Chapter 41

10.9K 233 16
                                    

CHAPTER 41

THEA'S POV

"Hmmm"ungol ko at napayakap sa unan ko.Pero bakit parang ang tigas at iba ang amoy?

Kinapa ko ng kinapa.Ng magsink-in sa utak ko ang yakap ko.Iminulat ko ang mata ko at tinignan ang katabi.Napasigaw at natadyakan ko ang lalaking katabi ko na sanhi ng pagkahulog nya.

"What the?Anong nangyari bakit parang wala akong maalala?"bulong ko sa sarili.Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.

Napatingin naman ako sa damit ko.At na pasigaw ulit ng malaman na hindi ito ang suot ko kagabi.

"Ahh f*ck!"rinig ko namang daing.Sumiksik ako sa kama ko habang hawak ang kumot gamit sa pagtakip ng katawan.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!"

Hindi ito sumagot kaya unti-unti akong gumapang doon sa direksyon ng pagkahulog nya.Dumikit ako sa kama at unti-unting tinignan sya.

Pero sa di-inaasahang pagkaka-taon nagkauntugan kami kaya na pahiga ulit ako sa kama. At napahawak sa noo.

"N-nathan?!"na pasigaw ako dahil sa gulat.Hindi ko inaasahan na nandito sya ngayon sa kwarto ko at makasama sa pagtulog ng magkatabi.

"A-a-anong ginagawa m-mo dito sa kwarto k-ko?"

"Tsk"yan lang ang na rinig ko sa kanya.

Tumayo ito pero may na pansin ako sa mukha nya.Linapitan ko agad sya at hinawakan ko ang mukha nya.Napahawak ako sa pasa nya sa pisngi at napa-ungol naman ito sa sakit.Kaya tinanggal ko ang kamay ko sa pasa nya at tinignan sya ng may
pag-alala.

"What happened?"

"Ask yourself."

"A-ano?"

Tumalikod sya pero hinawakan ko sya sa braso kaya nagpatigil ito.Iniwasan ko ang titig nya sa pamamagitan ng pagyuko.

"Ako ba a-ang may gawa  nyan?"kinakabahang tanong ko.Wala akong na rinig na sagot mula sa bibig nya.Pero wala naman akong maalala na pinapakinggan sya.

Hinatak ko sya palabas sa kwarto ko at doon naman nakita ko sila Jake at Keana nakaupo habang nag-aaway.Napatingin naman sila sa amin hanggang sa kamay kong nasa braso ni Nathan.

Naglakad na lang ulit ako papunta sa direksyon nila.Hindi pa rin nila inaalis ang tingin sa amin.

"Bakit kayo magkasama sa kwarto?"tanong ni keana.

"Nagising nalang akong ka tabi sya."sagot sa tanong nya at kinuha ko ang ice pack at inilagay sa pisngi nya.Hindi ito uminom.

"Anong nangyari sa mata ni Jake?"tanong ko kay keana na busy sa paggamot kay Jake.

"Nasuntok ko daw sya ka gabi kaya ayan may black eye."

"Parang chill na chill ka lang ha.Habang ako ito may pasa sa mukha.At bakit ang saya mo pa ata?"

"Masaya ako dahil mas pumanget ka pa lalo.Hahahahahha!"malakas na tawa nya.

"Oo nga halatang masaya kang na basag ang mukha ko."

"Basag naman talaga ang mukha mo ha."sabay tawa ulit.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon