Chapter 42

10.6K 229 2
                                    



CHAPTER 42

KEANA'S POV

Hindi pa rin namin sila nakikita ng simula ng tawagin ang mga pangalan nila Jake.

"Sapphire don ka nalang sa practice room namin total malaki naman yun.Kung ok lang sayo?"pag-aalok ko sa kanya.

"Its ok with me,thank you. "sabi nya at nakangiti nalang akong tumango.

Kaya inalok ko sya sa practice room namin dahil sa susunod na linggo na magsisimula ang labanan para sa mga magriripresenta para lumaban sa ibang school.

At ang magriripresenta sa school namin ay ang nasa rank/top 7 sa buong school at kami yun.Pero hindi ibig sabihin non na kami agad ang lalaban sa ibang paaralan dahil mabibigyan ng pagkakataon ang ibang estudyante na patunayan ang sarili nila sa mga natutunan nila dito sa school.Ibig sabihin pagmatalo nila kami sila ang magriripresenta ng school.

Pero bago yun dadaan muna silang lahat sa pagsubok at kailangan nilang malampasan yun dahil ang makakalampas sa pagsubok na iyon ay sya lang ang may karapatang maghamon sa rank/top 7 para agawin ang trono.

Kaya walang pasok sa linggong ito at sa susunod dahil sa magaganap na kompetisyon sa mga estudyante.At dahil binibigyan rin ng oras ang mga estudyante para mag-ensayo at magpalakas sa magaganap na kompetisyon.

"San ba talaga tayo pupunta?"rinig kong tanong ni Sapphire.

"Lalabas tayo ng school my pupuntahan kasi kami ni Keana.At na isip namin na isama ka na lang."sagot naman ni Thea.

Nakalabas na kami ng school kasabay ang maraming estudyante.Kaya mas mahigpit ngayon ang pagbabantay dito dahil sa paglalabas pasok ng mga estudyante.Yung iba umuuwi para mag-ensayo kasama ang pamilya nila.

"I miss Khrea."nakanguso kong sabi habang naglalakad kami.

"Who's Krea?"Sapphire asked.

"Krea is my beautiful fairy living in the tree house that we made. They are living in the Përralla Land."I smile.
Nakatayo na kami ngayon sa malaking puno.Umikot kami dito at tinggal ang mga bagging na nakapalibot dito at ng matapos ito ginawa ko na ang kailangan kong gawin.

"Parī āmi darajā keana darajā khuluna."sabi ko sabay ng pagdikit at pagpikit ng mata ko habang sinasabi iyon.

Naramdaman kong para kaming hinuhugot.Hindi ko mabuksan ang mata ko dahil sa sobrang liwanag na sumalobang sa mga mata ko.Ng makapag-adjust na ako don ko lang na buksan ang mata ko.

"Wala pa ring pinagbago ang lugar nato."sabi ni Thea.

Oo nga wala paring pinagbago ang lugar nato ang makukulay na magandang tanawin na makikita mo lang dito.

"Tara na nga.Sigurado akong namimiss na tayo non."sabi ko sabay kaladkad sa kanila papunta sa rainbow dahil don ang daan papunta sa mga fairy namin.

Na bigla na lang ako ng may dumamba sa akin ng pagkasanhi ng pagbagsak at pagkabitaw ng mga kamay nila Thea at Sapphire.

"Prinsesa Keana miss na miss na kita huhuhuhu."iyak ni Krea.Nasa mukha ko ito habang ang dalawang kamay nya ay nasa dalawa kong pisngi.Napangiti na lang ako at niyakap ko sya ng dahan-dahan baka masaktan ko sya dahil sa liit nya.

"Namiss rin kita Krea."

SAPPHIRE'S POV

Nakatingin lang ako sa kanila habang yakap-yakap nila ang mga fairy nila.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon