Chapter 10

1.9K 27 2
                                    

Busy sa pagrereport ang isang grupo ng estudyante sa unahan, kaya malaya siyang nakatingin sa labas ng bintana. Habang nakaupo, hawak hawak niya ang susing binigay sakanya ni Aling Selda kanina. Tila ba'y nagpaplano sa susunod niyang hakbang

Alam nito na mapanganib ang kanyang gagawin dahil nakukutuban din niyang hindi lang basta basta naglayas si Mitch kundi may kinalaman din yon sa mga nangyayari sakanya

"Miss Cortis!" si Sir Chavez

Nagulat si Liza sa pasigaw na pagtawag sakanyang pangalan ng gurong si Sir Chavez. Kanina pa pala siya nito tinatawag, di niya rin kasi napansin na tapos na pala sa pagrereport ang mga kaklase niya. Hiyang hiya man ang dalaga tumayo pa rin ito sa kinauupuan

"Yes sir?" ani Liza habang kagat labing naghihintay sa sasabihin ng kanyang propesor

"See me at my consultation room!" Sabi nito, atsaka nagligpit ng kanyang mga gamit kabilang na ang laptop at projector na ginamit

Tumango na lamang ang dalaga sa kahihiyang dulot sakanya. Ngayon lang kasi ito nag taas ng boses ng ganun at sakanya pa talaga. Alam niya kasing mabait itong tao at madali ding lapitan kung nahihirapan ka

Natapos din ang mga sumunod pang subject ni Liza sa araw na to, gustuhin man niyang umuwi dahil pagod na siya at gusto na niyang magpahinga ngunit kailangan pa niyang kitain ang kanyang propesor

"Mang Dante meron pa ba kayong pang meryenda dyan? Gutom na gutom na ko" ani Liza na naghahanap ng makakain sa mga paninda ng matanda

"Ikaw pala Liza, eto oh sayo na lang tong itinabi ko, para sana to kay angge" atsaka inabot nito ang bananacue

"Wag na po, para po yan sakanya. Mag bibiscuit na lang po ako" pagtanggi ko sa alok niya

"Hindi rin naman niya ito kakainin kaya kunin mo na" pagpupumilit ng matanda

"Bakit naman po e mukha namang masarap"

"Galit sakin ang anak ko. Sayang naman nito kung hindi mo kukunin" malungkot ang mukha nito

"Alam mo manong akin na nga lang yan" sabay kuha nito atsaka kinagat

"Ang sarap ahh. Parang ngayon lang ho ako nakatikim ng gantong kasarap na bananacue" si Liza na tila iniiba pa ang usapan para mawala ang lungkot sa mukha ng matandang kaharap

"Ikaw talagang bata ka bolera haha. Naalala ko tuloy ang anak ko, ganyang ganyan din yun kakulit noon"

Bahagyang napatikom ng bibig ang dalaga, imbes kasi na ilayo ang utak nito sa problema mas lalo pa ata nitong napaisip

"Sana mapatawad niya ako" si Mang Dante

Kita ko sakanyang mukha ang pagkamiss sa anak niya habang nagliligpit ng mga paninda at isa-isa nitong pinasok sa kahon

"Oo naman manong no? Kung kayong mga magulang di nyo matitiis ang anak nyo ganun din naman po kaming mga anak hinding hindi kayo matitiis" habang nakangiting anya nito

"At kung ano man po yang kinatatampo sainyo ni Angge, lilipas din yan for sure. Baka kasi masyado siyang maraming ginagawa ngayon. Smile na po kayo dyan" dugtong ko habang nakangiti at hinihintay na gayahin din ni manong

"Salamat hija at napagaan mo ang loob ko" nakangiti ng sabi nito

"Ayan, ganyan dapat. Para ho kayong bumata ng sampong taon" biro ko at sabay kaming naghalakhakan

------

Sinipat niya ang kanyang relo habang nakaupo sa labas ng consultation office, isang oras pa ang kanyang aantayin bago dumating ang kanyang hinihintay na guro

Lagim ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon