itong nakita.
Sumilay ang ngiti sa aking labi ng makita kong mula ito kay Hutch. Matapos kasi ng nangyari kumakailan man ay naging malapit ito sa akin. Lagi itong bumibisita sa coffee shop at minsan ay hinahatid nga ako nito pauwi.
From: Hutch Wechsler
Hope you have a nice day ahead. :)
Pinamulahan naman ako sa text nito at nagwala ang mga paro-paro sa tiyan ko. Hindi ko alam kung ano ang irereply ko dahil pinapangunahan na naman ako ng kilig.
"Ang saya naman ni besh." Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko at nakita ko si Kara. Nakaskirt itong red na gawa sa velvet at may santa hat pa ito.
"Ginulat mo naman ako." Sabi ko dito at itinago ang phone sa bulsa.
"May naamoy ako besh. Amoy mainit na pasko." Sabi pa nito at sinundot pa ang tagiliran ko.
"Anong mainit na pasko? Baka dala ng klima?" Sagot ko dito pero natawa ito.
"Hetty, huwag ako. Kilalang kilala kita mula puyo hanggang sakong mo. So ano spill it." Dahil na rin hindi kami nagkakausap ni Kara dahil busy ito sa boylet niya ay kinuwento ko dito ang nangyari sa akin ng wala ito.
"Like Ohmyf**ckingGee! Ikaw na! Ikaw na talagang gaga ka! So level up na talaga yang sa inyo ni Hutch dahil may torridan na nagaganap." Sabi pa nga nito sa akin.
"Ahmm—hindi ko alam basta sa ngayon friends kami." Nasabi niya lang sa kaibigan at nakita niya ang pagirap nito.
"Friends?! Friends na nagtotorridan? Kaloka ka Hetty! Pero besh I'm happy for you kasi you know get over ka na kay Renge." Napaisip din ako sa sinabi nito pero alam niya na friends lang naman talaga sila ni Hutch at kiniclaim niya hanggang doon lang talaga muna at sa part ng kay Renge masasabi niyang wala na talagang epekto si Renge sa kaniya. Nang makita nga niya ito sa isang magazine ay wala na yung kilig o paru-paro na nalipad-lipad.
"Eh—basta alam ko Kara na friends kami." Pagpapaliwanag niya sa kaibigan.
"Okay eh di friends pero kapag sa panahon ng kagipitan aba Hetty matuto tayong gumiling giling mamaya maagaw ng iba si Doc." Natatawa naman itong pumunta sa fridge at kumuha ng juice.
Naalala ko naman ang text ni Hutch at muling kinilig basahin ito. Nagreply na nga ako sa kaniya at muli nang inayos ang mga gamit.
——
"You're smiling like an idiot. It creeps us out." Sabi ni Frost kaya naman napatingin ako sa mga kaibigan kong nakatingin sa akin mga nakakunot ang noo nito.
"Why?" Nasabi niya lang sa mga ito.
"Kanina ka pang parang tanga diyan sa harap ng phone mo bud." Sabi naman ni Yvo sa kaniya.
"Oh—I just saw a video that—" hindi niya natapos ang sasabihin ng may sinabi ang kaibigang si Steel.
"Video pero may tinatype? Interactive ba yang video?" Sabi nga nito sa kaniya. Nagkatingin naman ang kaniyang mga kaibigan at sabay sabay itong lumapit sa kaniya para siyasatin ang phone niya.
Pinagkaguluhan siya ng mga ito at tulad ng nakagawian they are brawling with each other just for fun. Minutes passed at napagod nga silang magkakaibigan sa ginawa. Now, they're are all in sweat and topless.
"So, babae ba yan?" Tanong ni Rush sa kaniya. Huminga muna siya ng malalim at saka nagsalita.
"Yeah." Sabi niya sa mga ito. Naghiyawan naman ang kaniyang mga kaibigan.

BINABASA MO ANG
Libidinous Series 10: Hutch Leif Wechsler
General FictionWarning: Rated SPG| Strictly prohibited under 13 years of age| pero kung malilit ka go ng go parang globe konsensya mo na rin yan| Enjoy Reading "An apple a day keeps the doctor away" but what if the doctor is no other than Dr. Hutch Leif Wechsler...