Chapter 13

15K 346 1
                                    

CHAPTER 13

THEA'S POV

Nag-uusap lang kami sa cafeteria nila Jake ng bigla nalang may sumigaw.

"Argggggg!" napatingin kami sa sumigaw na babae.Nakita namin na parang namimilipit sya sa sakit.Linapitan agad sya ng mga estudyante pati kami na patayo.

"Arrrggggg!"may sumigaw na naman kaya tumingin agad kami don hanggang sunod-sunod na ang sumisigaw.

Makikita mo dito ang mga estudyanteng nakahiga at nagsisigawan sa sakit.Nagtaka naman kami sa mga nangyari.

Lumapit kami don para tignan kung ano ang mangyayari sa kanila pati na rin si sapphire.

Nakita ko ang babaeng sumisigaw sa sakit may na pansin naman ako sa batok nya na may na kabaon pero tinignan ko ito ng mabuti ng bigla na kang itong na wala at umitim na ang kanyang mata.

Tinignan ko sa labas at may
na pansin na may estudyanteng may hawak na snapira(sniper) at nakatutuk dito sa loob ng cafeteria.

Sasabihin ko na sana ang na kita ko ng may naramdaman akong bumaon sa batok ko at unti-unti akong nakaramdam ng sakit sa ulo.

" Arrrgggggg!"sigaw ko at napaupo sa sahig habang hawak-hawak ang ulo.Hindi ako makapagsalita dahil parang may bumabara sa lalamunan ko at ang mata ko ay unti-unti na ring lumalabo pero na kita kong lumapit sila Nathan sa akin.

"THEA!!" yan ang huling kataga ang na rinig ko bago pa manlabo ang mata ko at biglang dumilim.

NATHAN'S POV

Nakita na lang naming bumabagsak na si thea sa sahig kaya tumakbo agad kami sa kanya.

"THEA!!" sigaw ni keana na kita namin na sinakop na ng dilim ang kanyang mata at hindi na gumalaw katulad ng ibang estudyante.

"Thea gumising ka" sabi naman ni keana habang inaalog nya.

Lumapit ako sa katabing estudyante ni thea tinignan ko ito kung ano ang mali.

Naramdaman ko naman na lumapit rin sila drake at sapphire na lumapit sa ibang estudyante na nagkaganon rin.

Nakita ko naman ang isang babae na na natumba na lang bigla at nagsisigaw at bigla na lang umitim ang mata nya.

Linibot ko naman ang paningin ko at na pansin ko na ang mga babaeng na kahiga linibot ko ang cafeteria at na kikita ko ang mga babaeng nakahiga.

Napansin ko rin ang lalaking may mahabang buhok na nakahiga at itim na rin ang mata kagaya ng iba.

Nakita ko na pumasok na ang mga teacher at head ng school.Linapitan nila ang mga estudyanteng nakahiga at pinalayo kami duon sa mga estudyante.

Pinalabas kami sa cafeteria at hindi namin inaasahan ang nakita namin sa labas ganoon rin ang nangyari sa cafeteria.

Binuhan nila ang mga estudyante at pinasok sa cafeteria.Nakarinig na naman kami ng sigaw dito sa labas.At ang mga part ng school nagmamadali at makikita mo sa mukha nila ang pag-aalala.Marami pang healer ang dumating para alamin ang mga nangyayari at pagalingin ito.

"Attention students.I want you to go to the Safe Building and stay there.We will fix everything!" Sigaw naman ng headmistress.Pagkatapos nyang sabihin yun may nag-escort sa amin na mga Meyndia Soulde.

Ang MEYNDIA SOULDE ay ang mga kawal ng Zameyndia.

Sumulyap naman ako Kay sapphire na parang mag-oobserba tinignan ko lang sya ng tumingin sya sa babaeng binubuhat bigla nya na lang itong linapitan.

SAPPHIRE'S POV

Linibot ko ang paningin sa mga estudyanteng maitim ang mata.May na pansin naman akong babaeng sumisigaw at may na pansin akong itim sa batok nya kaya dali-dali akong pumunta sa kinarorounan nya habangbsumisigaw sya at hinawi ko ang buhok nya bigla nalang ito na wala.Muli ko syang tinignan sa mukha na ngayon ay itim na mata.

At duon ko na kita ang itim na nakabaon sa batok nya.Hahawakan ko na sana ito ng may humawak sa akin.

"Miss kailangan na namin syang dalhin." sabi naman ng babaeng nakaputi at ang ibig sabihin non isa syang healer umalis na sya kasama ang babaeng tinignan ko ang batok.

Kanina pa ako nag-oobserba at nalaman ko kung bakit mga babae ang pinupuntirya nila at mga lalaking may mahabang buhok.At na pansin ko ron ang bagay na bigla na lang mawawala .Habang naglalakad kami may na pasigaw na naman linapitan naman sya ng ibang SOULDE at pinasok sa cafeteria kumukuha sa kanila papunta sa malaking infirmary dahil sa marami ang mga estudyante ang naging ganoon.

Pasimple akong tumingin sa paligid may nakikita akong mga SOULDE na
nakalat dito at bigla nalang silang tumakbo sa mga building na nakapalibot dito sa cafeteria.

Tinitigan ko ito ng mabuti at na pansin ko ang nakaitim at may hawak itong snapira.Hindi mo ito mapapansin kong hindi mo ito titigan ng mabuti.

Ng malapit na kaming pumasok pa simple akong umalis at nagtago para hindi akong ma pansin.

Maririnig mo pa rin dito ang mga sigawan kunti na lang ang ang mga babae na katayo at kasama na kami doon.

Dahan-dahan akong naglakad dahil baka may makakita sa akin at pa balikin ako.

Naglakad ako sa isa sa mga building dito dahil alam kung hindi ito simpleng problema.

DRAKE'S POV

Nandito na kami sa luob ng Salvus Raum marami na ang mga nandito at pinag-uusapan ang mga nangyayari kanina.

Umupo kami sa gilid ng makaupo na kami na pansin ko na hindi namin kasama si sapphire at parang na pansin rin nila.

"Asan na kaya si sapphire?" Itanong naman ni Jake.

"Oo mga no sana ok lang sya" sabi naman ni keana.

"Sana maging ok na ang lahat pati na rin si thea" malungkot na sabi ni keana.

Nagtataka ako sa mga nangyayari lalo  na sa mga na kita ko sa mga batok nila.

May kaka-iba eh hindi ko alam kong ano pero gusto kong malaman kong ano ba talaga ang mga nangyayari.

Ng bigla na lang kami na karinig ng ingay kaya tinignan namin.

Nabigla kami sa mga na kita namin.Hindi namin inaasahan na ganito kalaki ang problema.

Ang mga estudyante ay...........

÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷

VOTE and FOLLOW.

Ms_JRose😘

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon