Chapter 1

9K 140 21
                                    


Kasabay ng kulog at kidlat ang malakas na pag buhos ng ulan, samahan pa nang ingay ng mga estudyanteng papalabas ng kanilang mga silid na akala mo'y mga batang nakikipag unahan makauwi lang. Kung sabagay alas nwebe na nang gabi at marahil karamihan sakanila malayo pa ang uuwian.

Para makaiwas sa siksikan umakyat na muna ako ng hagdan para mag banyo, nasa ikatlong palapag kasi ng gusali ang palikuran ng mga babae.

Ramdam ko ang ginaw na bumabalot saaking katawan ng mga oras na ito. Pagpasok ko pa lang ng pinto ay ang agad na pagpatay ng ilaw, di ko pa man napipindot ang switch ay kusa itong bumalik na para bang ilang minuto na lang ang itatagal nito ay mapupundi na.

Dali dali akong pumasok ng cubicle dahil di ko na kayang pigilan pa, parang sasabog na ang pantog ko. Ramdam ko ang pag ginhawa ng katawan ko pag labas ng ihi na matagal kong inipon sa klase. Habang nagpupunas ako ng tissue may narinig akong parang kaluskos sa dulong bahagi ng cr.

Lumabas ako ng cubicle at naghugas ng kamay, ipinag kibit balikat ko na lang yung narinig ko kasi di naman ako sigurado at baka wala lang naman yun. Papalabas pa lang ako nang marinig ko ang pag kalabog ng pinto. Nilingon ko iyon, pinuntahan ko ang dulong cubicle. Nang makarating ako unti unti ko itong binuksan.

Pagbukas ko ng pinto ay wala namang tao, tanging mga kagamitan lang sa panlinis ng janitress ang makikita mo roon. Bigla akong kinabahan sa naalala kong tsismis ng mga estudyante na huwag ka raw pupunta ng cr nang mag-isa lalo na kung gabi. Bukod sa matagal at luma na ang eskwelahan na to marami na rin ang nakapagsasabi na marami ng pinatay dito panahon pa ng mga magulang nila. Sa katunayan transferee lang ako dito kaya di ko alam kung ano pang misteryo at kababalaghan ang meron sa eskwelahan na to.

Patakbo akong bumaba ng hagdan, hindi lingid saking kaalaman wala na palang mga estudyante sa hallway at maging ang ilaw doon ay sarado na. Walang tigil ang paa ko sa pagtakbo hanggang sa makalabas ng gusali, tinignan ko pa iyon habang naglalakad palayo ng may mabanggaan ako.

"Ay sorry! Di ko po sinasadya" sabay tungo ng aking ulo hudyat ng pag hingi ko nang paumanhin sa nakabangga. Iniangat ko ang aking ulo para makita kung sino ito

"Mang dante kayo ho pala, pasensya na nagmamadali lang po kasi ako" agad namang ikinatuwa ko dahil tao ang nakabangga at hindi multo.

Si Mang Dante ang isa sa mga caretaker dito na nakilala ko buwan na ang nakalipas. Nagtitinda kasi sya ng mga pang meryenda dito sa loob ng eskwelahan. Sa sobrang masayahin ng matanda ay marami syang na eengganyong mga kabataan para pumakyaw ng paninda nya.

Meron syang nag-iisang anak na kung tawagin nya ay angge. Di ko pa sya nakikita, siguro dahil sa pagiging student assistant nya ay busy lagi sa loob ng opisina.

"Oh iha anong oras na, halos wala ng mga estudyante delikado na sa daan" ani nito habang kasabay kong maglakad.

"Oo nga ho e, malapit lang naman ho yung tinutuluyan kong apartment dito walking distance lang kaya wala pang 20 minutes e nakauwi na ako" pag kausap ko talaga sya para bang amang ama ang datingan nya, ang gaan sa loob parang pwede mong sabihin lahat ng problema mo. Nawala rin yung takot na naramdaman ko kanina lang.

Sinabayan nya ko sa paglalakad at eto kinukwentuhan nya nanaman ako ng buhay buhay nila ni angge na sila na lang daw ang magkasama kaya mahal na mahal nya ang anak nito. Kitang kita ko naman yun sa pagsusumikap nya bilang isang ama, amang handang ibigay sa anak ang lahat.

Lagim ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon