Dedicate to D_lightshines 😘👌
-----:-----
"Ahhhh uhhh Safire kanina ka-ka ba-ba diyan?" Utal na tanong ni Mady na ngayon ay ang lalaki na ng pawis niya
Hindi ako sumagot, kailangan ko pa bang sagotin siya para malaman niya? Hindi pa ba sapat ang inakto ko dito sa harapan nila na tinitigan sila.
"Uhhh amm Ma-mady ma-mauna na a-ko ha" nauutal na sabi ni Trishia habang dahan dahan siya tumayo galing sa kama
Yumoko siya ng madaanan niya ako ngunit hinarangan ko yung pinto para hindi siya makadaan, bahagya siyang nagulat at napa angat ng ulo
"Uhmmmm e-excuse m-me?" Nauutal niyang sabi
Hindi ko siya pinansin, kailangan nilang ipaliwanag ang lahat ng narinig ko kanina, kaya hindi pa siya pwedeng umalis
"Sa-safire--" hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko
"Explain" ma-utoridad kong sabi
Napalunok nalang sila ng laway at dahan dahan ng bumalik si Trishia sa tabi ni Mady. Nakayuko lang silang dalawa na parang nagtatalo
Isinara ko muna yung pintoan bago ko sila haharapin. Dahan dahan akong lumapit sa kanila
Nanginginig na sila sa takot. Dapat kasi huwag niyo akong galitin dahil wala akong pinipili
"Speak" ma utoridad kong sabi
Napalunok naman sila ng laway at naghawak kamay
"Ha-ha?" Nauutal na tanong ni Mady
"SPEAK NOW!" Malakas kong sabi
Hindi nila alam anong idinulot ng ginawa nila sa akin. Dahil sa pinagsasabi ni Mady sa akin tungkol kay Frost at Chloe ay ginawa nila akong baliw. Pinaglaroan nila yung damdamin ko na nagdulot sa akin na ano ano nalang ang mararamdaman ko at mga pinagsasabi ko kay Frost ughhhh
"Ehhh ga-ganito ka-kasi ya-yan--" nauutal na panimula ni Mady
"Ayosin mo!" Matigas kong sabi
"GUSTOLANGKASINAMINGMALAMANKUNGMAHPAGTINGINKAKAYFROST" sabay nilang sabi na halos wala akong maintindihan sa bilis
Nagpalabas ako fireball sa kaliwang kamay ko, ramdam ko ang labis na init sa katawan ko na gusto ng kumawala ngunit di pwede baka mapatay ko sila kaya kinalma ko yung sarili ko
"Aayosin niyo o aayosin niyo!"pasigaw kong sabi
"Eh pareho naman yun ah wala kaming pagpipilian" bulong ni Trishia pero narinig ko parin
"At talagang wala kayong pagpipilian dahil pareho lang iyon kaya sa ayaw sa gusto niyo AYOSIN NIYO YUNG PAGSASALITA NIYO! Yung maintindihan ko" matigas kong sabi na ramdam kong mapuputol na yung mga ugat ko sa leeg
Nanlaki yung mga mata nila dahil mas lalong luamki yung fireball. Kinalma ko ulit yung sarili ko at unti unting lumiit ang fireball, napalunok nalng sila at napabuntong hininga
"Kaya namin yun nagawa Safire dahil gusto naming malaman na meron ka talagang pagtingin kay Frost" panimula ni Mady na ngayon ay nakayuko
"At yung paraan na paselosin ka, yun kasi yung effective way na nalaman namin" malungkot na sabi ni Trishia
"Alam niyo ba anong naidinulot non sa akin?!" Malaka kong tanong
BINABASA MO ANG
S A F I R E
FantasíaIsang babaeng may tinatagong kapangyarihan, kapangyarihan magagawa niya lahat, lahat lahat. Paano kung siya yung sinasabi sa propesiya? Propesiyang tumatak sa sanlibong puso. Paano pagnatuklasan niya ang totoong pagkataon niya? Pagkataong may malaki...
