Chapter 6: Training

7.6K 254 5
                                    


Naghihiwalay na kaming lahat at nagkalat sa buong training room. Maybe 3km ang distansya sa bawat isa at 20 students lang ang Quartress section. Kaya masasabi kong sobrang laki ng training room na ito. Katabi ko na naman ang yelong to tsk nakakabwesit yung pagmumukha niya. Kung ano yung arrangement sa classroom ganon rin dito

"Safire palit tayo ng weapon please, naiingit natalaga ako oh tingnan mo kumikitaptap yung sword mo nakakaagaw pansin huhuhuh akin nalang yan please." Sabi ni Mady with matching fake cry

Ang layo layo namin pero bakit dinig na dinig ko parin yung sabi niya kahit bulong lang. Ano to? May iba akong powers?

"Tsk" I just smirked

"Ok class listen up" sabi ni Prof

Hinanap ko yung kong saan nanggaling yun. At napansin ko na lahat sila ay nakatingin sa ibabaw. At ayon nga nasa ibabas si Prof nakalutang. Cool matagal ko ng parangarap ang makalipad, paano kaya niya yung nagawa

"May barrier ang nakalibot bawat isa sa inyo upang hindi niyo matamaan ang bawat isa. May lalabas na ibat ibang Mythical Creatures sa loob ng barrier niyo at kailangan niyo silang patayin at dipensahan ang sarili niyo gamit ang weapon at powers niyo. Ang hindi makaligtas ay may punishment at ang unang makatapos ay may reward." Paliwanag ni Prof

"Easy peasy" bulong ni Frost

Wait narinig ko nanaman kahit na sa malayo kami. Hindi kaya may Hearing ability ako? Cool

"Now there is only one rule. And that don't break the barrier, understood?" Sabi ni Prof

"Understood" sabi naming lahat

"Barrier" sabi ni Prof at saka nagclap ng dalawang beses. May biglang lumabas sa kinatatayo an namin na barrier at unti unti nagform ng half circle at ibabaw. Transparent lang ito. Kitang kita ko parin sila

"Prepare yourselves in a count of three lalabas na ang mga Mythical Creatures" sabi ni Prof

Buti nalang at pina aral ako nila mama at papa sa isang martial arts school at tinuroan din nila ako ng ibat ibang survival tips. Magiging madali lang ito sa akin dahil hindi ko pa kabisado ang powers ko

"3"


"2"


Itinaas ko yung sword ko at nagform ng fighting stance. Lumingon ako kay Mady isang malaking whip na kulay pink . Kay Trishia naman ay Golden dragger, may tatlong dragger ang nakaipit sa kanyang mga kamay na parang ninja, meron din siyang isang pocket sa gilid niya na puno ng draggers. Kay Jack naman ay isang higanteng bow at arrow na napakaganda. Kay Ken naman ay isang mataas na Spear na kulay Silver at may disenyong Dragon. Lumingon ako kay Frost at isang napakalaking Axe ang sa kanya kulay blue at black

"1"

"Go!"

May biglang sumulpot sa harapan ko na isang higanting Cyclops. Nakakadiri ang kanyang mukha at ang hugis ng kanyang katawan eww. Pero may maramdaman akong kung anong lakas sa katawan ko na sumugod.

"AARRRGGGGHHH!!!!" Sigaw nung cyclops at patabong lumapit sa akin. Halos pumutok na yung mga ugat niya sa sigaw niya at ang baho ugh hindi ba niya alam ang salitang toothbrush?

"Haaaaaayyyaaaaa!!!!!"sigaw ko at tumalon papunta sa kanya

Napunta ako sa bewang niya at umakyat sa bandang kilikili niya. Balak niya kunin ako gamit ang kanyang kamay ngunit nakailag ako ng mapunta na ako sa balikat niya at bigla lang siyang sigaw ulit dahilan para ako ay muntik ng mahulog. Pero nakahawak ako sa kanyang damit at umakyat ulit

"Not so fast" sabi ko bago nagtumbling papunta sa kanyang kalbong ulo.

"Rrrrrrahhhhhhhh!!!sigaw niya habang pa lingon lingon sa ibang direksyon. Hinanap niya guro ako pero hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at inangat na yung sword ko

S A F I R ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon