Chapter 38

10.2K 241 13
                                    

CHAPTER 38

KEANA'S POV

"Cheers!"sigaw ko sabay taas ng baso.Nakipagcheers naman ang dalawa sa akin.

"Hi there,pretty ladies"may nagsalita bigla kaya tingnan namin ito.May tatlong poging lalaking nakangiti sa amin.Nginitian ko naman sila.

"AhM hi.Do you need something?"nakangiti kong tanong sa kanila.Sinuklian nya naman ako ng ngiti.

"Pwede ba kaming maki-upo?"tanong naman ng isa sa kanila.Tinignan ko ang mga kasama ko.Nag-aalang na sumagot kaya ako na lang.

"By the way.I am Angelo,Michael and Nick."pagkilala nya sa kaibigan nya.Nakipagkamayan naman kami sa kanila.

"Hi my name is Keana and this is Sapphire and Thea."pagpapakilala n
ko naman sa sarili namin.

"You dont need to introduce Princess.We all know you."nakangiting sabi nya.

Katabi ko nga pala si Angelo.Habang si Sapphire katabi si Michael at si Thea naman katabi si Nick.

"Bakit wala kayong kasama dito mga Prinsesa?"tanong ni Nick.

"Wag nyo na kaming tawagin na prinsesa.Just call us in our name."

"Ok. Pero bakit wala kayong kasama? Delikado pa naman ang mga katulad buong magagandang babae dito sa bar."

"Well pinaalis lang naman namin sila"

"Pero bakit nyo kami hindi pinaalis.So,can we consider our as a lucky guy?"tanong naman ni Michael.

"Mukhang ganon na nga."natatawa kong saad na ikinatawa rin nila.

"Cheers!"sabi naman ni Angelo kaya ginawa namin. Nag-usap kami mukha namang mababait sila at kung ano-ano na lang ang topic namin.Hanggang sa naubos na ang iniinom namin.

"Wait us here.Kukuha lang kami ng inumin namin."pagpapasyang nila. tinangkang ko naman sila at umalis na. Lumapit sa akin si Thea pati na rin si Sapphire.


''Akala ko ba na girls bonding to bakit may kasama ng lalaki?"pagtatanong ni Thea.

"Dahil kasama lang naman yun sa bonding natin.Tsaka minsan lang naman.''

"Eh bakit hindi na lang sila Jake?"

"Naku Thea.Hindi ka ba nagsasawa sa mga pagmumukha nila.Palagi na lang natin silang nakakasama.Siguro time naman para makasama ang ibang tao. New friends kong baga."sabi ko.Hindi na sya nakasagot dahil dumating na sila Angelo. Ibinigay na nila ang mga drink namin at sabay na ininom.

Nagtawanan kami ng maya-maya nakakaramdam ng pagkahilo.Hinimas ko ang ulo ko ng magtanong sila na sayaw kami.Hindi ko alam na parang may sariling pag-iisip ang katawan ko at sumama na lang bigla.

Maya-maya sumasayaw na kami sa gitna ng bar.Para akong wild kung sumayaw.Dahil ba to sa lasing na ako pero konti pa lang ang na inom namin.

Nararamdaman ko na lang ang kamay na humahawak sa akin at kung saan-saan na lumilikot.Tinignan ko kung sino ito pero malabo ang paningin ko at sumasabay pa ang disco light.


NATHAN'S POV

Nandito kami sa second floor puwesto dahil nga sa pinaalis kami ni Keana kanina.

Nang makaupo na kami bigla na lang nagsalita si Jake.

"Ay mga pre.May good news nga pala ako sa inyo?"nakangiting sabi nya.

"Ano?"tanong ni Drake habang nakatingin kami ng seryoso sa kanya.

"Ano si Keana kasi--"pangbibitin nya.

"Just straight to the point Jake."sabi ko naman sa kanya.Habang umiinom ng alak.

"Pinayagan na ako ni Keana na ligawan sya!"masayang sabi nya ng may malawak na ngiti sa mukha.

"Talaga bang pinayagan ka ni Keana na manligaw sa kanya?"tanong ko sa kanya.Na nagpatigil sa kanya.

"Oo nga.Kakasabi ko lang.Bingi ka  ba? "

"Bakit sya pumayag?"tanong naman ni Drake.

"Alam nyo bilang kaibigan nyo ako. Kesa na matuwa kayo na pinayagan ako na naligaw sa kanya kwenikwestyon nyo pa ang sinasabi ko.Ano ba ang problema nyo? "inis nyang tanong namin.Napangisi na lang ako dahil sa na aasar na sya.

"Eh sa bakit ka ba nya kasi pinayagan?"pangungulit na tanong namin.

"Alam nyo nakaka-inis na kayo.Bakit ba kasi ganyan ang tanong.Pero sa sagutin ko kayo.Kasi nga GWAPO AKO."pagdiriin nya.

"Napakahangin mo talaga."sabi ni Drake.

"At least totoong gwapo ako.Eh kayo?"
pagtatanong nya.

"Kailangan pa bang tanongin yan?"sabi ko at sumandal sa upuan.

"Oh ngayon sino ang mas mahangin satin?"tanong nya naman.

"Walang iba kundi ikaw."sabi ni Drake.

"Yahhhhh!"sigaw nya sa inis sabay gulo sa buhok.

"Hi Jake."malanding sabi ni Ann na kararating palang at umupo sa tabi nito at ngumiti ng mapang-akit. As if naman na magpapalandi si Jake sa kanya.

Naramdaman ko rin na may tumabi sakin at walang iba kundi si Jasmine.Tinignan ko sya ng malamig.

Napansin ko rin si Audrey na ngayon ay katabi na rin si Drake at parang linta na ayaw bumitaw.

"What do you want?"malamig kong tanong sa kanya.Hinawakan nya ang braso ko pero tinanggal ko agad.

"I want you,Nathan."bulong nya sa akin.

"Pwede bang bitawan mo ko!"rinig kong sigaw ni Jake.Pero hindi ko sila pinansin.

Bigla na lang syang umupo sa kandungan ko at ngumiti na mapang-akit at pinaglakbay ang kamay nya mula sa leeg at dibdib ko.

"Get off me"mahinang sabi ko pero hindi pa rin na tinag kaya ang ginawa ko tumayo ako na syang pagkahulog nya.Narinig ko naman ang pagdating nya sa sakit.At na pansin rin kami ng kaibigan ko at kaibigan nya.

Tinulungan nila itong tumayo at tinanong kung ok lang ba ito.Tinignan ako ng masama ni Jasmine sa ginawa ko pero sinukuan ko lang ito ng malamig na tingin.

''Ano bang problema mo?!"pasigan na tanong ni Jasmine.

''I told you already but you didnt obey me.So ako na ang gumawa ng paraan para sumunod ka sa gusto ko."malamig na sabi ko sa kanila.

"Go find your own table."sabi naman ni Jake.Naglakad na sila pa alis pero na patigil ito sa paglalakad.Na kita ko ang pagngiti ng tatlo.Humarap sila ng may ngiti pa rin sa mukha.

"Hindi nyo ba alam ang ginagawa ng mga kasama nyo palagi ngayon?"tanong ni Audrey na nagpakunot ng noo namin.

"What do you MEAN?"tanong ni Drake.Tinuro naman nila sa baba kaya tumayo kaming tatlo at nakatingin sa baba.

Napamura kami sa nakita namin at para ng nag-aapoy na sa galit.


¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

VOTE and FOLLOW

😘Ms_JRose

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon