Chapter 33

11.2K 245 40
                                    

CHAPTER 33

KEANA'S POV

"Mahal kita" katagang binitawan nya na ngayon kami na ay nakatingin sa kanya.

"Hahahahahhahahaa" malakas na tawa ko sa sinabi nya.Napatawa nya ako doon ha.Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Ano daw mahal nya ako?
Pinagluluko nya ba ako.Kung ano-ano nalang lumalabas sa bibig ng lalaking to.Pati si Thea na patingin na lang din sa kanya.

Akala nya naman totoo ang pinagsasabi ng lalaking to.Sinaway naman ako ng librarian kaya humingi ako ng sorry sa kanya at sa mga estudyante dito.

"Jake sinungaling ka talaga kahit kailan.Oh saan don ang totoo sa sinabi mo?" tanong ko naman habang pinipigilan ko pa rin ang sarili kong tumawa.

"Do you think I'm joking?" tanong nya naman sa akin.

"Oh your englishing.Yes and you make me laugh because of that." Engling ko rin sa kanya.Akala nya ha.Magaling din tong magenglish.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo" seryoso nyang sabi.Kaya tinignan ko rin sya ng seryoso ang mukha.

"Tanggapin mo na lang kasi na wala kang maisip na totoo dahil wala nga naman" sabi ko naman sa kanya sabay takip ko sa braso nya.

Kinuha ko na lang ang libro na ngayon ay hawak ni Thea.Mukhang tapos naman sya kaya kinuha ko na.

Kinuha ko na ang notebook ko.Nahanap ko naman agad ang hinahanap ko kasi nga kagagamit palang ni Thea.

Napatingin naman ulit ako kay Jake na ngayon ay tahimik pa rin na nakatingin sa akin.

Bigla na lang syang tumayo pero iniwan ang gamit nya.Siguro hahanap sya ng libro.

Nagpatuloy na lang ako sa pagsulat at pagsagot ng homework ko.Napatingala naman ako dahil sa na rinig kong ingay sa harap ko.Si Jake lang pala hindi nya ako pinansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko.

Ah naalala ko pala si Thea kaya tinignan ko ito.Nakatulala sya na para bang may malalalim na iniisip.

Itinaas ko ang kamay ko at sinundot ko ito sa pisngi nyang namumula.Napasigaw naman sya sa ginawa ko.And for the third na pagalitan na naman kami ng Librarian.

"Shh baka palabasin na tayo ng librarian dahil sa kakasigaw natin" saway ko naman sa kanya.

"Ikaw naman kasi eh" sisi nya sa akin.

"Ano naman ang ginawa ko aber?" tanong ko sakanya ng nakataas ang kilay.

"

Para sabihin ko lang po sayo ginulat nyo po ako.GINULAT"

"Kailangan talagang pagdiinan ang ginulat."sabi ko sakanya.

"Nagtatanong ka di ba" sagot nya naman.

"Malay ko bang magugulat ka sa simpleng sundot sa pisngi" pagdadahilan ko naman.

"Tss.Ano bang kailangan mo?" tanong nya sa akin.

"Bakit pagginaganon may kailangan na agad?"pagtataray ko sa kanya.Tinignan nya naman ako ng mariin kaya sinagot ko ito sa nagtatanong na tingin.

"Ano nga?"pangungulit nya.

"Parang ako dapat ang mag tanong ngan" pagbabalik ko sa sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka nyang tanong sa akin.

"Ano ba yang iniisip mo at napakalalim.Hindi ko kasi kayang humakayin sa sobrang lalim na iniisip mo" sagot ko sa kanya.Para namang na bigla sya sinabi ko at madaling umiling.

"Sabihin mo nga ang totoo.Tungkol na naman don sa kanya?" Pagtatanong ko pagbabakasakaling sagotin nya.Nanlaki naman ang mata nya at napailing ulit.Hays nagpapahalataan tong babaeng to sa kinikilos nya eh.

"Ano nga?!" inis na tanong ko sa kanya.

"Ah.....e.."

"Kukumplituhin mo ba ang vowel letter ha?" tanong ko.

"Ha? Ano......ahm"

"Bakit ba hindi ka makapagsalita ng diretso?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang pisngi nya kasi kanina pa sya iwas ng iwas ng tingin.

"Pwede bang wag natin dito pag-usapan"bulong nya.Mukhang may nangyari nga sa kanilang dalawa na hindi maganda.

" OK din nalang tayo sa kwarto ko"pagsasangayon ko sa kanya.Tumayo na kami pero na pansin ko na wala na dito si Jake pati gamit nya.

"Saan kaya yun pumunta at hindi nagpapaalam man lang"bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko na lang pinakialaman at naglakad na lang kami palabas ng makita namin si Nathan malapit sa sulok.

Pupuntahan ko na sana sya ng bigla na lang may humigit sa akin palabas sa Library.

" Bakit ba bigla ka na lang nanghihigit?"

"B-basta"malala na tong babaeng to.Big deal ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa at umiiwas ng umiiwas at kailangan pa talagang wag don.

"Sapphire!" sigaw ko ng makita ko syang naglalakad.Lumapit agad ako sa kanya.Wala syang kasama.Asan kaya si Drake saan din ba yon nagsusuot?

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Library" Simpleng sagot nya.Ang tipid nya talagang magsalita pero at least hindi nya kami iniisnab.

Wala pa rin namang nagbago sa kanya simula ng mapunta sya dito pero ang masasabi ko lang na malapit na sya sa amin parang matagal ko na syang kilala.

Parang matagal na kaming magkasama.Yan yung nararamdaman ko sa kanya.

Pumasok na kami at dumiretso agad sa kwarto ko para sa pag-uusapan namin.

"OK na po ba madam.Pwede na po ba ninyo sabihin kong bakit ka nagkakaganyan at kung anong nangyari sa inyo?" tanong ko naman na may halong pag kainis.

Nagsimula na syang magkwento nakinig lang ako ng nakinig hanggang sa......

"ANO HINALIKAN?!" sigaw ko sa kanya.Napatayo naman ako sa pagkaka-upo ko sa kama dahil sa narinig ko.Totoo bang hinalikan sya ni Nathan?

"Wehhh.Baka imahinasyon mo lang dahil sa sobrang mong pagkagusto sa kanya"

"Magkakaganito ba ako kong hindi?" Sabi nya habang nakaturo sa mukha nyang namumula.Sabagay may pinto sya.

Pero totoo po ba yon readers na hinalikan sya?

Ay ano ba to nagtatanong ako sa mga readers wala na mang sasagot sa akin.

Nag-usap kami ng nag-usap hanggang sa natapos at nagutom ako.Lumabas mo na ako sa kwarto ko.Nakita ko naman si Sapphire sa sala na kaupod habang nakatingin sa palad nya.

Wala akong makitang gusto ko sa ref kaya pupunta na lang ako sa canteen para bumili.

"Sapphire may gusto ka bang ipabili?" tanong ko sa kanya baka kasi nagugutom sya Malay mo.

"No im not hungry.Thank u na lang" sabi nya.Tumango na lang ako at naglakad palabas.

May nakikita akong mga estudyante na naglalakad mayroon ring nagtatakbuhan.

Binilisan ko na lang maglakad para makabalik agad ako.

Pagpasok ko sa canteen didiretso na sana ako ng may nakita ako.

"What the hell?" Bulong ko sa sarili ko sa nakita.

÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷

VOTE and FOLLOW
😘Ms_JRose

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon