Chapter 4

2.9K 38 1
                                    

"WALANG PASOK 6-7pm -prof. Barbosa"

Sobrang saya ko nang mabasa kong walang pasok. Tamang tama nga at kanina ko pa gustong umuwi

Di ko alam kung bat parang pagod ang buo kong katawan, na mas gugustuhin ko pang manatili sa kwarto magdamag habang nakahiga

****

Day 4
Pinaka malas na araw period. Susunduin ko lang sana sina Jamila at Krisel nang aksidenteng nabato ako ng bola sa ulo

Parang nahiwalay yung utak ko sa sobrang lakas ng impact nito. Kaya di ako nag atubiling hanapin at bungangaan kung sino man ang may gawa nun

Aba akalain mo yun, binungangaan din ako kesyo sa gitna daw kasi ako ng court nadaan. Anong klaseng lalaki yun? Di ba?

Nahiya ako nang makita kong nasa gitna nga ako ng court nakatayo na parang tanga. Gusto kong tumakbo sa kahihiyan, pakiramdam ko pinagtatawanan nila akong magbabarkada

Day 5
Magkakasama kaming tatlo dito sa library. Namomroblema si Jamila sa nanay nya, hindi nya na ito dinetalye pa kung ano ang pinag awayan nila

Ayaw nya lang daw sa inaalok sakanya ni tita, yun lang ang sinabi nya. Hula namin ni Krisel ay ang kagustuhan nitong lumipat sa malayong probinsya

Nabanggit kasi ng mama nya noon namimiss nito yung tirahan nila dati. At hindi pinaboran ni Jamila ang ideya ng kanyang ina

Day 6
Mag hahating-gabi na ng mapag desisyunan naming ipagpatuloy na lang sa ibang araw yung walang katapusang thesis sa bruha naming adviser

Halos lahat ng estudyante ay takot sa kanya. Bukod sa mababa lang ito mag bigay ng grade e walang tigil pa ang bibig nito sa pag bubunganga kapag alam nyang mali ang gawa mo

Dito ako ngayon kay Jamila matutulog. Simula kasi nung tanggihan nya ang alok ni tita, minabuti na lang nyang mangupahan kila tita Karmen ang nanay ni Krisel

Sobrang saya naming tatlo dahil magkakasama kaming matutulog. Sana palaging ganto

Day 7
Hapon na nang lumabas ako ng campus para mag meryenda. Isa ako sa mahilig sumundot ng turo-turo palibhasa yun lang ang kaya ng bulsa ko

Sarap na sarap ako sa pag kain ko ng kikiam,di ko namalayan natuluan ko na pala ng sauce ang sapatos ng katabi ko

Nilingon ko sya para humingi sana ng sorry at nang matigil yung bibig nya sa pag reklamo

Nang makita ko kung sino ito kumulo agad ang dugo ko. Para di masira yung moment ko sa pag kain ng paborito kong kikiam naglakad ako palayo habang sinusubo ko yung natitira kong kwek-kwek

Nakasunod pala sya sakin kaya pala parang may kung anong pumuputak-putak sa likod ko

Halos mabilaukan ako sa huli nyang sinabi na feeling ko raw ang ganda ko. Bakit may sinabe ba ako?

Sinusubukan nya talaga ako? Ano bang big deal kung hindi ako mag sorry. Bakit sya ba nag sorry sakin nung batuhin nya ako ng bola sa ulo?

Maging kwek-kwek man yung itlog nya hinding-hindi ako mag sosorry!

****

Kakapasok ko lang ng apartment ng tawagin ako ni Manang Selda

"Liza, halika sa loob" nakangiting sabi nito

Inabot nya sakin ang isang bouquet ng bulaklak at teddy bear

"Boyfriend mo siguro ang nagpadala nito"

***

Inilapag ko ang bag ko at nahiga sa kama. Inaalala ko kung anong petsa ngayon

Monthsary nga pala namin. Masyado na yata talaga akong madaming iniisip at pinag kakaabalahan kaya pati mahalagang araw sa buhay ko e nakakalimutan ko na

Lagim ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon