Pagkalabas ko doon sa training room ay agad akong pumunta sa dorm, nawalan na ako ng gana pang pumasok sa klase. Nakakabwesit kasi yung yelong yun. Sabayan mo pa ng letcheng damdaming tohUmupo ako sa kama habang yung dalawang kamay ko ay nakapatung sa tuhod. Yumok ako at huminga ng malalim. Hindi ko parin lubos maisip ang mga pinag gagawa ko kanina pati na rin sa mga nakaraang araw. Ano bang nangyayari sa akin?? Sa tuwing nakikita ko si Frost maaalala ko lahat ng sinabi ni Mady ewan ko bakit at tsaka pagnagsalita siya agad akong mabwe bwesit sa boses niya
Ughhh enough ayaw ko muna siyang isipin gusto ko munang mag pahinga. Humiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Hayy kung hindi sana niya yun inistop sana napatay ko na yung Cthulhu tsk tsk
Teka---mabilis akong bumangon sa kama at ibinuka ang aking mga mata. Agad kung kinakapa kapa ang aking leeg. Hanggang sa nakuha ko yung kwintas
Ano ba talaga ang kaya nitong gawin? Pansin ko lang ha sa tuwing malapit ito sa akin ay hindi ako makaramdam ng ano mang sakit at labis na enerhiya ang aking mararamdaman. Ugh mygod Safire ano ba yang iniisip mo baka dahil lang niyan sa ibinigay ni Queen Mariposa na lakas, huwag ka ngang maisip ng ano ano pa tsk pinahihirapan mo lang yung sarili mo
Pero kahit na gusto ko parin malamam kung ano talaga ito at kung anong tawag dito. Kailangan kong humingi ng tulong kay prof Sector, siya lang ang alam kong prof na makakatulong sa akin
Bumangon na ako sa kama at binuksan ang pinto at marahas itong sinara at nagtungo na ako doon sa Faculty Room
Walang tao sa mga corridor pati na rin sa foodhall, lahat ay nasa kanya kanyang room dahil class hours pa ngayon. Buti nalang at walang mga bintana ang classroom sa banda ng corridor taging mga pintuan lamang. Kaya hindi nila alam na may naglalakad sa corridor na ganitong oras
Pagdating ko doon tamang tamang kakapasok lang ni prof Sector sa pintoan ng faculty room
"Wait!" Sigaw ko kay prof sabay takbo palapit
Bumukas ulit ang pinto at lumabas si prof Sector para tingnan kong sino yung sumigaw. Ng nagtama ang aming mga mata ay bahagya siyang huminga ng malilim ng makita niya ako. Lumabas siya sa pintuan at isinara ito at lumapit sa akin habang ako tumatakbo
"Bakit ka naparito Safire? Diba may klase pa ka?" Tanong niya
"I need your help" sabi ko sa kanya
"Bakit anong problema mo?" Tanong niya na nakakunot ang noo
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot
"Do you know this?" Tanong ko sabay pakita ng kwintas
"*he gasped*" kulang nalang ay lalabas na ang kanyang mga mata sa gulat at lalaglag na ang panga niya
"Ba-bakit na-nasa i-iyo ya-yan?" Na utal niyang tanong
"Nakita ko po ito sa mysterious forest" sagot ko sa kanya
"Ha? Ano namang ginagawa mo doon sa mysterious forest delikado doon alam mo ba iyon!" Pasigaw niyang sabi
"Hindi na yun mahalaga basta ang gusto kong malaman ano itong kwintas na to?" Tanong ko
Napalunok siya sa kanyang laway bago sumagot. Halata ang takot sa kanyang mga mata habang natingin siya sa necklace. Alam kong kakaiba ito dahil hindi basta basta natatakot si prof Sector, malakas siyang tao.
"Nasaktan ka ba niyan nong una mo yang hinawakan?" Tanong niya
"Oo" tipid kong sagot
"Nagdulot ba ito ng malakas na pagliwanag?" Tanong niya habng itinuro ang kwintas

BINABASA MO ANG
S A F I R E
FantasiIsang babaeng may tinatagong kapangyarihan, kapangyarihan magagawa niya lahat, lahat lahat. Paano kung siya yung sinasabi sa propesiya? Propesiyang tumatak sa sanlibong puso. Paano pagnatuklasan niya ang totoong pagkataon niya? Pagkataong may malaki...