Chapter 8

2.1K 28 0
                                    

6:15am sa orasan na nakapatong sa sidetable ko. Maaga man to para sa 10am class ko, minabuti ko paring bumangon na

Maganda ang sikat ng araw ngayon na tamang tama naman sa pwesto ng kwarto na siyang nagbibigay aliwalas sa naturang silid

May ngiti sa labi ni Liza'ng nakadungaw sa labas ng bintana habang hawak hawak nito ang isang tasang kape. Pinagmamasdan niya ang mga taong may kanya kanyang ginagawa

Naisip niya na puntahan na lang si Mylene sa kabilang silid

Pakatok pa lang ang dalaga nang bumulaga sa harap niya ang kaibigan na siyang ikinagulat nito

"Ano ba namang reaksyon yan daig mo pa ang nakakita ng multo" ani Liza na natatawa pa

"San ka galing?" Tipid na tanong ni Mylene pero bakas sa mukha nito ang pagtataka

"Edi sa kwarto. San pa ba?" Sagot niya na parang nawiwirduhan sa tanong ng kaibigan

"Anong kwarto ang sinasabi mo? Alam mo bang galit na galit sayo ang mga ka grupo mo? At pinakakamusta ka sakin ni sir Chavez dahil dun sa pag sigaw mo sa klase niya"

"Wag na kamo siyang mag alala, alam ko namang di nila ako paniniwalaan" malungkot na pahayag ni Liza

"TS nag aalala ako sayo ayos ka lang ba talaga? Kailangan mong kausapin ang mga ka grupo mo dahil sa hindi mo pag send nung tungkol sa research niyo"

"Ay! Oo nga pala. Salamat at sinabi mo, dapat kagabi ko pa yun isesend nakalimutan ko lang. Sa biyernes pa naman niya kailangan yun eh"

"Biyernes? Hello! Sabado na po ngayon, kaya sila galit sayo kasi hindi sila nakapag present. Dalawang araw na rin kitang hinahanap tapos ngayon bigla kang susulpot na parang wala lang. Ano ba talagang nangyayari sayo baka may maitutulong ako"

Hindi makapaniwala si Liza sa natuklasan sa kaibigan, alam niyang hindi ito nagbibiro base na rin sa mukha nitong napaka seryoso. Ganun pa man dali dali siyang naglakad pabalik sa kwarto niya upang kumpirmahing hindi nga siya niloloko ng kaibigan. Agad niyang chineck ang phone niya, laking gulat niya ng makitang sabado nga ngayon at napakarami ng messages at missed calls galing sa mga kakilala. Laking pagtataka niya papaanong nangyari yun na hindi man lang niya namalayan na dalawang araw na siyang nasa loob lamang ng silid at hindi nakakakain

----

"Kahit ako nagtataka e, papaanong nangyari yun. Pakiramdam ko may kinalaman talaga yung librong nakuha ko e. Diba? Naniniwala kaba sakin Ian?" tanong ni Liza

"Oo naman naniniwala ako sayo. Kaya dapat maibalik na natin yan sa kung sino man ang may-ari nyan ng sa ganon matahimik na siya" ani Ian, bagamat naguguluhan pilit parin inuunawaan ang kasintahan

"Salamat at naniniwala ka sakin"

"Mahal kita Liza, kaya't kahit anong sabihin mo paniniwalaan ko. Hintayin moko sabay nating haharapin ang problema mo" naturang pahayag ng binata na siya namang ikinapanatag ng loob ni Liza

---

Tila palaisipan parin sakanya ang nangyari kaya napagpasyahan niyang tumungo sa hideout nila ni Mylene kung saan malayo sa mga mapanghusgang tao

Day 22

Dalawang araw na kong di pumapasok, umaasa na sana bukas ay may lakas nakong muli para harapin ang katotohanang sana'y panaginip lang

Kinuha ni Angeline ang kahon sa ilalim ng kama niya, naglalaman ito ng mga alaala nilang magkakaibigan. Narito ang iilang mga litratong kuha nila t'wing magkakasama silang tatlo at iba't ibang souvenir gaya ng manikang nakuha nila ng minsang maglaro sila sa perya

Lagim ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon