Chapter 9

1.9K 28 0
                                    

Binabad ni Liza ang atensyon sakanyang laptop, nanuod na lamang sya ng mga movie'ng naka save dito para aliwin ang sarili. Naka dalawang palabas din siya nang mapansin niya ang orasan sa tabi ng kanyang higaan. Mag aalas dos na pala ng madaling araw tila hindi parin siya dinadalaw ng antok

Kalabog sa kabilang kwarto ang umagaw ng kanyang pansin, nagmumula ito sa silid ng kaibigan. Hindi man siya sigurado sa narinig kasama na rito ang hiling na sana gising pa si Mylene. Dali dali nitong tinungo ang pader na pumapagitan sa kanilang silid at saka ito kinatok ng marahan pero sapat na para marinig ng kung sino mang tao sa kabilang kwarto. Ngunit walang tumugon sakanya, kaya muli siyang kumatok pa

"Tulog na nga siguro" usal niya sakanyang sarili

Nakahiga na siya sakanyang kama ng biglang gumanti ng kantok ang nasa kabilang silid. Napabalikwas ng bangon ang dalaga at agad na pinuntahan ang pader at muli niya itong kinatok para kumpirmahing gising pa nga ang kaibigan, hindi nga siya nagkamali at kumatok din ito ng mas malakas pa. Napangiti si Liza sa turan ng kaibigan sapagkat alam niyang may taong gising pa din kagaya niya. Kinuha niya ang cellphone nito para itext si Mylene

MESSAGE SENT TO

📨 MYLENE: TS mamaya kana matulog, foodtrip tayo sa labas

Patukoy nito sa kalapit na convenient store. Malamig ang hangin ng mga oras na yon dahilan para magsuot siya ng pamatong na jacket

Nasa labas na siya ng pinto ng kwarto ni Mylene upang dito na hintayin ang kaibigan, kumatok si Liza para malaman nito na andito na siya sa labas. Dalawang minuto na siyang nag aantay ngunit walang Mylene ang lumabas, kakatukin niya sana itong muli ng biglang tumunog ang cellphone'ng hawak hawak niya

MESSAGE RECEIVED

📩 MYLENE: Sorry late reply, di kita masasamahan, dito ako sa bahay nila Louie, birthday kasi ni Ted dito kami nag iinuman. Wanna join?

Nanigas ang katawan ni Liza nang mabasa ang mensahe ng kaibigan. Marami ang naglalaro sakanyang isipan, mga tanong kung sino ang nasa loob ng kwartong nasa tapat niya o kung nag bibiro lang ba ito sakanya

"Hindi ka nakakatawa TS! Lumabas ka na dyan pwede?" si Liza, na tila nilalakasan ang loob nito

Dahan-dahang bumukas ang pinto ng kaibigan at tanging tunog lamang nito ang maririnig mo dito sa madilim na hallway

"Bakit ba kasi napaka hina ng ilaw dito" bulong nito sa sarili

"Mylene?" Mahinang sambit ng nag aantay na si Liza

Kumakalampag ang mga dahon at sanga ng puno sa bintana na nasa dulong bahagi ng hallway, malakas ang ihip ng hangin ng gabing iyon na siyang nagpapadagdag pa sa kilabot na nararamdaman ni Liza. Naisin man niyang mag tapang tapangan tila bakas parin sakanyang mukha ang takot na nararamdaman

Sa kabila ng pangamba buong tapang niya parin hinawakan ang doorknob nito at saka unti-unting binuksan. Muli niyang inihakbang ang kanyang mga paa papasok ng silid na para bang may tumutulak sakanyang gawin ito

Agad niyang tinungo ang banyo sa kaliwang bahagi ng naturang silid upang malamang hindi nga siya pinagtataguan ng kaibigan. Ngunit wala ito roon, para siyang napaglalaruan ng kung sino man sapagkat ramdam niyang hindi siya nag iisa sa kwartong iyon. Hindi man niya nakikita alam niyang may matang nakatitig sakanya

May kung anong bumagsak sa loob ng aparador ni Mylene, dahilan para panindigan ng balahibo si Liza sa pagkagulat, hinihimas niya ang kanyang dibdib para kumalma sa napakalakas na tibok nito

"Diyos ko, ilayo po ninyo ako sa kapahamakan"

Wala mang pahintulot, di siya nag atubiling buksan ito para alamin kung ano pa ang dapat niyang malaman. Nakukutuban kasi nito na may ibig itong iparating sakanya

Lagim ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon