Prologue

24.3K 522 53
                                    


Hindi ako makapaniwala na wala na sila mama at papa, pakiramdam ko mag isa nalang ako. Namatay sila dahil sa aksidente noong isang linggo. nandito ako ngayon sa ilalim ng puno kung saan sila nakalibing. Pinagmamasdan ko ang puntod nila, ang napakalamig na hangin at ang maaliwalas na kalangitan. Mas lubos kung naiinisip ang mga masasayang alala ko kasama sila, mga ngiti nila, paghalakhak, pagiyak, pagkagalit, at ang mismong sila. Hindi ko na alam kung saan na patungo ang buhay ko kong wala na akong mga magulang

Sa gitna ng aking pagluluksa may nakita akong isa ibon, hindi pangkaraniwang  ibon. Habang papalapit ang ibon napansin kong may dala itong sobre sa kanyang bibig, huminto siya sa ibabaw ng puntod ni mama at tumingin sa akin. Binitawan niya ang sobre at muli akong tinginan. Ang kanyang mga berdeng mata, mahaba at makukulay na feathers at ang hindi pangkaraniwang tindig ng isang ibon ay napaisip ako na saan ng galing ito at parang para sa akin yung sulat pagkat ako lamang ang tao dito

Tumayo ako sa pagupo ko sa damuhan at nilapitan ang ibon. Hindi gumalaw o lumipad man lang ang ibon at bahagyang tinitigan lang ako. Hindi ako natatakot pagkat simula nong nawala sila naging manhid na ako

Kinuha ko yung sobre at binuksan

Dear Ms Miere,
          Greetings from the Enchanted World, you are now enrolled to the Enchanted Academy and that means you will continue your living and school here. We are sending you to the Enchanted World when you follow the creature that gives you this letter. We are waiting for you there.

HM Zortress

Anong kalokohan ito? Enchanted World? Academy? Hahah what a nice joke. Pagkatapos kong basahin ang sobre bigla akong humahalagakhak sa tawa at nag-echo pa talaga. Napahinto ako ng biglang nag salita ang ibon

"Mala-late na po tayo ms Miere, naghihintay na po yung train doon sa Magic Express, sumunod na po kayo" matigas na sabi ng ibon

Kulang nalang ay lalabas na yung mga mata ko sa gulat ng nagsalita ang ibon. At ang bossy ng boses, hindi bagay sa kanyang napakagandang anyo. Nagsimula na siyang lumipad pero pinigilan ko siya

"Sandali" tipid kong sagot

Bigla siya huminto at lumingon sa akin

"Anong kalokohan ito?" Cold kong sabi

Bumalik siya sa puntod kung saan siya galing

"There's no such thing as joke, lahat ng ito ay totoo. Pakiusap mahuhuli na tayo kaya sumunod kana" sabi niya na puno ng pride

"Who are you?" Cold kong sabi at tiningnan siya ng malalim  sa mata or lets just say deadly glare

"I'm Bid ang natagapagsundo" sabi niya

"And I'm Safire Heat Miere and I'm not going with you" matigas kong sabi

Shiiinnnngggg

Biglang may tunog at ilaw red na nagmula sa kamay ni Bid. Napatingin siya at bumalik sa akin ang kanyang atensyon

"You are becuase you are chosen, whether you like it or not you will come." Matigas niya sabi

At talagang walang magpapatalo sa amin ng patigasan. Kahit anong gawin niya hindi ako sasama sa kanya at hindi ko iiwan sila mama at papa

"Why should I come? And what do you mean by chosen?" Tanong ko sa kanya, hindi ko parin inalis ang mga tingin ko sa mga mata niya

"Because you have powers that need to be trained and controlled. Hindi ko alam ang dahilan bakit ikaw ang chosen na mapabilang sa..."

Bahagya siyang napahinto at tumingin sa kanyang kamay

"There's no time to talk we need to go" sabi nya at pumunta siya sa harapan ko

Kinuha niya ang kamay ko at hindi ko alam pano niya na kayanan ang bigat. Unti unti akong lumipad na hawak hawak ni Bid. Nagsimula na siyang lumipad at biglang bumilis ang lipad niya parang 10x ang bilis. Hindi parin nag sink in sa aking ang nangyari. Nakaya niya ang buhatin at lumipad ng napakabilis

Huminto siya sa harapan ng bukas na train at biglang naging anyong tao. Napatigil ako sa nakita ko, labis labis na ang mga nagyayari sa akin ngayon parang mababaliw na ako

Humarap siya sa akin at ngumiti

"Hindi ka man pamayag na pumunta dito pero ito lang ang masasabi ko, siguradong masisiyahan ka at maraming salamat ms Miere." Sabi ni Bid at biglang naglaho

Okaay?

Beep beep

Biglang nagbeep yung tren kaya tumalon agad ako sa bukas na pinto at nagsimula ng umalis ang tren

Hindi man lang ako nakapag paalam sa kanila. Ang daming nagyaring bago sa akin ngayon. Simula nong natuklasan kong may kapangyarihan ako sa apoy, noong namatay sila mama at papa ng sabay at ngayon namag aaral ako sa isang Enchanted Academy. Pati na rin yung masayahing Safire ay napalitan na ng manhid at cold na Safire. Ngunit na nanatili parin yung Safire na mapagmahal. Hindi nag sink in lahat ng ito sa isip ko

S A F I R ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon