Chapter 11

1.9K 25 10
                                    

Maagang pumasok si Liza para makaiwas sa mga estudyanteng makakasabay niya sa daan, kumalat na kasi sakanilang kampus ang balitang nababaliw siya at alam niyang pakana ito ng grupo nila Casey at Nikka. Masama ang loob ng dalaga sa mga taong hindi pa man siya kilala e hinuhusgahan na agad siya, kaya wala na siyang magagawa kung yun nga ang paniniwala nila tutal wala rin naman siyang panahon para ipaliwanag sakanila isa-isa. Hinayaan na lamang niya ito habang iniisip kung ano ang susunod niyang hakbang para matapos na ang pagpaparamdam sakanya

Malapit na siya sakanyang paaralan ng mapahinto siya sa paglalakad. Nakita niya mula sa kinatatayuan ang kumpolan ng mga tao sa loob, nagtataka siya habang nakatingin lang dito, hindi kasi ito ang inaasahan niyang tagpo na karamihan pala sakanila ay papasok rin ng ganung kaaga

Wala na siyang nagawa kundi ang pumasok at salubungin ang grupo ng estudyanteng nagkalat sa daan. Labis na pagka ilang ang naramdaman ng dalaga habang naglalakad patungo sakanyang silid, hindi man niya tignan ang mga tao sa paligid ramdam nito na sakanya lang nakatingin habang nagbubulongan na kahit di niya naiintindihan halata din niyang siya ang pinag uusapan ng mga ito. Yumuko na lamang si Liza habang patuloy na naglalakad ng biglang niyang marinig ang pangalan niya dahilan para mapahinto siya

"Yun po. Siya po si Liza" ani Clara habang tinuturo kung nasaan ang nakatayong si Liza

Nagulat na lamang si Liza ng may makitang mga kapulisan dito sa loob ng paaralan, marahil siguro sa payuko niyang tinatahak ang silid ay hindi niya ito napansin kaagad. Kinakabahan siya habang papalapit sakanya ang dalawang pulis na kasama ni Clara

"Ikaw ba si Liza?" rektang tanong ng isang pulis na sa tingin ko ay PO3 to base sa nakaburdang ranggo sa uniporme nito

"O-opo. A-ano po yon?" Nagkanda utal utal na tanong ng dalaga na may halong kaba na mababakasan mo sa tono ng boses nito

"Ako pala si PO3 San Joaquin kami ang naatasang humawak ng kaso ni Mr. Rolando Chavez kung iyong mamarapatin maaari ka ba naming maimbitahan sa aming himpilan para makapag bigay ng iyong sariling salaysay" walang paligoy ligoy na sabi nito

"Kaso? Ano pong kaso? Ano pong kinalaman ko dito?" Sunod sunod kong tanong sa nakaunipormadong pulis

Lingid sa kaalaman nilang lahat napapaligiran na sila ng mga estudyanteng nakiki-osyoso. Iba't ibang reaksyon ang makikita mo sa mga mukha nila, yung iba nagtataka sa mga nangyayari na halatang wala itong alam sa pagkamatay ng isang propesor. Samantalang yung iba naman nagbubulungan at gumagawa ng kanya kanyang konklusyon sa isip nila

"Kaso ng pagkamatay niya. Ayon kasi sakanya ikaw daw ang huling taong nakita niya sa loob ng opisina ni Mr. Chavez at hinahanap mo raw ito" patukoy nito sa kasamang estudyante na si Clara

"Clara ano to? Wala po akong ginagawang masama sir" si Liza na nangungunot ang noo nito sa panibagong problemang maaari niyang kasangkutan

"Kaya nga iniimbitahan ka namin para malaman natin ang totoong nangyari sa pagpatay sa inyong propesor" ani PO3 San Joaquin

"Ikaw rin Clara kailangan mo ring sumama at mag bigay ng iyong salaysay" sabi pa nito sakanyang katabi na si Clara

"Sige po" tipid nitong sagot

Agad din namang ipinaalam ni PO3 San Joaquin sila Liza at Clara sa isa sa mga namamahala ng paaralan na kasalukuyang kinakausap ng mga taga SOCO ngayon at ng pumayag ay agad ding isinakay ang dalawa sa mobil ng pulis at saka umalis

Sa loob ng sasakyan magkatabi ang dalawang estudyante sa likod at isa pang pulis na nagmamaneho ng naturang sasakyan na katabi naman ni PO3 San Joaquin sa harapan. Hindi malaman ng dalaga kung papaano niya to sasabihin sakanyang pamilya malamang sa malamang mag aalala lamang ito ng sobra sakanya. Nakatunghay lamang siya sa labas ng bintana, tinitignan niya ang mga estudyanteng nagkukumpulan habang papalabas ng eskwelahan ang mobil na kanilang sinasakyan. Pinagpapawisan si Liza ng mga oras na to kahit na napakalamig naman ng hanging binubuga ng aircon na yon, tinext niya si Ian para ipaalam ang nangyari sakanya ng saganon ay madamayan siya nito kahit papaano

Lagim ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon