Chapter 7

2K 31 0
                                    

Day 21

Pinakahihintay na araw ko

Dala-dala ko ang kahong naglalaman ng mga alaala naming magkakaibigan na dinesenyohan namin ni Krisel

Ang saya lang tignan ng mga litratong naka dikit dito na parang kahapon lamang nangyari

Yan kasi yung gusto kong surpresa kay Jam, ang di nya sana makalimutan ang araw na to dahil puno ito ng alaala naming tatlo

Di ko inaasahan sa araw din pala na to, ako ang hindi makakalimot

Nag hahanda kami ni Krisel ng mga oras na yon, dun sa parke namin naisipan ipagdiwang ang kaarawan ni Jam

Dala nya ang cake na pinasadya pa nya sa isang mamahaling bakeshop na halatang pinaghirapan ito base sa disenyo nitong kuhang kuha at ako naman sa regalo at pansit na ipinaluto ko pa kay tatay

Habang nag aayos kami biglang nag text si Jam na medyo mala-late sya ng dating

Sinamantala ko ang natitirang oras para bumili ng softdrinks at posporo sa kalapit na tindahan. Nang may napansin akong mamang nagtitinda ng lobo sa di kalayuan, agad ko itong pinuntahan para ipangdagdag sa ginagawa naming surpresa

Pasigaw na tinawag ni Krisel ang pangalan ko. Agad akong nagmadali pabalik dahil malapit na daw si Jam

Dali dali kong inayos ang mga paper plates, baso, at lobo na binili ko. Nang matapos ay iniabot ko kay Krisel ang isang party hat

Nagtatawanan pa kami sa mga itsura naming parang bata na may suot pang ganito

Sinisindihan ko ang kandila ng cake ng saktong dumating si Jam

"Uhheemm! I'd like you to meet my boyfriend" bungad nito na halatang inartehan pa ang pagsalita

Nilingon ko sila para batiin sana si Jamila nang manlaki ang mga mata ko ng makaharap sila

"Daniel?" Mariing sambit ko

Di ako makapaniwala sa nakikita ko ng mga sandaling to. Naninikip ang dibdib ko sa pangyayari na kahit mismo si Daniel halatang hindi niya rin to inasahan

Malaya ang hanging dumadampi sa balat ko pero bakit parang kinakapos ako ng hininga

Tulalang nakatingin si Daniel kay Angeline dahilan para mapansin ito ni Jamila na kanina pang nakayakap sa mga bisig ng binata na kala mo'y kasintahan talaga

"Anong sabi mo? Kilala mo ba sya? Magkakilala kayo?" Palipat lipat na tanong ni Jamila sa dalawang ito

"Huh? Ahh hindi. San kako? San ninyo gustong umupo?" Tanging salitang lumabas sa bibig ko

"Buti naman kung ganon. Siya nga pala yung kinukwento ko sainyo noon" ani Jamila na nakatingin pa sa nobyo na parang batang nag papacute pa dito

"Siya pala yun, kala ko nga wala na kasi hindi mo na naikukwento saamin" ani Krisel na siyang kanina pang kumakausap sa dalawa

Bagamat nakatingin man si Angeline sa mga kaibigan malayo parin ang isip nito. Halo halong emosyon kasi ang nararamdaman niya

Di masukat ang sakit na dinadamdam nya ngayon. Gustuhin man nyang tumakbo papalayo hindi niya ito magawa, mistulang naging estatwa sya sa kanyang kinauupuan

Pasimple nyang pinupunasan ang mga luhang namumuo sa mga mata nya. Maraming tanong ang dalaga sa kanyang isipan na nais nyang masagutan

Bakit moko niloko Daniel, nagtiwala ako sayo, nangako kang ako lang bakit sa kaibigan ko pa

Lagim ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon