Chapter 3: 1st day of school

9.2K 267 5
                                        


Maaga akong nagising, pinukaw ako ng masamang panaginip. 6:30 am pa at 8:00 am ang pasok. Nandito ako ngayon sa harapan ng malaking salamin sa bathroom. Nakapatong yung dalawa kong kamay malapit sa sink at tiningnan ko lang yung sarili ko. Iniisip ko parin yung masamang panaginip na pumukaw sa akin. Masyadong masama na hindi ko na maintindihan kong bakit naging masama.

Lumingon ako sa right side at may nakita akong isang pinto na may nakalagay na Safire, yung kabila naman ay Madison. Siguro ito yung sinasabi niyang closets. Lumapit ako doon at binuksan. Agad bumugad ang nakahanger kong uniform, cloak, hat at pe. Sa likod naman ng nakahanger ay mga nakatuping mga damit, shoes,sandals,shoulder bags, bags, acessories, makeups at marami pa. Complete

Kinuha ko yung uniform at isinout na. Isang plain at maikling gray skirts, fitted long sleeves white shirt with colar and with matching mint green striped neck tie. At hindi mawawala yung black blazer with two pockets in front at isang logo ng Academy sa left side

Hindi kompleto ang look ko kung walang eyeliner(sa waterline or sa baba ng mata hindi sa itaas), mascara at konteng lipstick. Ito yung gusto ko yung nakakaintimidate yung look ko sa first expression nila sa akin para na rin na walang gustong makikipag usap sa akin, di ko na bet yung makikipag-socialize

Tapos na ako kulang nalang ay yung breakfast ko. Kinuha ko na yung black js bag ko at sinabit sa right shoulder ko. Lumabas na ako sa bathroom at kakagising lang ni Mady

"Ahhhh(yawn) ahh! Aga natin bes ah, excited?" Sabi niya at ngumiti ng abot langit yung parang nang asar

Tsk. Aaminin ko gusto ko siya dahil hindi niya pinapansin yung ugali ko. Pero hindi ako showy

"Tsk. Masama ba?" Tanong ko at tinaas siya ng kilay

"Di naman, di ko lang ine-expect. Ang akala ko kasi dadaan pa tayo doon sa scene na niyuyugyug kita sa kama at pilit na gisingin pero hindi pala hehe, salamat ah hindi mo ako pinahirapan hahaheheh" sabi at tumayo na sabay stretch

"Tsk" i just smirked at umupo na sa upoan

"Ligo muna ako ha, ouy sabay tayong magalmusal ah. Hintayin mo ako. Promise malibis lang to" sabi niya at pumasok na sa bathroom

Nakaready na yung breakfast namin dito sa dorm. Every morning daw sa dorm lang daw ang mga students magbreakfast dahil closed pa raw yung Food Hall sa umaga. Every lunch at super law daw ito open. Kaya kung nagtataka kayo kung bakit sabi ni Mady na sabay daw kami kasi akala siguro niya na nauuna na akong kumain kasi umupo na ako sa upoan harapan sa mesa na may pagkain.

After 2,5,10,15.....20 minutes natapos narin siya. Hay thanks God, kanina pa kumukulo yung tiyan ko sa gutom tsk. Sabi niya mabilis lang daw siya tsk sinungaling haha

"Heheh sorry kung natagalan ako. Gutom ka na ba?" Sabi niya at umupo sa na harapan ko

Tsk hindi ba obvious?

"Oo kaya kumain na tayo"sabi ko at kinuha ko yung kutsara at tinidor

"Hahhaha alam mo Safire bagay na bagay sayo yung uniform lalo na sa red hair and red eyes mo, matchy matchy" sabi niya at nagsimula ng kumain, hindi ko na nga maintindihan yung huling niyang sinabi dahil ngumunguya siya tsk

Sos nambola pa eh siya nga tong maganda eh

"Thanks" tipid kong sagot

"At bes ang ganda mo rin sa make up mo nakakatakot para kang bitch" wika niya

"That's what I like" sabi ko at tumingin sa kanya

"Pwede mo ba akong turo-"pinutol ko yung sasabihin niya

S A F I R ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon