Chapter Two

2.7K 39 0
                                    

NAGISING nalang ako na nasa clinic na ng school. Abalang-abala sa kapapaypay ang isang napakagwapong anghel. Sinubukan kong ilapit ang mga labi ko sa labi niya pero bigla niya 'kong tinapik sa noo.

"Hoy beszy, tumigil ka! Hindi tayo talo no!" sabay irap niya na tinawanan ko naman.

"Ano ba'ng nangyari? Hinimatay ka daw sabi ni Papa Xander. Grabe, alalang-alala yung lolo mo." kinikilig na sabi ni Eric.

Ha? Ako? Hinimatay? Bakit nga ba?

"Macqueen, be my girlfriend."

"Macqueen, be my girlfriend." paulit-ulit na echo sa pandinig ko. Shocks, totoo ba yon?

"Beszy ang bongga mo. Binuhat ka ni Papa Xander papunta dito. Waaahhh kilig much. Ang macho talaga. Akalain mong nakaya ka niyang buhatin yung chorba mo na yan."

Waahhh.. Ba't di ko man lang naramdaman? Ang tanga mo talaga Macqueen. Bakit non ka pa hinimatay?

"Nasaan si Xander?"

"Nagpaalam na. May laban kasi sila sa gym."

Dali-dali akong nagpunta sa gym. Wow, ang daming tao. Kasalukuyan silang nagwawater break.

"Hoy Xander, ano nga yung sinabi mo sa'kin kanina?" pagsugod ko na kunwari ay galit na galit. Lumapit naman siya sa'kin at bumulong.

"Be my girlfriend."

Pagkarinig ko no'n ay kunwaring hinimatay uli ako. Waahh. Sana buhatin uli ako ni Xander my love. Galingan mo pa ang pagdrama Macqueen.

"Pag di ka tumayo dyan babatukan kita."

Oh my, nahalata pala niya. "Eto na nga oh tatayo na, echoserong 'to."

"Ano payag ka na ba?"

"Siryoso ka?"

"Kung ayaw mo, eh di wag." Oh shocks, kumindat pa siya.

"Yes Xander.. Yes na yes.." Waaahh. I'm so happy. OMG. Tatatanggi pa ba 'ko eh chance ko na 'to.hahaha Napayakap ako kay Xander dahil sa tuwa.

"Boooooo... Boooo..."

Teka, bakit nagbubooo yung mga tao? Ano ba yung ginawa ko? Oh shocks, my first hug.

Inakbayan ako ni Xander sa harap ng maraming tao. Naglakad pa kami sa harap nila ng magkahawak kamay. Dumiretso kami sa locker room nila. Sinara niya ang pinto. Isinandal niya ko sa pader. Pumikit ako. Reding ready na 'ko sa magaganap.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"

Napadilat ako. Si Xander nanlilisik ang mata.

"Akala mo ba talaga papatulan kita? Kahit ikaw nalang ang babae sa mundo hindi kita papatulan! Sana matuto ka ring tumingin sa salamin." Sabi ni Xander habang dinuduro ang noo ko.

Ang sakit naman. Ang tanga mo talaga Macqueen. Bakit ba kasi assumera ka.

"Wala ka na bang ibang sasabihin?" Pinigilan ko ang luhang nagsisimulang mamuo sa gilid ng mata ko.

"Hindi porke nakikita mong gusto kita eh may karapatan ka ng ganyanin ako! Kung alam ko lang na ganyan kasama ang ugali mo, hindi kita magugustuhan!"

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko habang nakatingin sa kanya. Naisip ko rin yung mga panlalait na ginawa sa'kin ng mga tao. Akala ba nila hindi ako nasasaktan? Hindi ba nila alam kung gaano kahirap na ikinukumpara ka sa itsura ng iba? Hindi ba nila alam na ang pagiging masaya nalang ang kaya kong gawin sa kabila ng panghuhusga nila?

Biglang nagbago ang aura ng mukha ni Xander. Ang kaninang matapang niyang mukha ay naging maamo. Aalis na sana 'ko nang bigla nya 'kong hilahin pabalik. Niyakap nya 'ko ng mahigpit hindi ko alam ang dahilan pero alam mong may kakaiba sa yakap niya.

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon